Character profile
name: Takagi Fujioka
Age: 17
Height: 178cm
Birthdate: Sept 2
gender: Male
hobby: Matulog
===================Chapter 5=========================
"nay, nandito na po ako" sabi ko pag kadating ko sa bahay, sinalubong naman ako ni nanay nung marinig nya ako. "kasama---"
"hijo!" patakbong lakad ni nanay papunta kay takagi na kasama kong dumating, "nako! ang tagal mong di dumdalaw dito ah" hinampas nya sa balikat si takagi tapos hinaplos nya ang muka nito.
"teka nay, baka nakakalimutan mo na ako ang apo mo" sarcastic kong sabi. aba, mas una pang pinansin si takagi kesa saken. pero d ko rin masisi si nanay. nung tinanong ko kasi sya last tym kung bakit gustong gusto nya si takagi ang sabi nya "parang kasi syang si harvey. naaalala ko sa knya si kuya mo" na napaisip naman ako. oo nga. may similarities sila ni kuya. ung pambubully hahaha. kaya rin siguro ako attached sa knya dahil dun.. hayy.. nakakamiss tuloy si kuya harvey.
"ay, pasensya na kath, namiss ko lang talga kasi tong si takagi eh.. pasok kayo dali. ipaghahanda ko kayo ng miryenda"
"salamat po nay" sabi ni takagi
"dito ka na mag dinner ah" sabi ni nanay "magpaalam ka na sa nanay mo"
"sinabi ko na nay, na pupunta ako dito. alam na nya un na dito na ko magdidiner"
"ahh ganun ba, edi maigi eh"
umalis na si nanay papunta sa kusina para maghanda ng mirienda namin.. magkakilala na kasi si nanay at tita (mama ni takagi) kaya may tiwala na sya samin. palagi kasing late na umuuwi si tita eversince kaya madalas sa bahay na nagpapalipas si takagi nung mga bata pa kami tapos susunduin na lang sya ng mama nya. kaya naging close kami dahil dun, at ang catch pa eh parang mas apo pa sya eh :3
"uy, turuan mo na akong magitara" pangungulit ko sa kay takagi habang hawak ko na ung gitara nya at nakapwesto na ako na parang tutugtog.
"oo na, ano bang gusto mong kanta?" tanong nya sken
"hmm.. ung madali lang. kahit ano, basta ung pwede sken"
"umm... sige, twinkle twinkle n lang"
tinignan ko sya ng masama, "naman eh! takagi! ayoko nun!"
"sabi mo ung kahit ano saka madali, ayan! madali naman yan at pwede sa beginners" depensa nya
"ehhh! kasi naman ehh!" naiinis kong sabi, tapos sinuntok ko ung braso nya
"aray! sige na. alam mo ung passenger seat?" tanong nya sken
"anu un?" tanong ko.
"teka, eto, pakinggan mo" pinasuot nya sken ung headset nya at pinatugtog ung walkman nya.
"i look at her and have to smile, as we go driving for a while, Her hair blowing in the open window of my car, And as we go the traffic lights, Watch them glimmer in her eyes, In the darkness of the evening" ay alam ko to! eto pala pamagat neto~
"and i've got all that i need, right here in the passenger seat~!" biglang kanta ko
"oooppps, tama na" sabay tanggal nya ng headset sa tenga ko. napaka! nako!
"anu ba yan! panira ka ng moment eh!"
"panira ka rin kasi ng eardrums eh" nginitian nya ko, sabay halakhak!
BINABASA MO ANG
Between a soda and a mint candy
RomanceGwapong lalaking nakasakay sa jeep = crush; cutie na nakasalubong sa daan = crush lahat siguro ng makikita niyang gwapo sa mundo ay crush niya! Pero sa collection niya ng mga crush, may isang tao (para kay Kath) lamang sa sangkatauhan--si James, an...