=================== chapter 11 ====================
Kath's pov
Naglalakad ako pauwi habang bitbit ung take out kong food. Nag flashback sken ung pangaaway ko kay james.
"Aaaaaaarrrrrgggggg! Kath!!! Ang tanga tanga mo!! Bakit mo ginawa un!!!!" Pinukpok ko ung ulo ko sa sobrang inis. Napaka fail ng araw na to!! Ano na lang ung mukhang ihaharap ko kay james?!?!
"Andito na ko nay" mejo nanlulumo kong sabi habang papasok ako ng bahay.
Bigla kong npansin na may lalaking nakaupo sa sofa. Pagkalingon nya saken napatayo sya....
"Akin na yang dala mo" sabi ni nanay kinuha nya ung mga bitbit ko. Nginitian nya ko pero napako ung mata ko dun sa lalake
"Kamusta?" Sabi nya sken.
Napatakbo ako sa knya at sinuntok ko sya sa braso. Nakakainis!
"Bwisit ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita?! Ni anino mo di nagparamdam!" Nanggigil kong sabi
"Aray! Masakit ang suntok mo ah! Lalaki ka talaga! Kahit nagbago itsura pa mo lalaki ka pa rin talaga"
"Wala akong pake! Hoy mr. Takagi fujioka, pitong taon ka kaya di nagparamdam pagkatapos ng biglaang alis mo!"
"Kalma! Masyado kang high!" Natatawang sabi nya. "Eto na nga nagparamdam n nga ako eh. Sus Namiss mo lang ako eh"
"Hindi no! Kapal mo!" Pagsusungit ko. Pinatong nya ung kamay nya sa ulo ko ska ginulo ung buhok ko. "Yung buhok ko naman!"
"Ang arte! Chix ka?!" Sabi nya. BWISET!
"Ewan ko sayo!" Umupo na ko. "Kelan ka pa nandito?"
"Actually 1 month n ko nasa pinas pero last week lng ako umuwi dito sten. Nasa manila ako ngstay dahil sa mga seminars and meetings"
"Pambihira ka! Ang tagal mo n pala andito. Wala manlang paramdam?!"
"Syempre oras ko muna kay mama. Matagal kmi nghiwalay."
"Ahhhh" sabi ko nakakatuwa naman. Andito na si takagi for sure matutuwa neto si jecca.
"Kumain na muna tayo" sabi ni nanay. Hala! Nakapaghain na si nanay di ko manlang natulungan!
Nagkwekwentuhan kami habang kumakain. Halata kay nanay masaya sya kasi andito na si takagi. Parang sya pa ung apo eh. At talagang pinililit na patulugin si takagi dito sa bahay! Nanay talaga ang kulit.
Infairness. Nakakamiss toh. Ung pagtambay ni takagi sa bahay At minsan na nakikitulog na din. After namin magligpit inantok na si nanay kaya natulog na. Naiwan kami ni takagi sa sala na nanonood ng movie pero nakafocus kmi sa kwentuha. Haha
"Akalain mo talaga naman na piloto ka na. At international flights pa!" Sabi ko
"Ganun tlaga. Diskarte lang yan." Natatawang sabi nya
"Andami mo nang bansang napuntahan nyan!" Kaiinggit! Natahimik sya. "Bkit?"
"Nakapunta ako ng japan. And i met him"
"Sino?" Pagtataka ko. Sino ba nasa japan? Teka-- "tatay mo?" Tumango lang sya
"Ano nanyare?"
"Di nya alam na may anak sya kay mama." Napabutong hininga sya. Ramdam ko n malungkot sya "actually galit ako sa kanya. Kasi pinabayaan nya kami. Nung makita ko sya na nakakaangat sya sa buhay tpos kmi dito naghihirap."
Nakikinig lng ako sa kwento nya.
"But when i had a chance to talk to him. He said that mama is his first love. But she left him. Tutol daw kasi sila lolo kay mama. That could be the reason. Wala daw syang balita kay mama"
BINABASA MO ANG
Between a soda and a mint candy
RomanceGwapong lalaking nakasakay sa jeep = crush; cutie na nakasalubong sa daan = crush lahat siguro ng makikita niyang gwapo sa mundo ay crush niya! Pero sa collection niya ng mga crush, may isang tao (para kay Kath) lamang sa sangkatauhan--si James, an...