7

304 8 0
                                    

MULING napabuga ng hangin si Max. Sa loob ng isang oras-marahil nakaka-isang daang mahigit na buga na siya ng hangin. Three days ago ay tinanong siya ni Stephen kung may posibilidad daw bang magkagusto siya sa isang lalaking tulad nito-pero 'imposible' ang naging kasagutan niya-na ilang gabi niyang pinag-isipan.

Sabi kasi ng puso niya-mag-take daw siya ng risk para kahit sa huling mga araw niya ay maging masaya siya-pero ang sabi ng isip niya ay huwag-dahil masasaktan lang niya ang binata. Nakita kasi niya kung gaano nasaktan ang mommy niya nang mawala ang daddy niya. Ayaw niyang maramdaman 'yon ni Stephen sa kanya.

At sa tatlong araw na nakalipas, hindi na uli niya nakakatagpo ng landas ang lalaki-iniiwasan na ba siya nito dahil nasaktan niya ito? O baka ipinagpalit na siya agad sa ibang babae.

Napabuga siya ng hangin nang biglang tumunog ang intercom, si Lynn. Ang sabi nito ay may isang bagong kliyente daw na gustong magpa-schedule ng meeting sa kanya. Marami na kasing mga fashion company ang gustong makipag-collaborate sa kanila, dahil sa mabilis na pag-usbong ng Journey sa bansa at sa ibang panig ng mundo. Mabilis naman siyang sumang-ayon sa kausap.

Ilang sandali pa ay ang cell phone naman niya ang tumunog-it was her Mommy Sheila. Nasa Luxury tower na daw ito at naghihintay sa kanya. Hindi tuloy siya kaagad nakasagot dahil sa gulat-hindi kasi niya inaasahan na ngayon na ang balik ng ina galing sa Europe. Hindi man lang kasi ito nagpasabi na uuwi na ito ng bansa, e, di sana ay nasalubong man lang niya ito sa airport.

Inayos niya saglit ang iba pa niyang ginagawa bago niya ibinilin sa kanyang sekretarya ang iba pang dapat gawin. Ayaw kasi niyang paghintayin ang ina sa condo niya.

MAHIGPIT na yakap ang agad na sumalubong sa kanya nang makita niya ang mommy niya na naghihintay sa harap ng condo niya. She missed her so much. Mabilis siyang umabrisete dito para akayin ito papasok sa loob kanyang condo, tinulungan na din niya ito sa mga bitbit nitong maleta.

"Dito muna ako mananatili sa condo mo dahil na-miss ko nang husto ang baby ko." Nakangiting sabi ng mommy niya sa kanya, pinaupo niya ito sa sofa at saglit siyang nagpaalam para ipagtimpla ito nang maiinom. Tiyak na pagod ito sa biyahe, pagkabalik niya ay nakangiti itong nakatingin sa kanya. "How's life, hija?" nakangiting tanong nito.

"It's okay, mom." Nagtatakang sagot niya. May kakaiba kasi sa mga ngiti nito. Ano'ng meron? Mabilis siyang nagtanggal ng sapatos at tumabi sa ina. "Kumusta ang bakasyon, mom? Bakit naman hindi niyo sinasabing uuwi na kayo? Eh, di nasundo ko sana kayo." Nagtatampo niyang sabi.

Umiling-iling ang matanda saka ito napangiti. "May sumundo na kasi sa akin, kaya huwag ka nang magtampo dyan." Nangingiting wika nito. Napakunot-noo siya, sino'ng sumundo dito? Teka, bakit iba yata ang ikinikilos ng mommy niya ngayon. Napapaisip tuloy siya. Hindi naman kaya... biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang naisip-oh gosh, hindi kaya...

"Oh my God, mom! Don't tell me... may bago kayong kinahuhumalingang lalaki?!" konklusyon niya, saka siya gulat na gulat na napatakip sa kanyang bibig. Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang humagikgik pa ito sa sinabi niya. "Totoo, mom?" hindi makapaniwalang kumpirmasyon sa ina, ngunit hindi sumagot ang ina at idinaang muli sa matamis na pagngiti nito. So, totoo nga. Pagco-confirm na lang niya sa kanyang sarili.

Well, hindi sa ayaw niyang magkaroon ng bagong pag-ibig ang mommy niya-dahil ang gusto niya ay ang daddy lang niya ang nasa puso nito-gayunpaman, siguro ay ayos na rin ang ganito dahil kapag nawala na siya sa mundo, may makakasama at mag-aalaga pa sa mommy niya.

Thank God, dahil panaka-naka lang ang pananakit ng katawan niya dulot ng kanyang sakit.

Nagulat ang Mommy niya nang bigla niya itong yakapin nang mahigpit. "I still happy mom and I'm wishing you more happiness and good health." Aniya. Hindi niya napigilang mapaiyak. Hindi yata niya kakayaning mawala sa mundo na malungkot ang mommy niya, kaya sana makilala niya ang lalaking 'yon para makausap ito na alagaan nito nang mabuti ang kanyang mommy.

13 Things To Do Before I Die (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon