SA TUWING napapalingon si Max sa front mirror ng kanyang sasakyan ay sakto ding napapalingon at ngumingiti ang lalaking kasama niya-kung hindi siya nagkakamali nang dinig ay Stephen ang pangalan nito.
Napapailing na lang siya. Bakit ba siya pumayag na magpahatid sa lalaking ito? Samantalang hindi pa naman niya ito kilala-pero kung sabagay, masyado na siyang pagod para magmaneho at tauhan naman niya ito sa kompanya, kaya imposible namang kidnappin siya nito saka alam ng mga kasamahan nitong sekyu na kasama niya ito at kapag nawala siya nang gabing 'yon ay ito lang ang sisisihin.
"Gusto niyo po bang kumain muna, ma'm?" tanong ng lalaki. Ito ang unang bumasag sa katahimikang namamayani sa kanilang dalawa.
"Hindi na bale. Sa bahay na lang ako kakain." Sagot niya dito. "Can you please switch on my CD player? Thanks." Aniya, bago niya ipinikit ang kanyang mga mata para mag-relax kahit sandali. Pumapailanlang ang 80's na kanta-ang 'So close' ng The Carpenters.
"Mahilig ka po pala sa mga classical music, ma'm." Mayamaya ay narinig niyang komento ng lalaki, na hindi niya sinagot kaya muli itong nagpatuloy sa pagsasalita. "Sabagay talaga namang nakaka-relax ang mga ganyang uri ng kanta, kumpara sa mga kanta ngayon." anito. Ilang sandali din itong tumigil sa pagsasalita bago uli nagpatuloy. "Paborito din ng mga magulang ko mga ganyang tipo ng kanya." Anito, saka niya ito narinig na tipid na tumawa, kaya napamulat siya ng mga mata at napatingin dito.
"So, what do you mean by that?" masungit na sabi niya, saka niya ito pinukol ng masamang tingin ang lalaki. Mukhang nakuha din nito ang ibig niyang sabihin kaya napailing-iling ito.
"Hindi po 'yon ang ibig kong sabihin, ma'm." Mabilis na depensa nito. "Mukha nga po kayong bata, e." anito.
"So, sa tingin mo ilang taon na ako?" Akala niya tuloy ay sinasabihan siya ng lalaki na matanda na, dahil parang gano'n 'yong dating sa kanya, e!
"Twenty five po?" nakangiting patanong nito, na lihim niyang ikinangiti. Umiling siya bilang sagot sa lalaki. "Twenty three?"
"Okay, enough." Pagpapatigil na lang niya dito, kahit gusto niyang mapangiti sa kanyang narinig. "Mag-focus ka na lang sa pagda-drive." Aniya.
Tumango-tango ito. "Ah ma'am, bakit hindi nga po pala kayo kumuha ng driver ninyo? Mukhang lagi kayong pagod sa trabaho. Mabuti po 'yong may sumusundo sa inyo para hindi po kayo napapagod."
"I'm okay." Aniya.
"Wala po ba kayong kasintahan na sumusundo sa inyo gabi-gabi?"
Muli niya itong pinukol ng masamang tingin. "Just mind your own business, okay?" aniya. Napakamot na lang ng ulo ang lalaki. Guwapo sana ito, kaya lang madaldal at pakialamero.
Nang makarating sila sa Luxury tower, kung saan naroon ang condo niya ay nagpasalamat siya sa lalaki. Malapit lang din daw ang bahay nito sa Luxury tower. Nang makarating siya ng third floor, sa condo niya, mabilis niyang binuksan ang pintuan at agad nang pumasok sa loob, dumiretso siya agad sa kanyang kuwarto para mahiga sa kanyang kama, mamaya na lang siya maliligo at magbihis, pakiramdam niya ay sobrang drained na siya. Hindi na tuloy niya namalayan na tuloy-tuloy na siyang nakatulog hanggang umaga.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil biglang kumalam ang sikmura niya, palibhasa ay wala siyang kain kagabi, dagdag na pagod na pagod pa siya. Kaya nang makapaglinis siya ng sarili niya ay agad na siyang nagtungo sa kusina para magluto.
Marunong siyang magluto dahil tinuruan siya ng mommy at ng katulong nila sa bahay no'ng nasa kolehiyo siya, pero hindi naman siya gano'n kagaling-katamtaman lang! Nagluto na siya ng kanin at nag-prito ng bacon at itlog para sa kanyang agahan, pagkatapos ay kumain na rin siya.
BINABASA MO ANG
13 Things To Do Before I Die (Completed)
General FictionPaano kung nalaman mo na kaunti na lang pala ang nalalabing araw mo sa mundo? Ano ang mga gusto mong gawin at isakatuparan? Samahan si Max sa kanyang mga huling araw...