Lahat ng tao sa palasyo ay imbetado sa piging ng prinsesa pero katuwa-tuwang hindi man lang niya maramdaman ang kaligayahan. Akala niya mapupunan ang kahungkagan ng kanyang puso kung siya'y uuwi sa palasyo at makita ang kanyang ama. Pero nagkamali siya. Sapagkat naiinip na siya at gusto na niyang lumabas sa bulwagan na iyon. Sa bulwagang wala ang matatalik niyang kaibigan.
Ang tatlong diwata. Pagkatapos siyang ihatid ay nawala nalang sila na parang bola. At si.. Si Magnos. Namimiss na niya ito. Gusto na niya itong makitang muli pero hindi na pwede. Ano bang itong nararamdaman niya? Nakakalito. Pakiwari niya.
Gusto muna niyang iwan pansamantala ang kasiyahan at tuloy-tuloy siyang pumanaog sa harden. Sa harden na kong saan napapalibutan ng maraming mababangong rosas ang kastilyo. Rosas nakay pula. Kasing pula ng kanyang damit.
Ng makita ng tatlong diwata ang kanyang suot ay hindi na sila nagcomento pa bagkos dali-dali na silang lumabas ng bahay upang tumungo sa palasyo. Sa palasyo ng kanyang ama.
Napakatahimik ng lugar. Sakto lang sabi niya. Pero hindi pala siya nag-iisa sa harden. Isang matanda ang lumapit sa kanya at inalayan siya ng napakagandang rosas. Rosas na walang kapantay na bango. Kinuha niya ito at sa hindi inaasahang pangyayari natusok siya sa talim nito.
Nagdulot iyon ng kadiliman sa langit sanhi ng kanyang pagkamatay. Nagkagulo ang lahat. Maraming nagsilabasan na kung ano sa lupa na ikinatakot talaga ng mga taong nandoon.
Nakakadiring pangitain. Parang isa itong masamang panaginip na ang lahat ay gusto ng gumising. Ang sumpa ay nagkakatotoo na. Ang prinsesa ay namatay dahil sa tinik na nanggaling sa rosas!
Si Malificient na nag-anyong matanda ay tumawa ng pagak. Galak na galak siyang paglaruan ang hari. Nakikita niya ang takot sa mga mata ng hari. Sa wakas! Sigaw niya. Matitikman mo kung pano magalit ang isang tulad ko! Sigaw niyang sabi sa hari. Takot na takot ang lahat. Ang iba pa ay nahimatay dahil sa takot. Kidlat doon, kidlat dito. Mga halimaw na nanggaling sa lupa ay parang naglalaway na sa gutom. Gutom na gutom na sila. At sa isang utos pa'y tiyak niyang lahat ng tao'ng nandoon ay mamatay! Walang pagsidlan ang kanilang takot. Hindi talaga nagbibiro si Malificient.
Hindi naglaon ang damit ni Sefora ay kuminang ng kuminang. Sa kinang nito parang malulusaw ang sino mang makakita nito. Napakasilaw! Sigaw niya. Lahat ng umahon sa lupa ay nalusaw. Nalusaw maliban kay Malificient. Anong uring damit ito? Nagtatakang tanong niya.
Galit na galit siyang napabaling sa nakahandusay na prinsesa. Pinagtangkaan niyang patayin ng brutal ang prinsesa pero hindi niya magawa-gawa sapagkat ang damit palang iyon ay naglalabas ng nakamamanghang kapangyarihan para protectahan ang prinsesa. Kapangyarihang kaparihas ng sa kanya. Sino ang nagmamay-ari ng ganoong salamangka? Sino?! Napaisip tuloy siya. Hindi maari! Labis ang kanyang puot na naging dahilan para patulugin niya lahat ng nandoon. Ng sa ganon ay walang makatakas sa kanyang paghihiganti! Hahanapin muna niya ang pinanggalingan ng mahika bago niya ituloy ang kanyang balak. Kailangan makita niya kung saan nanggagaling ang kapangyarihan niyon. Dahil kung hindi nangangamba siyang mapopornada ang lahat ng pinaghirapan niya. Naghintay siya ng napakatagal para dito. Ipapalasap niya sa hari at sa mga taong nandoon ang sakit na kanyang tiniis makaganti lamang sa hari!
Samantalang si Magnos ay labis ang pag-alala para sa prinsesa. Nang makita niyang nakahandusay ang prinsesa at namatay parang linukob ng lungkot ang kanyang puso. Kaya gumawa siya ng paraan upang ito'y magising. Tinulungan niya si prinsipe Marcos upang ito'y hindi makatulog. Alam kasi niya na ang halik ng tunay na pag-ibig ang makapagpagising sa dalaga. Sinabi iyon ni aling Memfes sa kanya noong bata pa siya. At si prinsipe Marcos lang ang tanging makagagawa non. Wala ng iba! Iyon ang mahigpit na bilin ng diwatang Memfes sa kanya!
BINABASA MO ANG
The Other Side Presents: Malificient's Son
RomantikSorry guys pero may kung anong nakapukaw sa akin ng sinulat ko ito. Just bare with me... And thank you sa suporta, kailangan ko yan hehehe.