Chapter 21

526 11 0
                                    


Civer Pov


  Nang matapos ang klase sa hapon ay dumeretcho na ako sa parking lot. Mag kakasama kaming pumunta doon at kanya kanyang labas ng susi ng sasakyan. 

 "Ano Syte bar tayo mamaya?"tanong S'ven sa amin. Manglalandi nanaman tung baliw nato.

 "Pass mo na ako jan dre!"sabi ni Shem. 

 "Ako din"Enoch. 

"Ikaw Civ Syte bar tayo ?"tanong niya pero umiling lang ako sa kanya bilang sagot. 

 "Nako pa-pass yan ngayon pinag bawalan yan  ni Amethyst!"pang aasar ni Hugh. Kaya sinipa ko ang paa niya at tinawanan lang ako ng mga gago. 

 "Si Amethyst yun diba?"biglang tanong ni Vox sa amin at nakita namin si Amethyst na naka upo doon malapit sa guard house habang kinakalas ang kadena ng bike niya. 

'Bat ba siya nag ba-bike lagi? E ang laki nga ng bahay nila nung hinatid ko siya sa kanila noon wala ba silang kotse?'

 "Nag ba-bike siya?"tanong ni S'ven kaya napatingin ako kaya S'ven na nakangisi. 

'Oo siraulo niya e'

 "Si Rion oh"turo ni Enoch sa gawi ni Amethyst. Kaya na patingin ako sa kanila.

 "Akala ko ba pinatawag siya ni Sir Yue.?"dagdag na tanong ni S'ven. Tinignan ko silang dalawa na nag tatawanan habang sinusuot ni Rion ang helmet ni Amethyst. Napa kuyom ako ng kamao dahil sa nakita ko.

 'Galit ba ako? Bakit naman ako magagalit sa kanila.?'

 "Mukhang nag kakamabutihan silang dalawa ah."rinig kung sabi ni Shem. I saw Rion tapping Amethyst helmet at nakangiti silang dalawa."At mukhang.....may nagseselos dito"pang aasar ni Hugh kaya napatingin ako sa kanilang lahat.Kumaripas ng pasok sa sasakyan nila. Binalik ko ulit ang tingin ko doon sa kanila pero dinedma ko nalng yun.

 'Hindi ako nag seselos! Hindi ko naman siya gusto! Kaya bat ako mag seselos!'

 Sumakay na ako ng kotse ko at sabay sabay kaming nag drive papaalis ng school. Nang makarating ako sa bahay ay agad kung tinawag si Manang ysabelle. 

 "Ohh hijo?"

 "Paki hatid niyo nalang po yung dinner ko sa itaas."sabi ko at umakyat na sa kwarto.Hinubad ko na ang polo ko at humilata sa kama. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at in on yun pero low battery. Tatawagan ko sana sila mom at dad.Chinarge ko mo na ang phone ko tsaka  dumeretcho sa banyo. 

 Na rinig kung kumatok si manang at sinabibg iiwan niya nalang daw ang pagkain sa table. Naligo na ako dahil sobrang dami ng nangyare sa akin ngayon kaya gusto kung mag tanggal stress. Nag selos ba talaga ako kanina? 

Nakakainis lang kasi pag nakikita ko siyang tumatawa o ngumingiti sa iba. Habang sa akin ang sama ng trip niya!  


 Nang matapos akong maligo ay tumingin ako sa salamin at tinignan ang mukha ko. Gwapo si Rion ,pero mas gwapo ako sa kanya nuh. Matalino si Rion ,matalino din naman ako ,varsity player si Rion ,ako din naman ah!. 

 'Teka ba't ko ba kino-compare ang sarili ko kay Rion?' 

 "Aish!!!"inis na sabi ko at lumabas ng banyo. Nag bihis na ako at kumain ng dinner at humilata ulit. Hindi talaga mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Kainis ba't ba kasi masaya siya sa iba. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si mommy. 

 "Hello mom?"sabi ko sa kabilang linya. 

 "Hi baby"sabi ng kabilang linya. "How was your day ?" 

 "Mom! Im not a baby anymore!"iritang sabi ko kay mommy at tinawan lang ako ni mommy.

 "Hahahaha just kidding Civ civ... so is there any problem?"tanong ni mommy bigla akong kinabahan sa tanong niya. 

 "Ahh n-no mom.... i just miss your voice and I have something to ask you"

 "What is it?"tanong niya ,huminga ako ng malalim at nilipat ang phone sa kabilang tenga ko.

 "H-hindi ko naman siya gusto. Pero n-ngagalit ako pag nakikita ko siyang masaya sa iba"nakapikit na sabi ko sa kabilang linya. 

 "Oh my god inlove ba ang baby namin kaya  nagseselos  baby civ civ namin ?"tanong ni mommy.

 "What ?! I-im not  ..."mahinang sabi ko. "Mom hindi ko yun magusgustohan dahil mas lalaki pa yun kung umasta kesa sa akin!" 

'Hinding hindi ako mag kakagusto sa kanya at sisisguradohin kung hindi mag e-exist an feeling na ganun!! Kaya ako nag kakaganito dahil sobrang hambog niya at walang kwenta!!'

  "Baby hindi mo siya gusto pero nagagalit ka pag masaya siya sa iba so anong tawag mo jan? "pang aasar ni mommy. Pero hindi pa rin ako na convince na talagang selos yung nararamdaman ko."Oyy inlove na ang baby ko... so whose the lucky girl?"patuloy ni mommy.

 "Tsk im not jealous and im not inlove mommy! Bye na po baka busy po kayo jan"sabi ko at binaba ang tawag.   

Pinikit ko ang mata ko at natulog nalang. Napabalikwas ako ng bangon ng napanaginipan ko si Amethyst. 

 "Hindi....hindi "paulit ulit kong sabi. Pati ba naman sa panaginip ko shitsui binubulabog moko. Nakakainis ka talaga. Wala ka na talagang ginawa kundi bulahawin ang isip ko.


Nakahilata lang ako hindi ako naka balik sa tulog ko. Kinuha ko nalang ang laptop ko para tignan kung may updates na ba about sa babaeng nang bugbog sa ibang mga gang na hawak ko. Sobrang galit ko talaga ng malaman kung kaya silang patumbahin ng babaeng yun pag talagang nalaman ko kung sino yung babaeng yun hinding hindi ko siya papalampasin.


Tinignan ko ang email ko at kumulo na naman ang dugo ko ng makita ko ang mga stolen pictures ng babae na kumalaban sa iba't ibang gang. Nararamdaman kung yung babaeng yun e nag aaral sa school namin.


Ang nakakapag taka e kung bakit puro stolen shots ang kuha at naka tagilid lagi yung babae kung minsan ay naka talikod.Hindi ko tuloy makita yung mukha niya.


Binuksan ko ang isang email message galing sa Lycon Fraternity.

'Codex , gagawa na kami ng paraan para maparusahan na yung mga bumugbog sa mga hawak mo'ng gang hindi mo na ako dapat pigilan ngayon sa pag hahanap! Alam mo bang muntik ng mamatay ang pinsan kung si Alyana dahil sa ginawa niya! Wala ka ng magagawa ngayon,buo na ang desisyon kung gawin ang plano ko.- Helix '


Pasaway talaga tung Helix nato sabi ng wag muna'ng gagawa ng plano! Gusto ko ako ang ag parusa sa babaeng yun pero sige hahayaan kita ngayon basta wag niya lang papatayin dahil yun ang pinaka pinag babawal ko sa lahat. 


Balian niyo na lahat lahat lumpohin niyo kahit sa anong paraan ,pero wag na wag kayong papatay ng tao.Oo ako ang may hawak ng walong gang dito sa Pilipinas pero kahit ganun ay ayaw kung mabahiran ng dugo ang kamay ko.


Hindi sa takot ako o ano basta ayaw ko lang talagang pumatay ,pero mang bubugbog ako!Ini-off ko ang ang laptop at bumalik sa pag tulog ,kahit papaano ay hindi na ako mahihirapan sa pag tulog ngayon.



PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW ,COMMENT AND VOTE ENJOY READING GUYS!







LESSEN THE PAIN IN YOU ( SEASON ONE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon