"NASAAN na ba si Stephen? Ba't ang tagal naman yata niyang nag-CR." Bored ng sabi ni Max, habang naghihintay sa kasama niyang nagpa-alam mag-CR at mahigit twenty minutes nang nawawala. May balak pa kaya siyang balikan nito? Hindi naman siya mukhang mang-iiwan, e. Mabilis na depensa ng utak niya. Nasa "Mga Luto ni Lola" seafoods restaurant sila noon para mag-lunch.
Madaming mga customers sa restaurant at mukhang bagong tayo lamang ito dahil ito ang unang beses niyang magawi sa lugar. Maganda ang ambiance at very cozy. Siguro ay masasarap din ang mga pagkain doon.
Kaya siguro wala pa ang lalaki ay dahil may nakasalabong itong kakilala at nakipag-usap na ito hanggang sa makalimutan na siya. Takam na takam pa naman na siya sa mga pagkain na noon ay pumupuno sa kanilang mesa. Ang sabi ni Stephen ay ito na daw ang bahalang mag-o-order nang makakain nila, dahil nagawi na ito doon-kaya ipinaubaya na niya ang lahat sa lalaki.
Lunch treat daw 'yon ni Stephen sa kanya, mukhang mapapasubo ito dahil madami itong in-order. Kung sabagay, baka naman malaki na ang ipon nito sa bangko at since wala itong kasintahan ay wala itong pagkakagastusan-kaya ito nanlilibre.
Nang mapuno na ang mesa nila ay saka naman dumating ang binata, mukha itong pagod sa hitsura nito pero guwapo pa rin kasi. Ngumiti ito sa kanya saka ito naupo sa kanyang harapan.
Inirapan niya ito. "Ang tagal mo. Halos mamatay na ako sa gutom at hindi ako makapagsimulang kumain dahil wala ka." Sungbat niya.
"Sorry na." hinging tawad nito, saka nito hinawakan ang kanyang kamay, nang bumaling siya sa lalaki ay apologetic itong ngumiti, kaya sa huli ay pinatawad niya din ito. He is too adorable not to forgive-ang weird dahil hindi naman siya mabilis huminahon, pero napahinahon siya agad ni Stephen. "Kumain na tayo." Anito, saka ito nagsalin ng kanin sa kanyang plato. Mayamaya ay nagbalat na ito ng sugpo at alimango para sa kanya. "Kain ka nang madami, Max." nakangiting sabi nito.
Hindi tuloy niya napigilang mapangiti ng lihim. Ang cute kasi nitong banggitin ang pangalan niya ng walang "ma'm". Ang daming nakahandang iba't ibang seafoods sa kanilang mesa; mussel soup, squid adobo, prawns in garlic and butter, daing na bangus, ginataang alimango at marami pang iba-balita niya sa waiter na naghatid kanina ng mga pagkain, 'yon daw ang mga specialties ng restaurant.
Sa unang subo niya ay halos mapa-'hmmm...' siya sa sarap. It was very tasty and fresh. Ngayon lang siya nakalasap ng gano'n kasarap na seafoods. The mussel soup was also good. Nang makita niyang nagkamay na ang binata ay walang kiyemeng sinabayan na niya ito. Napangiti pa nga ito nang makita siyang nagkakamay.
"Masarap ba?" nakangiting tanong nito.
Mabilis siyang tumango-tango sa lalaki. "Hindi pa ako nakakarating sa resto na 'to at masasabi kong they hired the best chefs ever. Ang sarap ng mga seafoods dito." Manghang sabi niya.
He chuckled and winks at her. "Kaya kahit may kamahalan dito, sulit naman dahil masarap, malasa at the best ang mga luto dito." Anito, na tinanguan na lang niya.
Sa buong buhay niya ay ngayon na lang uli siya nabusog nang husto. Nang matapos silang kumain ay mabilis niyang tinawag ang lalaking waiter para unahan nang magbayad ang lalaki-lagi na lang kasi ito ang taya, pero hindi pa man nakakalapit ang waiter sa kanya ay hinarang na ito ni Stephen, saka mabilis na inabot sa waiter ang bayad nito-mukha pa ngang nag-alangan ang waiter kung tatanggapin nito ang bayad ni Stephen pero kinuha din nito.
"Ikaw na naman ang nagbayad. Hindi kaya maubos naman niyan ang ipon mo? Paano kung makilala mo na ang dream girl mo, tapos gusto niyo nang lumugar sa tahimik. Saan ka kukuha nang gagastusin mo?" sermon niya sa lalaki.
Natawa tuloy ito. "Don't worry, Max. Bago ko siya yayaing lumugar sa tahimik, mag-iipon uli ako nang madaming salapi. Hindi naman siguro siya nagmamadali." natatawang sabi nito. "Pero sa tingin mo ba, makakapasa ako sa standards ng dream girl ko?"
BINABASA MO ANG
13 Things To Do Before I Die (Completed)
Aktuelle LiteraturPaano kung nalaman mo na kaunti na lang pala ang nalalabing araw mo sa mundo? Ano ang mga gusto mong gawin at isakatuparan? Samahan si Max sa kanyang mga huling araw...