9

330 12 3
                                    

"SINO 'yong tumawag?" nagtatakang tanong ni Stephen, kaya sinabi niya dito na ang doctor niya 'yon, na gustong makipagkita sa kanya kinabukasan, kaya sinabi ng lalaki na sasamahan siya nito sa hospital.

Ilang saglit pa ay nagpaalam ito dahil may kung sino itong tinawagan sa phone nito, ilang minuto din itong nakipag-usap sa phone, bago nakangiting bumalik sa kanyang harapan.

"Sino 'yong nakausap mo? Ang saya mo yata." Nagtatakang sabi niya.

"Sekreto." Nakangiting sabi nito.

Napakunot-noo tuloy siya. "Babae siguro." Naiiling na sabi niya. "Ganyan naman kayong mga lalaki e, kapag nagsasawa na sa babaeng kasama niyo, naghahanap na ng iba." Kunwari ay pagtatampo niya, nagulat na lang siya nang mabilis na hinawakan nito ang kamay niya.

"That's not true, dahil kahit na kailan ay hindi ako nagsawa ni isang segundo kapag kasama kita." Seryosong sabi nito. "Nakapaghintay nga ako ng dalawang dekada para sa 'yo, e..." narinig niyang sabi nito, ngunit hindi gano'n ka-klaro 'yon. "Hindi mo pwedeng malaman kung ano at para saan ang tawag na 'yon, dahil sekreto 'yon. Pero maniwala ka, hindi 'yon ibang babae."

"Okay." Sagot na lang niya. Malaki naman ang tiwala niya sa lalaki, e. Doon lang nito pinakawalan ang kanyang kamay. "Pero totoo ba talagang hindi ka pa nagkaka-girlfriend?" tanong niya, na tinanguan nito. "Eh, di ang ibig sabihin niyan ay..."

"Ikaw ang first girlfriend ko." Nakangiting sabi nito.

"Pero parang imposible naman, dahil guwapo ka at malakas ang dating."

"Well," napakamot ito ng ulo. "May mga admirers, pero hindi sila sapat para lumugar sa puso ko, dahil mayroon nang umokupa nito."

Napakunot-noo siya. "Sino?"

Mabilis nitong hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang mga 'yon. "Ikaw." Hindi tuloy niya napigilang kiligin nang husto.

Nang matapos silang kumain ay bumalik na sila sa kanilang cottage. Bago sila nagpaalaman ay sinabi ng lalaki magkakaroon sila ng dinner date mamaya at may big revelations daw ito sa kanya. Kaya na-excite tuloy siya at the same time ay nalungkot din dahil ito na rin ang huling gabi nila sa Subic. Masaya din pala mag-unwind once and for all, ngayon lang kasi niya nararamdaman 'yon dahil sa pagiging workaholic niya.

KINAHAPUNAN ay naligo na siya, pagkatapos ay nagbihis ng semi-formal dress, nag-buns ng buhok at naglagay nang manipis na make-up—nag-ayos talaga siya ng maganda para sa date nila ni Stephen. Gusto niya maging maganda sa mga mata nito. Napangiti siya nang tumunog ang doorbell ng pintuan niya, kaya nagmamadali siyang pagbuksan ang lalaki—ngunit ibang mukha ang nabungaran niya.

"Who are you?" tanong niya sa lalaking nasa harapan niya.

Mukhang nagulat ito sa pataray na tanong niya, kaya hindi ito kaagad nakasagot. "Inutusan po ako ni sir Stephen na sunduin po kayo dito, para dalhin sa meeting place po ninyo." Anito, saka dito dahan-dahang ngumiti.

So, may pasurpre-supresa pa ang lalaki sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang mas lalong ma-excite. Nang masiguro niyang mukhang mapagkakatiwalaan ang lalaki ay sumama na siya. Mag-aalas sais y media na noon. Dinala siya ng lalaki sa isang magandang restaurant. Maraming mga tao noon lalo na sa loob at sa labas naman ay navi-view ang beach at doon nagpa-reserve ng table si Stephen.

Napalinga siya sa paligid, napaka-relaxing doon at maganda ang ambiance. Mukhang dinarayo ang lugar, dahil maraming mga tao doon. Gayunpaman, kinikilig na siya sa anumang surpresa na gagawin ni Stephen, hindi pa kasi niya ito nakikita. Nagpaalam na rin sa kanya ang lalaki, kaya naupo na rin siya sa reserved table nila.

13 Things To Do Before I Die (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon