Pagkatapos ng kasal ay hinayaan ang dalawa na mapag-isa muna. Walang nakakaalam kung saan dinala ni Magnos ang kanyang asawa. Sa tagal na hindi sila nagkasama siguro naman kailangan nila ang panahon na ito upang makapagsulo naman sila.
Isang huni ng musika ang nagpatigil kay Sefora sa paglalakad. Nabitawan tuloy niya lahat ng hawak na gamit ng marinig ang musikang iyon. Iyon ang musikang nadinig niya nang isayaw siya ng prinsipe sa kagubatan!
Ang nagmamay-ari pala non ay si Magnos! Si Magnos na sa simula ay sinoportahan siya. Nasa likod niya si Magnos at yinakap siya ng sobrang higpit. At bumulong na nagustuhan ba daw niya ang surpresa nito. Ngumiti siya at sinabing nagugustuhan niya ito basta't galing sa kanyang esposo.
Hindi ang musika ang tinutukoy ni Magnos kung hindi isang magarang bahay. Isang napakagandang bahay ang surpresa ni Magnos para sa asawa. Para itong palasyo kung matuturing. Napapaligiran ang palasyo ng mga makikinang na bagay. Sa labas non ay may batis na kay linis. Perpekto ang lugar kung maituturing. Pero hindi iyon alintana ng prinsesa. Sapat na sa kanya na makasama niyang muli si Magnos at ang dalawa niyang kambal.
Isinayaw siya ni Magnos saliw sa musikang pumailanlang sa buong bahay. Nag-sayaw sila ng nag-sayaw. At ng mapagod ay nagyakapan na lamang sila.
Pagkatapos ng sayaw ay pinangko ni Magnos ang kanyang asawa at lumakad papunta sa ikalawag palapag kung saan naroon ang kanilang silid.
Marahan ibinaba ni Magnos ang kanyang asawa sa isang malambot na kama at isa-isa niyang hinubad ang pang kasal ni Sefora. Malaya niyang pinagmasdan ang katawan ng kanyang esposa. Hindi pa rin siya makapaniwala ng sa wakas malaya na sila. Malaya na sila sa mga mapanuring mata. Malaya na silang magmahalan. Malaya na silang ipakita sa buong mundo na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Walang pakundangang inangkin niya ang kanyang esposa. At ng matapos sila ay bumulong siya dito na mahal na mahal niya si prinsesa Sefora.
Totoo iyon. Walang araw na hindi pinaramdam ni Magnos ang pagmamahal niya para sa esposa at ganon din si Sefora para kay Magnos. Kaya hindi nakapagtatakang lumaki ang dalawang kambal na mahal nila ang isa't-isa. Nasaksihan kasi nila kung pano magmahalan ang kanilang mga magulang.
Samantala, hindi parin niya makalimutan ang kaharian. Sa kaharian na iyon namalagi ang kanyang ama at ang prinsipe. Naaawa man siya sa kalagayan ng dalawa at ang sitwasyon ng kaharian ay wala na siyang magagawa. Ang tanging hinihiling na lamang niya ay magbagong buhay na ang dalawa. Ang tinutukoy niya ay ang prinsipe at ang hari.
Sana matutunan ng prinsipe ang magmahal ng tunay. Kung sana matutunan ng hari na maging mabait. Sana... Iyon ang kanyang kahilingan. Sana nasa mabuti silang kalagayan.
Sana nga meron magmahal kay prinsipe Marcos sa kabila ng kanyang kaanyuan. Sana meron makapagbago sa hari. Naawa man siya pero wala na siyang magagawa. Panahon na lamang ang makakapagsabi kung pahihintulutan silang makabalik sa kanilang kaanyuan. At iyon ay hindi alam ng prinsesa. Ipapasa Dios na lamang niya ang pagpapasya.
-(Wakas)-

BINABASA MO ANG
The Other Side Presents: Malificient's Son
Storie d'amoreSorry guys pero may kung anong nakapukaw sa akin ng sinulat ko ito. Just bare with me... And thank you sa suporta, kailangan ko yan hehehe.