Chapter 30

631 15 0
                                    

A/N: sabaw! btw nasa rank # 7 tayo In Interesting Stories ,thankyou sa mga patuloy na nag babasa :)


Amethyst pov


 Nandito ako ngayon sa mini gym sa likod ng bahay nag te-tread mill.Mahigit dalawang oras na akong nag e-exercise naging busy kasi ako nitong mga nakaraan tapos lagi pa ako nasasangkot sa mga pinaga-gawa nung abnoy na si Civer.

 Actually medyo close na kami pero nandun pa din yung lagi niya akong pinag di-diskitahan.Tss isip bata.Napatingin ako sa glass wall ng gym sumesenyas kasi si Ains. 


 Problema nito?Huminto na ako sa pag tread mill at lumabas ng gym."Oh?"sabi ko habang nag pupunas ng pawis sa leeg. 

 "Yung mga classmate mo nasa labas ng gate."sabi niya tapos na una akong mag lakad.At ano naman ang ginagawa ng mga lokong to dito sa bahay namin.Sinuot ko ulit ang t-shirt ko na hinubad kanina . 

 Naka sports bra lang kasi ako tapos short shorts.Mga manyak pa naman yung mga gungong na yun.Pag dating ko sa gate nakita ko silang lahat naka hawak sa bakal ng gate ,para tuloy silang mga estudyanteng inabotan ng umaga sa daan dahil sa kalasingan. 


 "Ame kanina pa kami dito ang init na"Hugh 

 "papasokin mo na kami squid girl sakit na ng paa namin"S'venUmiling ako sa kanila.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?tsaka nasaan ang kotse niyo?"naka pamewang na tanong ko.Baliw talaga ng mga to' sobrang layo ng bahay namin tapos susulong sila dito.


 "Eh kasi gusto namin tumambay dito e tapos tumirik pa yung sasakyan namin sa daan"sagot naman ni Enoch.Isa din tung tungak nato ,sobrang pilosopo.Eh kung ipa kain ko siya kay mima.

 "Mag si uwi na nga kayo!"sigaw ko.Aalis na sana ako ng mag hiyawan sila at nag wa-wala sa labas ng gate.Anak ng- made-demanda ako sa ingay ng mga to.Padabog kung binuksan ang gate.

 "Yeheyyyy!"sigaw nila.Kaya tinaasan ko agad sila ng kilay. 

 "Tumahimik kayo! istorbo kayo sa kapitbahay!"walang gana kong sabi at naglakad papasok ng bahay.Agad naman silang nag si upo sa sofa ng makapasok sila."Ba't di niyo kasama si Chasty?"tanong ko.

Ano ba kasing pinunta ng mga to dito wala naman to sa usapan namin kahapon ah.Malamang umalis kasi agad ako kahapon kaya hindi ko alam kung ano yung mga pinag uusapan nila.Kasi naman puro sila reklamo kahapon ayan tuloy hindi ako na inform na dito pala kami gagawa ng debate topics namin.

"Sabi ni Vox sabay nalang daw sila hahabol daw sila dito."sabi ni Shem na busy pag lalaro ng phone niya.Aba! nandito sila para gumawa ng debate topics hindi para mag laro ng mobile games.

"Ains?"tawag ko sa kanya.Nasaan na ba yung babaeng yun? teka bakit kulang sila? 

S'ven!!!Mabilis akong nag lakad papuntang kusina baka kasi nandun sila.And luckily nandun nga at jusko muntik na silang mag laplapan buti nalang mabilis kung na kuha yung apple sa countertop ng kusina at binato iyon kay S'ven.

Pareho silang napatingin sa gawi ko at gulat na gulat pa sila ng makita ako.

"Hoy! kayong dalawa pag hindi kayo tumigil sa kalandian niyo ipapalapa ko kayong dalawa kay mima!"tumalikod na ako at naghugas ng kamay."Ains magluto ka may mga buwaya tayong bisita."sabi ko.

"Ang bitter ng lola mo nagmamahalan naman tayo ah"rinig kung sabi ni S'ven.Kaya naman kinuha ko yung isa pang apple at tinapon sa kanya habang nakatalikod ako.

LESSEN THE PAIN IN YOU ( SEASON ONE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon