Chapter 14

635 22 0
                                    


Amethys Pov


  Tinignan ko ang relo ko 8:48 pm na ng gabi at dumadami na ang mga tao dito sa loob ng feild. Tanging ilaw lamang ng mga classroom ang makikita mo at ang mga ilaw ng mga side dito sa feild. 

 "Nakakatakot naman.."mahinang sabi ni beni na naka kapit ng mahigpit sa braso ko. Kasama ko ngayon sila Hanabi Luna at Chasty. 

 "Para ka namang baguhan dyan beni.. e halos taon taon na matatapos ang intrams ginagawa to" natatawang sabi ni Hanabi.

 "Oo nga natatakot ka dito pero sa mga boys na nilalandi mo hindi!"pangaasar ni Luna sumimangot bigla si Beni. 

 "Pero kasi kakaiba ang gabing tooo."naging seryoso ang reaction ng lahat pati na din ako. Hindi naman ako takot sa mga multo pero ramdam ko rin na may kakaiba sa paligid.Ginala ko ang paningin ko sa feild madami na ang tao.

 "Okay students listen,2 mins more and we we're going to enter the Hermes Forest."sabi ng isang babaeng may ka eda'ran na." This activity will going to test your fears on how you will overcome all of your fears in life.." dagdag nya. 

 Wala kaming kahit anong dala cellphones ,flashlights or any kind na may ilaw. Tanging takot at sarili lamang ang dala ng bawat isa.First time kung gagawin ang ganito kaya na e-excite akong gumala sa loob ng gubat pero nandun pa din yung pangamba ko dahil sa nararamdaman ko ngayong kakaiba sa paligid.


  "Okay everyone lets proceed to the entrance gate of the Hermes Forest.. now follow me."nag lakad na kami papuntang entrance ng gate lahat ay kanya kanyang kapit sa mga kasamahan nila. 

 

 "Wait naiihi ako.. "sabi ni beni "Hana samahan moko please" dagdag nya.

 "Sus if I know alibi mo lang yan para di ka makapasok sa gubat"pangaasar niya. 

 "Hindi nga!."umalis na sila at na iwan kami ni chasty at Luna. Naglakad na kami papasok ng gubat.Sobrang dilim pero may konting ilaw mula sa buwan kaya maaninag namin ang mga dadaanan namin.

 Luminga linga ako sa paligid. Huminto ako ng may nakita akong taong nakatayo sa gilid ng puno tila hinihila niya ako papunta sa kanya. Dahan dahan akong lumapit at agad syang tumakbo sa madilim pang parte ng gubat.

 Tumingin ako sa likod ko wala na sila Chasty at Luna. Agad kung sinundan ang taong nakatayo kanina sa may puno. Hinawi ko ang mga damo at mga bagging na naka sabit sa mga puno. Mag lalakad na sana ako ng biglang may matalim na bagay akong naramdaman sa leeg ko.


 "Wag kang sisigaw kung ayaw mong laslasin ko ang leeg mo.."diin nyang sabi sa akin. Malalim ang boses nya at nakakakilabot pero hindi ako natatakot.Tinulak nya ako ng malakas kaya na paupo ako. Tinignan ko ang paligid napaka lawak ng lugar na ito. Tinignan ko kung sino ang lalaking tumulak at nag tutok ng patalim sa leeg ko.


 "Dimitrious..." mahinang sambit ko at tinignan siya ng masama. Tumawa sya ng malakas ng sabihin ko ang pangalan ng gang nila.

 "Buti naman at nakikilala mo pa ang gang ko.." nakangising sabi nya. Tumayo na ako at pinagpag ang pang upo ko tsaka tinignan ulit sya ng bored kung tingin.

 "Actually na kita ko lang naman ang pictures ng gang group nyo at na recognize ulit ng isipan ko.." pinagsaklop ko ang dalawang braso ko at tumayo ng tuwid." Hindi naman kayo kailangang kilalanin e... dahil hindi naman ako intersado sa inyo." Pang aasar ko sa kanya. Nakita kung nag bago ang reaksyon ng mukha at napalitan ng galit at pag kainis. 

LESSEN THE PAIN IN YOU ( SEASON ONE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon