*Character Profile:
name: Jecca Eusebio
Height: 170 cm
birthdate: Feb 17
age: 16
gender: female
hobby: laitin at pagtiisan ang bestfriend na si kath *
======================Chapter 3======================
"PANGET!" tawag sakin ng isang batang lalaki na mas matanda saken ng 2 years
"HINDI AKO PANGET! IKAW YUNG PANGET!" sagot ko sa kanya. nakakainis!!!
"hindi kaya! mas pangit ka kaya! tignan mo yang ngipin mo oh, bungi!" sabay tumawa sya ng malakas. bagong bunot lang kasi yun milk teeth ko. 6 years old pa lang ako kaya nagsisimula nang umuga ng mga ngipin ko, sa ngayon tanggal yung isang front teeth ko.
"ahhh! bungi bungi bungi! blehh bleh bleh!" pangaasar pa sakin neto lalo, sa sobrang inis ko di ko na mapigilan na umiyak
"hindi, mas pangit ka! *sniff sniff* ikaw yung panget!" pilit kong sabi sa knya, habang tumutulo ung luha ko,
"aahhh!!! iyaken iyakeng bata! kawawa naman! iyaken na nga bungi pa! ahahahah" hindi pa rin ako tinigilan sa pang aasar neto. lalo ako umiyak, mas malakas na iyak
"NANAY!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko, tawag ako ng back up, di ko na kaya tong pang aapi na ginagawa nya sken "NANAY! si kuya harvey inaaway ako!" tapos umiyak ako ng mas malakas pa. lagot ka ngayon kuya harvey!
dumating si lola, at nilapitan nya ko, pinunasan nya ang luha ko at pinatahan ako, tumingin sya kay kuya harvey.
"harvey, naku ah, bata ka, palagi mo na lang pinapaiyak si kath. hindi maganda yan ah" panenermon nya kay kuya harvey
"i-- i-- inaasar nya kong p-- panget at b-- bungi, saka iyakin" utal utal kong sinabi dahil sa pagsinghot ko ng sipon.
"bakit hindi ka ba bungi at iyakin?" tumatawang sagot ni kuya
"tama na yan, kayong dalawa ay di dapat nag aaway. dapat kayo ang magkakampi sa lahat ng bagay" pangaral samin ni lola. "oh kath, tahan na ikaw. harvey, tama na ang pang aasar. o sige na, naghanda ako ng miryenda sa loob, kumain muna kayo"
"ano miryenda naten nay?" excited na tanong ni kuya
"champorado" sagot ni lola, at hinimas nya ang ulo ni kuya
"yes!" tuwang tuwa na pagkasabi ni kuya, paborito nya kasi yun
"aray!" napasigaw ako. nadapa kasi ko at nasugatan ang tuhod ko, syempre umiyak nanam ako
"patingin nga!" masungit na sabi ni kuya at hinwakan ang tuhod ko. hinila nya ko papunta sa gripong malapit (nasa labas kasi kami ng bahay) at hinugasan ung sugat ko, ako naman patuloy lang sa pag iyak
"okay na yan. wag ka na umiyak" sabi niya sken, pagkatpos hugasan ung sugat ko "iyakin" sabi nya sabay patong ng kamay nya sa ulo ko, napatahan ako sa ginawa nya, tapos tumakbo sya papunta sa pinto at dumila "uubusan kita nag champorado!"
KKKKKKRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!
Nagising ako sa alarm clock ko. pinatay ko yung alarm clock at bumangon na. ala-singko na... bigla ako natigilan at naalala ang panaginip ko. napaginipan ko si kuya harvey, yun pinsan ko na kasabay kong lumaki sa piling ni lola... namimis ko na sya.. naiiyak ako pag naalala ko ang mga nangyare...
BINABASA MO ANG
Between a soda and a mint candy
RomanceGwapong lalaking nakasakay sa jeep = crush; cutie na nakasalubong sa daan = crush lahat siguro ng makikita niyang gwapo sa mundo ay crush niya! Pero sa collection niya ng mga crush, may isang tao (para kay Kath) lamang sa sangkatauhan--si James, an...