8

317 9 0
                                    

"SURE ka bang gumagana 'yong parachute nila? Baka mamaya may butas o hindi pala gumagana tapos—"

Naiiling at natatawa niyang pinutol ang mga pinagsasabi ni Stepehen. "Relax ka lang," awat niya dito. "Nakita mo naman kanina 'yong mga nauna sa ating nag-skydiving, maayos naman ang naging landing nila at walang anumang aberya." Paliwanag niya sa lalaki.

Nasa Subic Bay Freeport Zone sila, dahil niyaya niya ang lalaki na mag-skydiving. Nag-off siya ng dalawang araw para gawin ang kanyang mga gustong gawin sa buhay. Wala na siyang sapat na oras dahil baka anytime ay mag-degenerate na ang katawan niya, kaya habang hindi pa gano'n kalala ang nararamdaman niya ay gagawin na niya ang mga 'yon.

Kaso parang si Stephen naman ang may sakit dahil sa putla ng mukha nito dahil sa nerbyos. Hindi pa kasi nito nasusubukan mag-skydiving ngunit nakasakay na din naman daw ito ng eroplano. Eh, pareho lang naman silang first timers e, kaya lang mukhang malaki ang takot nito sa extreme adventure na ito.

"Kayo na po ang susunod sa line, ma'm at sir." Imporma ng isang staff, saka sila simulang lagyan ng equipments sa katawan. Kinakabahan siya, pero wala 'yon sa kaba at nginig ng kasama niya.

"'Uy Stephen, kung hindi mo kaya pwede ka nang mag-backout, baka kasi bigla ka na lang himatayin sa ere, mahirap na." nangingiting sabi niya.

Mabilis namang umiling ang lalaki saka napalunok nang mariin. "K-Kaya ko!" anito, na nabubulol-bulol pa. Lagi niya itong nakikitang optimistic at masayahin, kaya nakakapanibago na makita niya itong takot at mukhang paranoid.

Nang sila na ang isasalang ay mabilis na silang sumakay sa airplane, napangiti siya nang makita niya ang ganda ng kapaligiran hanggang unti-unti na silang tumataas sa himpapawid. May ilang buwan na rin simula nang huling beses siyang sumakay sa plane, kaya natutuwa siya na muli siyang nakasakay bago man lang siya mawala sa mundo.

Nasunod naman nila ang skydiving requirements at pareho naman silang walang sakit sa puso, asthma o anupang makaka-apekto sa gagawin nila, kaya qualified silang sumakay, saka may pinirmahan silang waiver para kung sakaling may mangyari sa kanila ay walang kasalanan ang mga taong involved—may makukuha din silang certificate kapag natapos nila ang adventure. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan ng plane, nasa pinaka-itaas na silang bahagi. In-inform sila na maaari na silang tumalon in the count of three. Nakakalula ang view at kung gaano sila kataas, ang sabi ng kasama nilang staff ay nasa thirteen thousand feet daw 'yon, nakakatakot at nakakanginig ng mga paa pero nakaka-thrill!

"Kung magagawa mo ito nang mabuti, may reward ka sa akin mamaya." Nakangiting sabi niya sa binata, saka siya naunang tumalon in the count of three, ilang sandali pa ay sumunod na rin si Stephen. "Ang sarap sa pakiramdam!" masayang sigaw ni Max sa ere. Ang presko sa pakiramdam at ang ganda pa ng kanilang view. "Stephen, kaya mo pa?"

"H-Hindi ako mahilig sa ganitong uri ng adventures, pero kinakaya ko dahil kasama kita." Sigaw din ni Stephen. Saka ito nag-thumbs up sa kanya. "It's not that bad!" dagdag pa nito, kaya napangiti siya at nag-thumbs up dito. Nagpakuha din sila ng larawan na nasa ere, in-enjoy nilang dalawa ang pakiramdam na parang lumilipad, bago binuksan ang kanilang parachute. Ilang minuto ay dahan-dahan na silang lumapag sa isang safe at malawak na ground.

Mabilis siyang tumayo at inalis ang nakatakip na parachute sa kanya para puntahan ang lalaki, iniisip kasi niyang baka nahimatay na ito sa labis na kaba, kaya nang pagbukas niya ng parachute ng lalaki ay nagulat na lang siya nang may kamay na humila sa kanyang kamay—at sunod niyang namalayan ay nasa mga bisig na siya ng lalaki.

"I love you, Max and I think I deserve this as a reward." Nakangiting inilapit nito ang mukha sa kanya at mabilis na sinakop ang kanyang mga labi. Napangiti siya habang nilalasap ang matamis na mga halik nito—ganito rin kasi ang iniisip niyang reward sa lalaki kapag naka-survive silang dalawa sa skydiving. Ilang sandali pa ay tinapos na nito ang halik sa kanya.

13 Things To Do Before I Die (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon