Chapter 13: Sumpa

12 0 0
                                    

Kinuha ni Magnos ang prinsesa. Hindi na tumutol ang mga diwata ng kinuha ni Magnos ang prinsesa. Nagkagulo na ang lahat pero ang tatlong diwata ay nanatiling walang kibo sa mga nangyayari sa palasyo. Wala na silang pakialam kung sinumpa ang lahat ng nandoon. Para sa kanila nararapat iyon dahil ang sasama ng mga ugali ng mga taong nandoon, kabilang na roon ang prinsipe.

Kasabay ng paglisan ng prinsesa ay ang paglisan din ng tatlong diwata. Sa wakas nakawala na sila sa pang-aalipin ng hari. Tuluyan na nilang linisan ang palasyo at nangakong hindi na paaalipin sa kahit na sinong tao. Dahil simula ngayon hindi na sila magpapakita sa mga tao. Tuluyang pinutol na nila ang ugnayan sa tao at bumalik sa kanilang kinaruruunan. Sa tahanan hindi alam ng mga tao. Sa tahanan na puros mahiwaga ang makikita.

Samantala, ang hari ay hindi na nakita pagkatapos ng dilobyong nangyari mula sa palasyo. Walang nakakaalam kung nasaan ang hari. Ang haka-haka, baka napatay na ito ng matanda na sumumpa sa palasyo. Ang iba namang sabi-sabi, naging halimaw ito at nagbabantay ng maiigi sa palasyo. Isang halimaw na kay bangis. Isang halimaw na hindi hinahayaan na may tao sa labas ng palasyo na makapangambala. Isang halimaw na nagmamatyag sa dilim. Isang halimaw na hindi ka hahayaan buhayin pag ikaw ay pumunta ng walang pahintulot sa kanya.

Ang kaharian ay nagmistulang isang hunted dahil sa ugat at tinik nitong nakapalibot sa palasyo. Kahindik-hindik rin ang loob dahil sa mga nakausling ugat at lumot. Kung sino man ang gumawi sa palasyo ay tiyak na hindi magtatagal dahil sa ayos nito.

Nawala na ang dating maranyang buhay ng mga taong nandoon. Kapalit ng rangya ay isang sumpa. Lahat iyon ay nakasalalay kay prinsipe Marcos. Maibabalik lang lahat kung matutunan ng prinsipe ang mag-mahal ng tunay. Pagmamahal na wagas. Isang halik ng tunay na pag-ibig ang tanging paraan upang maibalik ang lahat sa dati. Yon nga lang paano?

Sino mang matino ay hindi babalakin na pumunta dito. Sino din bang matino kong mag-isip ang hahamakin ang lahat mailigtas lang ang palasyo? Kahit ang kapalit nito'y kanilang buhay!

Sino rin bang matinong babae ang isasakripisyo ang lahat mailigtas lang ang kaharian para sa isang halimaw na prinsipe. Isang nakakasuklam na mukha! Isang nakakakilabot na mukha na ayaw man lang tingnan ng prinsipe sa salamin.

Simula noon ang mga taong nasasakupan ng kaharian ay hindi na nakita ang katanyagan ng palasyo. Ang mga diwata ay inalis lahat ng ala-ala ng mga taong nandoon.

Dahil sa sumpa. Ang mga taong nandoon ay hindi na pumupunta sa tuktok ng bundok sa pangambang may halimaw na namamalagi sa dakong iyon. Iyon naman ay totoo. Maraming mga mangangaso ang nawawala sa masukal na kagubatan na iyon. Maraming nagsabi na kinain sila ng halimaw na nagbabantay sa bundok.

Simula noon, pinagbabawalan nila ang ibang tao na magtungo sa dakong iyon. Lubhang mapanganib!

Dahil sa takot ng iba, ay hindi na sila nag lakas ng loob para pumunta pa doon. Hanggat maraming taon na nakalipas, iyon parin ang alam ng iba.

Samantala, ano na nga ba ang nangyari sa prinsesa at si Magnos? Nasaan na nga kaya sila? Ligtas kayang nakapanganak si prinsesa Sefora?

At si Malificient nasaan na? Maraming katanungan subalit walang kasagotan ang maririnig.

The Other Side Presents: Malificient's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon