Amethyst Pov
Hanggang ngayon masakit pa din ang katawan ko sa mga ginawa ni Chasty sa akin.Pumunta mo na ako sa locker room para kunin ang chemistry book ko.Nag lalakad ako pa balik sa classroom ng mapansin ko si tarsier na nag lalakad kasama ang dalawang kaibigan nya. Nasaan kaya si Rion?
Napatingin sya sa akin at sinamaan nya ako ng tingin. "Ang sama na nga ng tulog ko pati pag gising ko sa umaga ,masamang mukha pa ang makakasalubong ko!" pang aasar nya at nag si tawanan naman ang mga kaibigan nya.
Di ko nalang sya pinansin at nag patuloy sa pag lalakad.Pag pinatulan ko to paniguradong gulo na naman kaya mas mabuting iwasan baka isipin ng iba sintu-sinto ako. "Tabi" sigaw nya at binangga ako. Sobrang laki ng hallway! talagang nag hahanap sya ng away eh tch!Gumilid na nga ako tsaka nag susumiksik dito di ko lang sya matamaan.
"May lahing tanga ka din pala ?! ang laki ng hallway alam mong dadaan ako sa gilid nag susumiksik ka pa!" sabi ko at tinignan sya ng masama. "Masama ang gising mo diba ,tapos alam mo'ng masamang mukha ang makakasalubong mo ba't di ka nalang umiwas?!" patuloy ko.
Nag sitawanan ang mga kaibigan nya kaya tumingin sya dito ng masama na sya'ng ikinatahimik nila."Ikaw!" turo nya sa akin." ikaw dapat ang mag adjust sating dalawa shitsui. Kung alam mong dadaan ako mag tago ka nalang o di kaya tumalon ka jan " tumingin sya sa ground floor ng building.
"Sige mag a-adjust ako" pang hahamon ko tsaka sya nilampasan." Pero sana next time kung makakasalubong kita o magsasalubong tayo paki adjust nya'ng MATA MO! dahil sa sobrang laki di na tayo mag kasya at nasasakop ng MATA MO ang hallway!" diin ko'ng sabi sa kanya at naglakad ng mabilis.Serves you!
"Hoy ! shitsui may araw ka rin sa akin tandaan mo yan!gaganti ako! " rinig kung sigaw nya.
Civer Pov
Sobrang badtrip ko dahil ganun lang ako sagot sagotin ni shitsui na yun."Ano'ng tinitingin -tingin nyo dyan!" singahal ko sa mga taong nakakasalubong ko. Kabwesit!
"Anong nangyare jan?" rinig kong tanong ni Rion kay Enoch.Pero wala talaga ako sa mood sobrang sama talaga ng araw ko.Dinagdagan pa ni shitsui."Na badtrip dre" bulong ni Enoch." Eh bakit naman?" si Rion.
"Eh paano sinagot sagot sya ni Amethyst, kanina pa yan kesyo na apakan daw ni Amethyst ang ego nya, tapos binully daw sya." sagot ni Enoch. Mga gago talaga to alam nilang nandito ako tapos pag uusapan pa ako.
_
Hanggang ngayon di pa rin humuhupa ang galit ko ky shitsui.Nakakatang*na kasi! .Tumingin ako sa kanya ng masama pero nakatingin lang sya sa labas ng bintana.Napa buntong hininga sya.Mukhang lalim ng iniisip nya ah. Tch ano bang pakialam ko?
"Miss Cronus?" tawag ni Asger sa kanya. Napatingin ulit ako sa kanya ,pero di nya talaga maalis ang tingin nya sa labas. "Miss Cronussss!" sigaw ni Asger sa sobrang inis.Huh!Patay ka ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/136994770-288-k514158.jpg)
BINABASA MO ANG
LESSEN THE PAIN IN YOU ( SEASON ONE )
Ficțiune adolescențiUnang araw palang ng makatagpo ni Civer ,si Amethyst ay nag init agad ang dugo nya dahil sa asta ng dalaga. Dahil sa mga binitawang salita ng dalaga na naging dahilan ng pagkapahiya nya sa maraming tao ay na tapakan kuno ang "ego at pride" niya. Hi...