10

599 19 2
                                    


NANG sumunod na araw ay ni-rent ni Max ang isang restobar—treat niya 'yon para sa lahat ng mga empleyado niya. Bukod sa thankful siya para sa kanyang pangalawang buhay, gusto rin niyang magpasalamat sa mga ito. May ilang nagulat at nagtaka sa ginawa niyang 'yon, pero mas marami pa rin ang thankful at nasiyahan. Kumalat na rin sa buong kompanya ang tungkol sa totoong identity ni Stephen, kaya hindi na rin nahirapan ang binata na magpaliwanag sa lahat.

Mag-a-alas dyes na noon nang gabi nang magpaalam sila ni Stephen sa mga empleyado niya na mauuna nang umuwi. Inihatid siya ng binata gamit ang sasakyan nito. They were so happy and she felt blessed, indeed God is good.

Parang kailan lang para siyang pinagsakluban ng langit ang lupa—ngayon pakiramdam niya ay nasa langit na siya sa labis na kaligayahan. After thirty minutes ay nakarating na din sila sa Luxury tower, inihatid siya nito hanggang sa pintuan ng condo niya, akmang papasok na siya nang mabilis siyang niyakap ng binata.

"I am really so happy, Maxie. Thank God." Bulong nito sa kanya, mabilis siyang gumanti ng yakap dito.

"Ako din, Stephen and I am not dreaming." Aniya. Kumalas ito sa pagkakayap sa kanya at pinakatitigan siya nang husto, bago matagal na hinalikan sa kanyang noo. Muli siyang niyakap nito bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya.

Nakangiti siyang pumasok sa loob ng condo niya. Nagulat siya nang biglang magsalita ang mommy niya na noon ay nasa sofa, palibhasa madilim sa loob at hindi na niya binuksan ang ilaw. Mabilis siyang nakalapit sa ina at tumabi sa sofa. Isang linggo daw itong mananatili sa bahay niya dahil na-miss siya nang husto.

"I'm so happy, mom. Hindi ko alam na darating pa sa buhay ko ang ganito." Masayang wika niya. Ironic, pero dahil sa maling akala na may ovarian cancer siya—mas lalo niya ngayon na-appreciate ang buhay, kahit pa sa pinakamaliit na detalye. Marahil ito ang natutunan niya sa nangyaring 'yon sa kanya.

"Masaya ako para sa 'yo, baby." Anito. Saka siya nito niyakap. Naikuwento na rin niya sa ina ang tungkol sa naging struggles at trials niya sa buhay na noon ay ayaw niyang ipaalam dito.

At first ay gulat na gulat ito sa kanyang ikinuwento ngunit ipinaliwanag naman niya nang mabuti ang tungkol doon, malungkot din siya para sa babaeng totoong may cancer, sana ay magkaroon din ng miracle dito.

May pagkakamali din siya sa nangyari dahil hindi siya agad napa-second opinion para sana nalaman niya agad na wala talaga siyang sakit, pero sabi nga niya—marami siyang natutunan.

Nang sumunod na araw ay dinala siya ni Stephen sa family doctor ng mga ito na magaling na espesyalista para masuri ang kanyang kalagayan—at sa huli ay naging maganda ang resulta—dagdag pa nito na healthy pa daw ang bahay-bata niya, kaya grab the opportunity. Namula nga sila ni Stephen that time.

"Sana mabigyan niyo na ako ng apo ni Stephen, as soon as possible, hija. Hindi na tayo bumabatang pareho." Nakangiti pang sabi nito, na ikinangiti na lang din niya. Naikuwento din nito ang tungkol sa mysterious guy na sumundo dito sa airport at nakakatawagan niya—si Stephen daw 'yon!

NAGING abala si Max nang sumunod na araw dahil sa mga naiwan niyang paperworks at mga meeting sa mga bagong kliyente. Mamaya ay dadalo pa siya sa rehearsal ng mga modelo niya para sa fashion week. Medyo nakakapagod, pero na-miss niya ang ganito.

Pero pagsapit ng alas sais nang hapon ay nauna na siyang umuwi, balita kasi niya sa mommy niya ay magluluto ito ng mga paborito niya at excited na siyang umuwi para kumain. Sumadya siya sa ice cream shop para bumili ng tatlong galoon ng ice creams, pupunta din daw kasi si Stephen dahil inimbita ito ng mommy niya, dapat ay susunduin siya nito, pero dahil dala niya ang sasakyan niya ay hindi na siya nagpasundo at magkita na lang sila sa condo niya.

13 Things To Do Before I Die (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon