Chapter 22

586 13 0
                                    


  AMETHYST POV 


 Padabog na kinuha ko ang salamin sa mesa. Kinapa ko pa ito dahil di ko magalaw ang mukha ko. "Ahhhhh!!!"sigaw ko pabalibag na binuksan ni Ains ang pinto ng kwarto ko at nag sisisigaw.

 "Sunog! Nasaan ang su-" napahawak siya sa ulo niya ng tamaan siya ng suklay na tinapon ko.

 "Gaga! Anong ginawa mo sa mukha ko?!!"inis na sigaw ko. Loko tong babaeng to kung ano ano na ang nilagay sa mukha ko. May nilagay pang mga petals sa buong mukha ko tapos may lemon at honey pa." Ano tingin niya sa akin salad?!"galit na sigaw ko.

   "Facial treatment yan baliw!"sigaw niya habang sapo sapo ang ulo na tinamaan ko. 

 "Anong treatment? Mukha ba akong salad bowl kaya ginawa mo yung mukha ko na salad dish?!"pinag babato ko siya ng mga gamit sa make up kit niya. 

"Kylie eyeliner ko!"agad niyang kinuha yung binato ko "eyeshadow palette ko!"sigaw niya."wag yan alam mo bang ang mahal ng bili ko jan at limited edition yan!!"inis na sabi niya at inagaw yung ibabato ko sana.

 "Tanggalin mo to Ains isa!"sigaw ko. Nababanas na talaga ako dito sa nilagay niya sa mukha ko. Tapos ang bigat bigat pa feeling ko tuloy parang may simento yung mukha ko. 

 "Oo na.."sabi niya at kinuha yung basin na may tubig at tinanggal ang mga nakalagay sa mukha ko."ang oily kasi ng mukha mo tapos may mga white heads pa!"

 "Ah so dermathologist kana ngayon?"inis na sabi ko. Nagising ako dahil parang may mga malalagkit na bagay na pinapahid aa mukha ko.

 "Buti naman at nagising kana!" 

"Anong oras na ?"

 "Quarter 7 na..."sabi niya at ginuhitan niya ang lips ko.Tagal ko palang naka tulog dito sa upoan. Kinuha ko ang salamin at tinignan ang mukha ko. Maganda talaga sa akin yung burgande red smokey eye shadow. Napatingin ako sa lips ko pinahiran iyon ni Ains ng vampire red matte lipstick. 

 "Kukunin ko muna yung mga susuotin mo"sabi niya at tumakbo papunta sa kwarto niya. Maganda naman pala ako pag inayosan. Actually tuwing may gaganapin na gathering yung gang namin e sina Ains at Aikiro ang dumadalo. Pero pag may labanan tsaka lang ako dumadalo.


 Si Ains lagi ang nag aayos sa akin nung mag simula na akong mag tayo ng sarili kung gang. Hanggang sa maka buo kami ng walong gang na nandito sa Pilipinas.

 "Ohh heto na."sabi niya at nilapag sa kama ko ang mga gown na dala niya. Lumapit ako doon at kinuha ang isang rusty gray na gown with a open slit sa gilid ng legs. 

 "Maganda siya....pero ayoko nito kita yung legs ko."angal ko. 


 "Wow parang di ka nag susuot ng ganyan dati."Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ko naman ang red backless gown. It has a elegant design and lot of diamonds details  in front.Binaliktad ko ito at tinignan ang ayos sa likod. 

 "Okay na sana to kaso backless makikita yung tattoo ko sa likod."nanghihinayang na sabi ko. Gustong gusto ko pa naman talaga suotin yun kasi simple yet elegant yung style niya. 

 "Oo nga noh....baka mapahamak ka pa pag sinuot mo yan"umupo siya sa kama ko habang tinitignan ang mga gown na nandoon.Kinuha ko naman yung tube black gown na may naka palibot na daimonds design sa dibdib. 

LESSEN THE PAIN IN YOU ( SEASON ONE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon