Chapter 17

611 22 0
                                    


Civer Pov


Puno na ang Syte Bar ng makarating kami kasama ko ngayon sila Vox,Rion,S'ven,Hugh,Shem and Enoch.Ginila ko ang buong paningin ko sa lugar madami na ang lasing at kaliwa't kanan din ang bintahan ng mga ecstacy at rape drug. 

  "Hi handsome"bati ng babae sa akin at hinawakan ako sa dibdib agad ko siyang tinulak papalayo sa akin at na unang mag lakad.  


  "Dre!ang harsh mo naman sa chicks mo!hahahaha"sabi ni Hugh at inakbayan ako.

 "Hindi ako pumipili ng bitch!"inis na sigaw ko sa kanya at padabog na umakyat ng second floor.

 Umupo na kami sa pwesto namin at tinunga ko agad ang alak na naka lagay na sa table namin. Napatingin ako sa dance floor puno na iyon at madami na rin ang mga lasing na nagsasayawan at kanya kanyang hatak ng mga babaeng isasayaw nila.  


  "Nasaan nanaman kaya ang mukong na yun?"inis na tanong ni Enoch sa sarili. Nag palinga linga siya sa paligid. 

 "Sinong hinahanap mo?"tanong ni shem na busy pa rin sa phone niya. Nag lalaro nanaman to ng mobile legend.

 'Jowain mo nalang kaya cellphone mo!' 

 "Si S'ven bigla nlang kasi nawala kanina lang kasama nating umakyat tapos ngayon?tsk!"tumayo si Hugh at tumingin sa palagid at umupo ulit bago uminom ng alak.

 "Hahahaha... dinukot nanaman siguro ng mga babe niya. Dapat sanay ka na lagi naman yung nawawala tuwing pumupunta tayo dito."tawatawang sabi ni Enoch. 

 Pag may vacant time kami tumatambay kami dito kahit pa weekdays,wala kaming pakialam kahit may pasok pa kinabukasan. Kahit di na ako pumasok pwedeng pwede tutal kami naman may ari ng academy. 

 "Siya nga pala alam nyo ba na nag kasagutan si Maxima at Amethyst kanina?!"panimula ni Shem. Tinago na niya ang phone niya at kumain ng chips.  Tumingin ako sa kanila at nag de kwatro ng upo.

 "Oo nga! narinig ko yung mga babaeng nag chismisan kanina sa hallway ng papunta akong cr. Pinilipit daw ni amethyst yung kamay ni Maxima." Si enoch 

 "Nako malaking gulo to pag nagkataon. Alam nyo namang di mag papatalo si Maxima lalo na't napahiya siya."natatawang sabi ni Vox. Tahimik lang akong umiinom napatingin ako kay Rion.'nag aalala siya?'

 "Dre mababasag yung baso"natatawang sabi ni Hugh napansin kung mahigpit ang pag kakhawak ko dun kaya binitawan ko nalang.

"Si Amethyst nanaman ba ang iniisip mo?"pang aasar ni Hugh.

"Oo nga ! aminin mo nga dre may gusto ka dun noh?"dagdag na pang asar ni Shem. Kaya binato ko siya ng potato chip.

"Loko!" inis na sigaw ko.Tumingin ako kay Rion naka tingin lang siya sa akin na para bang inu-usisa ako. Tinignan ko siya ng masama."Ano?!!" sigaw ko sa kanya.

"Halata nga..."seryosong sabi niya.At tumingin sa dance floor.Aba't talaga lang ! Inis na umayos ako ng upo at tumingin sa dance floor.Marami na din ang mga lasing na nag sasayawan.

  "Okay naman si Amethyst. Maganda at astig pero may pag weirdo nga lang. Nako pag nag ayos lang yun ng sarili liligawan ko agad yun."sabi ni Vox. Nabuga ko ng wala sa oras ng marinig ko ang pinagsasabi niya. Hinagod ni Enoch ang likod ko.  


"HOY! MATAKOT KA NGA SA MGA PINAGSASABI  MO! HINDI SIYA MAGANDA SOBRANG PANGIT NIYA KAYA WAG KANG MAGKAKAGUSTO DUN! MAS NAKAKATAKOT PA YUN KAY SADAKO KILABUTAN KA NGA SA MGA PINAGSASABI MO!"inis na sigaw ko. Pati ba naman tung si Vox mag kakagusto kay shitsui. Una si Rion ngayon naman si Vox sino ang susunod?

LESSEN THE PAIN IN YOU ( SEASON ONE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon