Hindi pa nalalasap ni Maria Concepcion aka Max ang tamis ng pag-ibig, simula nang iwan siya ng lalaking ipinangako niyang mamahalin niya habam-buhay. She fell in love hard but ended up with a broken heart.
Bigla namang dumating sa eksena si Stephen Ruther Caridad-ang super workaholic na taong nakilala niya; security guard, tubero, carpentero, driver, cook at marami pang iba. Ang weird dahil kung nasaan siyang lugar ay naroon din ito. Iisipin sana niyang "stalker" niya ito, kaso sobrang guwapo at hot naman nito para maging isang stalker lang, kaya imposible!
Pero kung kailan malapit nang paunlakan ng puso niya na muling umibig dahil sa pagsulpot ng lalaking ito sa buhay niya, saka naman may isang balitang nakapagpayanig sa kanyang mundo. May CANCER siya-at nasa huling stage na! Oh no! Hindi pa siya maaaring mawala sa mundo dahil marami pa siyang gustong gawin!
BINABASA MO ANG
13 Things To Do Before I Die (Completed)
General FictionPaano kung nalaman mo na kaunti na lang pala ang nalalabing araw mo sa mundo? Ano ang mga gusto mong gawin at isakatuparan? Samahan si Max sa kanyang mga huling araw...