1

894 17 0
                                    

"I'M SORRY Ms. Opiña, pero base sa mga resulta ng blood at imaging tests mo-ikinalulungkot kong sabihin sa 'yo na... may Ovarian cancer ka-at nasa huling stage na." malungkot na imporma ni Dr. Giovani Merilos, ang kanyang attending physician sa Haven Hospital-na isa sa pinakakilalang private hospital sa bansa.

"W-What?" nanginginig ang katawan na pagpapa-ulit niya nang sinabi ng doctor. Pakiramdam niya ay sobrang nayanig ang mundo niya dahil sa balitang ipinaalam sa kanya. Hindi niya napaghadaan ang ganitong klaseng pangyayari.

Last year kasi ay natuklasaang may ovarian cyst siya at ayon sa Doctor na sumuri sa kanya, kaya daw idaan sa medication para tunawin ang cyst na 'yon at nagtagumpany naman dahil may ilang buwan din siyang nag-gamot at natunaw nga 'yon.

Pero these past few months, napapansin niyang lagi siyang nakakaramdam overfatigue, indigestion, constipation, back pain and menstrual irregularities-na pinababayaan lang niya dahil alam niyang parte 'yon ng pagiging workaholic at palaging stress.

Pagmamay-ari niya ang isa sa pinaka-successful na shoe company sa bansa, na nag-e-export ng mga produkto sa iba't ibang panig ng mundo. At the age of thirty three ay masasabi niyang malayo-layo na ang narating niya sa buhay. From a simple businesswoman to a successful one. Nagpapasalamat din siya sa mga magulang niyang tumulong sa kanya sa pagpapatayo ng "Journey"-ang kanyang shoe company, na ngayon ay pitong taon na sa business world.

Dapat ay tutulong siya sa business ng mga magulang niya, dahil nakapagtapos siya ng business management, kaya lang mas gusto niyang i-pursue ang kanyang pangarap na magkaroon ng shoe company; bukod sa mahilig siya sa mga sapatos, mahilig din siyang mag-sketch at mag-desinyo ng mga sapatos.

But unluckily, bago pa makita ng daddy niya ang success na tinatamasa niya ngayon ay binawian na ito ng buhay may walong taon na ang nakakaraan dahil sa gastric cancer, sa edad na forty seven, gano'n ring sakit ang ikinamatay ng Lolo niya na daddy nito-ang sabi ng doctor noon ay hereditary cancer ang nangyari. People with an inherited gene change have a fifty percent chance of passing the mutation to each of their children-at sa dalawang magkapatid, ang daddy niya ang nakamana ng sakit.

"I'm sorry to tell you Ms. Opiña, pero may mahigit isang buwan na lamang ang itatagal mo sa mundo, masyado ng late nating natuklasan ang sakit mo, kung sana ay mas maaga ay maaari pa nating madaan sa treatment," malumanay na paliwanag ng Doctor. "Kung gusto mo ay maaari kang magpa-second opinion sa ibang kilalang hospital..." marami pang sinasabi si Dr. Merilos, pero pakiramdam niya ay lutang na ang buong kaisipan niya-dahil tanging ang balitang 'yon na ang umalingawngaw sa buong isipan niya. Hanggang sa paglabas niya sa clinic nito at makarating sa kanyang kompanya ay lutang pa rin siya.

Hindi na nga niya namalayan ang kamay na promotekta sa kanyang noo para hindi siya mauntog sa glasswall na nasa harapan na niya pala. Nagulat siya nang makita niya si Stephen Ruther, na noon ay nakangiting bumati sa kanya, saka mabilis na inalis ang kamay sa kanyang noo.

"Kumusta po ma'm Max?" nakangiting tanong nito. Ironic, pero sa simpleng tanong ng binata, all of a sudden ay bigla uli siyang nakaramdam ng pagmamalasakit mula sa isang lalaki.

Hindi niya namalayan na sunod-sunod nang pumapatak ang luha sa magkabila niyang pisngi. She felt helpless, drained and the saddest person on earth at this very moment. Pakiramdam niya anytime in a day ay mawawala na siya sa mundo. Marami pa siyang gustong gawin sa mundo. Bakit ipinagkakait sa kanya ng mundo ang kaligayahan? Bakit? Parang may lumapirot sa kanyang puso dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya.

"It's the end of the world for me." Malungkot na sabi niya.

Nagtatakang nakatitig ito sa kanya. "Bakit po?"

13 Things To Do Before I Die (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon