Chapter 20

637 18 0
                                    


Civer Pov 


Nag lalaro ako ng mobile legend ng biglang dumating si Asger na sobrang sama ng mukha.Wala ata siya sa mood nako pag wala pa naman to sa mood mang ti-trip yan sa klase.Napatingin ako sa katabi ko'ng upoan bakante pa rin. And I am very thankful na wala siya dahil pag nandito siya lalo lang akong masisiraan ng ulo sa presensya niya.


'Bakit nga ba ako masisiraan ng ulo sa kanya?'


"Baliw na ata ako pag nag ka ganun"sabi ko sa sarili ko.

"Baliw ka naman talaga e hahahha"pang aasar na bulong ni Enoch.Kaya na patingin ako ng masama sa kanya. Paano niya nalaman ang sinabi ko e sobrang hina nun!Teka bat ba siya ang katabi ko? Asan si Shem?


"Umalis ka nga diyan!"inis na sabi ko kaya umalis siya sa tabi ko at lumipat sa upoan niya tinago ko na ang phone ko ng mag simula na si Asger mag roll call ng pangalan.


"Buenavintura?" tawag niya.

"Bertez"

"Cabron"

"Cortez"

"Cronus?"sigaw ni maam. Walang sumagot sa amin kaya napatingin ako sa paligid."Where is Ms.Cronus? absent-"hindi na natuloy ni Asger ang roll call ng biglang may bumalibag sa pinto ng classroom.


"P-present m-maam.."hingal na sabi niya. Napatingin ako sa kanya at gusto kung tuamawa ng malakas dahil sa itsura niya. Mali mali yung pag ka suot niya ng neck tie tapos sobrang gulo ng buhok niya.


"Lasing ka ba Ms. Cronus?!!"galit na sabi ni Asger sa kanya.Kaya nag tawanan kaming lahat sumandal ako sa upoan habang nakatingin sa kanya ng nakaka panuya.Napa smirk ako ng tumingin siya sa gawi ko.


"N-no maam.."mahinang sabi niya.

"Anong no maam ?"tinignan siya ni maam mula ulo hanggang paa."Did you even bother to take a look on the mirror Ms. Cronus?"naka pamiwang na sabi ni Asger sa kanya.


"Hindi po maam late na po kasi akong nagising kaya nakalimutan kong tumingin sa salamin."malumanay niyang sabi."sorry po pero hindi po talaga ako lasing.."dagdag niya.


"Sorry sorry!" bumalik sa pag upo si Asger." I consider you  as  late in my classes so for your punishment you will be standing outside for 2hrs."nakataas na kilay na sabi ni Asger sa kanya.


"Ang harsh naman ni Asger kay amethyst"malungkot na sabi ni Shem.Halos malaglag ako sa upoan ko dahil biglang katabi ko na siya .Parang klanina lang e wala siya dito.Teka saan siya dumaan?


"Saan ka dumaan?"takang tanong ko.Nginuso niya ang sirang pinto sa likuran namin. Kaya naman pala.


Napatingin ako sa labas nakita ko si Shitsui na sinabon pa ng tanong ni Asger habang pinapatungan ang ulo niya ng dalawang libro.Pumasok na ulit si Asger pero nakatingin pa din siya sa labas.


"Wag na wag mo'ng ihuhulog yan!"sigaw niya at pinanlisikan ng mata si shitsui.Nag tawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Asger pati din ako natawa.Napatingin ako kay Rion na napa iling hanggang ngayon ay di pa kami nag uusap.

LESSEN THE PAIN IN YOU ( SEASON ONE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon