Iginuhit na ng tadhana.
Na tayo'y magtatapo.
Sa tamang araw ngunit maling mundo.
Tamang oras ngunit maling pagkakataon.
Maling panahon ngunit tamang sitwasyon.Iguguhit na sa mga tala.
Ang sanlaksang pag-ibig na hindi mahihinuha.
Pag-ibig ng dalawang magkatipan.
Hindi nagkakapang-abot dahil ang isa'y nasa kasalukuyan,
At ang isa'y nasa nakaraan...Tumingalang tunay, nangangamba.
'Pagkat umaalimbukay ang siyang ganda.
Isang paraluman...
Mahirap maabot 'pagkat magkaiba ang daan.
Magkaibang daang tinatahak ng magkabilang paa.
Ang isa'y sa kasalukuyan pa.
At ang isa'y nasa himlayan na.Iisa lamang ang kapanganakan,
Ngunit... Iba ang mga tinatahak na mga daan.
Ang isa nga'y kasalukuyan,
Ang isa'y nakaraan...Sa tadhana'y naninibugho.
Ang alinsanga'y pilit itinatago.
'Pagkat hindi magkakapang-abot, nakatingin sa malayo.
Dahan-dahang tuturan, "hanggang sa ma(u)ling pagtatagpo."[Pagguhit Sa Nakaraan, Bb. Aren, 102101]
YOU ARE READING
My Creation-[On GOING] (Unedited)
PuisiMy creation is all about EVERTHING..This is a spoken poetry,short story etc.. #752- Spoken