*9th Piece*

5 0 0
                                    


***

I

Tatlong buwan na ang lumilipas, umiiyak ka parin
Ang sakit sana'y iyo na sanang kitilin
Lumipas na ang mga araw na lagi ka lang tulala
Katuto, sana'y iwaglit mo na yaong mga luha

II

Pagdaupin ang mga kamay't tumingala
Alalahanin ang kanyang malungkot na pagkawala
Sa gabing kay dilim at pumapanaog na ang mga bathala
Humiling na ang sakit ay agapan na't agarang mawala
Sakit at hapdi'y kagyat na papanaw
At maaalala na lamang ito, sa'yong balintataw

***

My Creation-[On GOING] (Unedited)Where stories live. Discover now