Chapter 10: Wasak na Pangarap

8 0 0
                                    

Ang masasaya nilang pagsasama ay dagli ding nalamatan na ang hari at si prinsipe Marcos ay hinanap ng hinanap ang prinsesa Sefora. Determinado silang kitlin ang dalawang halimaw. Si Magnos at si Sefora ay walang kaalam-alam na papunta na sa kanila ang mga kawal ng hari. Napakarami nila ng pinalibutan ang lugar.

Kataka-takang may alam ang mga ito kung nasaan sila. Iyon pala, isa sa mga diwata ang nagsabi kung saan sila namalagi.

Walang kahirap-hirap nilang nakuha ang prinsesa sa pamamagitan ng isa sa mga diwata. Nawalan ng kakayahan si Magnos para protektahan ang prinsesa sapagkat may nalaman sila na ikakatalo nito.

Lumong-lumo si Magnos sa naganap sa kanya. Si Sefora naman ay parang mahihimatay ng makita ang lugmok na katawan ni Magnos. Gustohin man niyang patigilin sila ay wala siyang nagawa. Nakatali ang kanyang mga kamay. Gusto niyang lapitan si Magnos pero mahigpit siyang binabantayan ng prinsipe. Kahit anong ulit niyang sabi na wag saktan si Magnos pero hindi sila nakikinig. Patuloy pa rin nilang sinasaktan ang kanyang mahal. Marami ng nasayang na dugo si Magnos pero patuloy pa rin ang pagpapasakit nila dito.

Lumuluhod siya sa kanyang ama upang magmakaawa subalit bingi ito. Ang prinsesa ay iyak ng iyak na para bang mawawalan na ito ng ganang mabuhay.

Inuwi nila ang prinsesa pero si Magnos ay ikinulong nila sa kulungan. May plano pa silang napakasama. Nais nilang si Malificient ay patayin din kaya ang pagbihag kay Magnos ang tanging paraan para magawa nila iyon. Alam nila na ang dalawa ay mag-ina. Nais iyon gamitin ng hari para paslangin si Malificient kaya ikinulong muna nila si Magnos.

Samantala ang prinsesa ay nawalan na ng ganang mabuhay. Gustuhin man niyang makita si Magnos pero nakakandado ang kanyang silid at ni hindi pa siya pinapalabas sa kwarto hanggat hindi namamatay ang dalawang mag-ina. Sa kaalamang iyon ay ayaw na niyang kumain pa. Mas mabuting mamatay na lang din siya kung ganitong paunti-unti siyang pinapatay ng sarili niyang pamilya. Hindi siya kumakain kahit anong pilit ng mga diwata na siya'y pakainin pero hindi nila siya mapipilit. Nagkaroon ng lamat ang pagtingin niya sa tatlong diwata. Bakit nagawa siyang traydorin ni Aling Memfes? Bakit? Naitanong na lamang niya. Ano bang nagawa ni Magnos na kasalanan? Wala naman itong pinatay. Wala naman itong ginambala. Bakit kung tratohin nila ito para walang awa.

Humingi ng tawad ang mga diwata. Nagawa lamang nila iyon sapagkat hawak ng hari ang kanilang buhay. Pag hindi nila sinunod ang gusto ng hari kapalit nito'y kanilang buhay. Natatakot rin ang mga diwata. Lubhang napakabagsik ng hari. Kaya niyang putulin ng isang iglap lahat ng koneksyon sa mga diwata. At iyon ay nalalabag sa kanilang batas. Sapagkat nangako sila na ang kaharian ay poprotektahan, kabilang na doon ang namamahala.

Katwiran nila; naaawa din sila sa kalagayan ni Magnos pero wala na silang magagawa. Hawak-hawak din ng hari ang kanilang buhay. Gustuhin man nilang tulungan si Magnos ay wala silang kakayahan upang gawin iyon. Nakakulong din sila sa isang malaking hawla na tanging hari lamang ang makakabukas.

Naintindihan naman niya iyon. Pero paano na si Magnos? Tiyak siyang pinahihirapan na ito ng husto. Desidido na siyang makita si Magnos. Si Magnos na kanyang sinisinta. Pero bago niya iyon magawa ay kailangan niya munang pumuslit sa mga gwardia.

Nagmamakaawa siya sa mga diwata na sana tulungan naman siya. Lubos na naawa sila sa prinsesa kaya nagdesisyon silang tulungan ito. Gamit ang kanilang mahika ay nagawang niyang pumuslit sa mga nakaatang na gwardia. Labis ang kanyang kaba na baka mahuli siya. Mabuti na lang at nakaagapay ang tatlong diwata sa kanya patungo sa bilanggoan kung saan nandoon si Magnos.

Kalumo-lumo ang kanyang kalagayan. Parang biniyak ang kanyang puso ng makita niya ang kalunos-lunos na sitwasyon ni Magnos. Nakagapos ang dalawa nitong kamay sa lubid. Puno ng dugo ang kanyang mukha. At sa pakiwari niya para anumang oras ay mamatay na ito.

Magnos! Tawag niya. Anong ginawa nila sa iyo. Puno ng hinagpis ang kanyang kalooban. Hindi niya matanggap na ito ang nangyari sa kanyang katipan. Parang may punyal ang nakatarak sa kanyang dibdib at hindi mawari kung ano ang gagawin sa sitwasyon na iyon.
















The Other Side Presents: Malificient's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon