"THIRTEEN things to do before I die," pagbabasa ni Max sa listahan ng mga gusto niyang gawin na nakasulat sa kanyang notebook saka niya inisa-isang binasa. Na-kompleto na niyang isulat ang mga 'yon kagabi at excited na siyang isagawa ang mga bagay na 'yon, na ngayon pa lang niya mararanasan.
Ang ironic lang dahil kung kailan malapit na siyang mawala sa mundo, saka naman marami siyang gustong gawin, kulang pa nga ang thirteen e, gusto niyang gawing thirty o three hundred things, pero baka hindi na siya umabot pa-mayroon na lamang siyang less than a month na pananatili sa mundo.
Muli niyang binasa ang mga nilista niyang gustong gawin bago siya mamatay:
"Thirteen Things to do before I die"
1. Stargazing with someone-na naisakatuparan na last time, kasama si Stephen.
2. Dance in the rain.
3. Visit the children in bahay-ampunan-this is very challenging taske because she doesn't like children that much. Ayaw kasi niya sa maiingay at makukulit na bata.
4. Do an extreme adventures, like; Skydiving or paragliding.
5. A date under the sea.
6. Tell someone a story of her life.
7. Treat all her employees.
8. Attend into a rock band concert.
9. Do silly things.
10. To be serenaded by someone special.
11. Drink alcohol until I collapse.
12. Fall in love
13. Make love
Napailing siya sa dalawang huling isinulat niya. Pero kahit sa huling pagkakataon man lang sana ay maranasan niya ang mga 'yon. Wala namang masama, 'di ba?
It was a sunny Sunday morning. Balak niyang magsimba kaya naghahanda na siya sa kanyang sarili, naabala nga lang siya nang makita niya ang 'to-do list' niya.
Usual, mag-isa siyang magsisimba. Pero hindi naman 'yon hadlang para lumiban siya sa linggo-linggo niyang pagsisimba. Hindi siya naiinggit sa mga pamilya at magkasintahan na nakikita niyang magkakasama. Hindi talaga, promise!
Palabas na siya sa Luxury tower sakay ng kanyang sasakyan nang biglang may humarang sa kanyang daraanan, nagulat siya pero mabuti na lang ay mabilis siyang nakapag-preno. Mabilis niyang binalingan ang taong humarang sa kanyang harapan-napakunot-noo siya nang makita niyang si Stephen 'yon, kaya bumaba siya sa kanyang sasakyan.
"Are you crazy?" galit na wika niya sa kaharap dahil kinabahan siya, ngunit ang lalaki-ngumiti pa sa kanya. "Paano kung hindi ako nakapag-preno at natuluyan kita?" naiinis uling sabi niya.
Nagulat siya nang bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya. "I'm happy that you are so worried about me." Nakangiti pang sabi nito, ngali-ngaling batukan na niya ito. "Pero ayos lang ako. hindi ako nasaktan."
Mabilis siyang dumistansya sa lalaki, dahil baka pati ito ay marinig na din ang malakas na kabog ng puso niya. Napapansin niya sa tuwing kasama niya ito ay gano'n mag-inarte ang puso niya! Hindi kaya nagkakagusto na siya dito? Umiling-iling siya. Hindi tama! Dahil mas bata ito sa kanya, ayaw niyang maging cradle's snatcher! He is just youger by four, ano'ng masama do'n? All is fair in love! anang isipan niya.
"Bakit ka ba kasi bigla na lang sumusulpot sa kung saan?"
"Kalalabas ko lang din ng bahay nang makita kong palabas din ang sasakyan mo, kaya ako nagmamadaling humabol sa 'yo." Anito, pansin nga niyang pawisan ang noo nito. Pero unfair lang dahil napaka-fresh pa rin ng hitsura nito.
"May kailangan ka sa akin?" aniya.
Umiling-iling ito saka ngumiti. "Kailangan kasi kitang makita para maging maganda ang simula ng araw ko."
"Bolero." Naiiling na sabi niya, saka siya lihim na napangiti. Pakiramdam tuloy niya ay para siyang high school student na kinikilig ng lihim.
Ngumiti ito. "Saan nga po pala kayo pupunta, ma'm?" tanong nito.
"Magsisimba." Tipid na sagot niya. "Ahm, can I ask you a favor."
"Sige po." Tumatango-tanong sagot nito.
"Kapag wala tayo sa trabaho, tawagin mo na lang akong Max. Nakakatanda kasi pakinggan 'yong pagtawag mo sa akin ng "po" at "ma'm", e." aniya.
Mas lumaki ang pagkakangiti nito. "Sigurado po ba kayo dyan?" masayang tanong nito na mabilis niyang tinanguan. Para itong nanalo ng jackpot prize sa hitsura nito. Napapiksi pa siya nang hawakan nito ang kanyang kamay saka siya hinila pasakay sa tabi ng driver's sear, mabilis din itong nagtungo sa kabilang panig para sumakay sa driver's seat. "I will be your driver for today, miss." Nakangiting sabi nito.
"What? I don't need a-"
"Sorry but I insist. Wala din naman akong gagawin ngayong araw, saka magsisimba rin naman ako. Kaya makikisabay na ako." nakangiting sabi nito. Napailing na lang siya saka lihim na napangiti. Bakit ba hirap na hirap siyang tanggihan ang lalaking ito? Hay life!
NANG MATAPOS silang nagsimba ay napag-pasyahan nilang kumain sa isang seafoods restaurant. Habang nasa biyahe sila, tanging ang mga 80's songs ang pumapailalang sa loob ng sasakyan. Mabilis siyang napabaling sa katabi nang marinig niya itong sinasabayan ang kanta 'I say a little prayer ni Aretha Franklin'.
"Forever and ever, you'll stay in my heart and I will love you. Forever and ever, we never will part, oh how I love you. Together, forever, that's how it must be to live without you would only mean heartbreak to me." Pagkakanta nito. Napangiti siya ng lihim. Hindi gano'n kaganda ang boses nito, pero hindi rin naman nakakairita. Swak lang sa pandinig niya at na-sweet-an siya sa pagkakanta nito.
Nang matapos itong kumanta ay saglit na bumaling ito sa kanya. "Nagustuhan mo ba 'yong kanta ko para sa 'yo?" natatawang tanong nito.
"That was for me?" nagtataka niyang tanong
Tumango ito. "I am really not a singer but I can be a singer just for you." Nangingiting sabi nito.
"Why are you doing these?" natanong tuloy niya. Bakit ito mabait sa kanya? Bakit hindi ito natatakot sa kanya? Bakit ito sweet?
"Doing what?"
"All of these? Ito-ipinagmamaneho mo ako, tina-trato mo ako na parang importante sa 'yo at hindi ka natatakot sa akin, hindi tulad ng ibang mga empleyado."
Mabilis nitong itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka ito tumitig sa kanya ng seryoso. "Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil gusto ko." Pauna nito. "At importante ka sa akin, maniwala ka man o hindi. At kung bakit ako hindi natatakot sa 'yo tulad ng iba? Dahil hindi ka naman talaga nakakatakot-alam ko kasing self mechanism mo lang ang pagiging masungit at alam ko ding nagsusungit ka lang sa mga empleyado mo dahil gusto mong mapagbuti nila ang mga trabaho nila."
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Hindi niya alam kung sapol ba siya o mata-touch siya sa sinabi nito. Nang hindi na siya nakasagot dito ay muli na nitong pinaandar ang sasakyan. Palihim niyang dinama ang puso sa loob ng katawan niya, bakit parang lumalaki at lumulobo na 'yon? Kasalanan ng lalaking kasama niya!
Gusto ba siya nito? Bakit hindi mo tanungin?
BINABASA MO ANG
13 Things To Do Before I Die (Completed)
General FictionPaano kung nalaman mo na kaunti na lang pala ang nalalabing araw mo sa mundo? Ano ang mga gusto mong gawin at isakatuparan? Samahan si Max sa kanyang mga huling araw...