PAKIRAMDAM ni Max ay lutang na lutang siya dahil tanging ang balitang 'yon na ang umaalingawngaw sa buong isipan niya. Hanggang sa paglabas niya sa hospital at makarating siya sa kanyang kompanya ay hindi pa rin siya nakakalma.
Hindi! Hindi siya naniniwalang may ovarian cancer siya at nasa last stage na! Nagkamali ang dctor na sumuri sa kanya. Matagal nang natunaw ang cyst na 'yon sa ovary niya ayon sa huling check up niya, kaya papaanong naging cancer 'yon?
Magpapatingin uli siya sa ibang hospital para sa second opinion. Hindi siya maaring panghinaan ng loob, hindi pa siya maaaring mawala sa mundo! Marami pa siyang kailangang gawin! Nagpapasalamat siya dahil nakapagmaneho pa siya papunta sa kompanya.
Hindi na nga niya namalayan ang kamay na promotekta sa kanyang noo para hindi siya mauntog sa glasswall. Nagulat siya nang makita niya si Stephen Ruther, na noon ay nakangiting bumati sa kanya, saka mabilis na inalis ang kamay sa kanyang noon.
“Kumusta po ma’m Max?” nakangiti pang tanong nito. Ironic, pero sa simpleng tanong ng binata, all of a sudden ay nakaramdam siya ng pagmamalasakit mula sa isang lalaki.
DUMIRETSO agad si Max sa kanyang kuwarto pagdating niya sa condo. She felt so tired and helpless. Hindi siya nakapag-concentrate sa trabaho kanina dahil tanging ang balitang 'yon lang ang umukopa sa isipan niya.
Muli na naman siyang napaiyak. Hindi pa siya handang iwanan ang mommy niya at ang Journey. Ni hindi pa nga niya nakikilala ang Mr. Right niya. Ang aga naman yata siyang kunin ni Lord.
Dear God, oras ko na po ba talaga? Piping tanong niya sa Panginoon. Paano kung tumawag sa skype ang Mommy niya at tanungin kung kumusta ang naging check up niya? Hindi niya kayang magsinungaling dito—pero hindi niya ito gustong malungkot at mag-alala. Mabilis niyang pinunas ang luha sa kanyang mga mata—hindi siya dapat mawalan ng pag-asa at hindi siya basta-basta susuko dahil naniniwala pa rin siya na ang lahat nang nangyayari sa mundo ay may dahilan.
At alam niyang may dahilan ang Diyos kung bakit siya binigyan ng gano’ng uri ng pagsubok. Kakayanin niya! At dapat ay magpasalamat pa rin siya dahil sa thirty three years of existence niya dito sa mundo. Kailangan niyang magpakatatag!
Pero naisip din niya, bago pa man siya mawala sa mundo, dapat ay magawa niya ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa kailanman. Ironic, pero kapareho niya ng sitwasyon ang bidang babae sa movie na napanood niya. Natawa nga siya dahil sa naisip nitong ‘Things to do before I die’, pero kapag pala nasa sitwasyon na, hindi na niya maiisip kung gaano 'yon ka-corny, dahil ang gusto na lamang niya ang maging masaya at mapagbigyan ang lahat ng kanyang kagustuhan.
Tinampal niya ang kanyang magkabilang pisngi. Gusto din niyang gumawa ng ‘To do lists’ niya bago man lang siya maglaho sa mundo. Mabilis siyang tumayo mula sa kama at agad na nagtungo sa study table niya. Kumuha siya ng notebook at ballpen saka siya may isinulat doon.
“Thirteen Things to do before I die” ang isinulat niya. Why thirteen? It’s her favorite number, bukod sa pareho nilang birth date 'yon ng Daddy niya, marami din nangyari sa kanya na may kinalaman ang number thirteen.
Ika-Thirteenth ng March nang mawala ang Daddy niya. Thirteen years old siya nang unang datnan siya ng kanyang buwanang dalaw. Ika-Thirteenth ng December nang sagutin niya si Gabe at ika-Thirteenth din ng July nang sumunod na taon nang makipagkalas ito.
Tumango siya at tila may pag-asang umusbong sa kanyang puso. Hindi por que nalaman niyang may sakit siya ay kailangan na niyang maging malungkot at mawalan ng pag-asa. Ika-nga ng karamihan: “Habang may buhay ay may pag-asa”. She will live her life to the fullest, ayaw niyang hawakan ang buong buhay niya ng kanyang sakit.
BINABASA MO ANG
13 Things To Do Before I Die (Completed)
General FictionPaano kung nalaman mo na kaunti na lang pala ang nalalabing araw mo sa mundo? Ano ang mga gusto mong gawin at isakatuparan? Samahan si Max sa kanyang mga huling araw...