LANTANG ROSAS

24 1 0
                                    


Naalala ko ang nagdaang oras
Ang bawat panahong lumipas
Kung saan ako na isang hamak na rosas
Ay iyong napiling ipitas

Ako'y nagtataka
Kung bakit sa daming bulaklak sa kalsada
Ako pa ang iyong nakita


Hindi mo pinansin ang aking taglay na mga tinik
Kahit magdala ito ng sakit na parang lintik
Hindi mo ito ininda
Sa halip ay iyong ipinikit ang mga mata
Kasabay ng pagsabi ng makukulay na salita


Namutawi sa iyong bibig ang mga kataga
Mga pangungusap na may kasamang pambobola
Sa puso't isipan ay tumatak
Ang iyong tinuran na ikaw ay nahalina sa aking halimuyak

Amoy na hindi mo kailan may makakalimutan
Halina na nangingibabaw sa kahalatan
Mga bawat sambit mong nagpaniwala sa akin sa isang walang hanggan


Lumipas ang mga araw
Kung saan ang bawat segundo ay aking tinatanaw
Isa akong rosas na sa bawat minuto ay lumalago
Isa akong bulaklak na masayang nakatamnan
At isa ka rin namang nilalang na handa akong alagaan
Ikaw na handa akong bantayan sa anumang kasamaan
At handang tanggapin ang aking mga kapintasan


Ang iyong pagmamahal ay aking pataba
Ang iyong mga yakap ang siyang init sa umaga
Ang iyong mga halik na siyang nagsilbing pampasigla


Ngunit habang lumilipas ang panahon
Nababawasan na rin ang iyong parito't paroon
Hindi ko na ramdam ang iyong pagkalinga
Nasaan ka na ba talaga aking sinisinta?
Unti-unti na ako ditong nalalanta
Ang mga talutot ko'y nawawalan na ng pula
Ang mga ugat kong bumibitaw na
Nawawalan na ako ng lakas para mabuhay pa
Tanging hinihiling ko lamang ay muling masilayan ka


Teka, may naaaninag ako sa malayo
Isang pamilyar na anino
Sinalubong kita ng saya
Ngunit iba ang iyong ipinapakita
May halong pag-aalinlangan ang iyong mga mata
Ang mga kamay mong dating para lang sa pagitan nating dalawa
Ay may humahawak ng iba


Isa siyang bagong rosas
Siya na ba ang pinagpalit mo sa ating mga pinagsamahang mga oras?
Bakit bigla kang naghanap ng panibagong bulaklak?
Nagsawa ka na ba sa aking halimuyak?
Madami akong gustong itanong sayo
Ano na ba talaga ang nangyayari sa salitang tayo?
Paano na ba ang iyong mga pangako?
Bakit nauwi ang istorya natin sa isang panloloko?


Wag kang mag-alala
Wag ka narin magtaka
Kung ang isang rosas na tulad ko ay hirap ng magtiwala
Ang mga tinik ko ay aking patatalasin
Para sa mga taong sinusubukan na ako'y bunutin
Pare-parehas lamang kayo na ako'y paasahin at lolokohin


Kaya paalam na aking sinta
Isa ka na lamang mapait na alaala
Ako'y rosas na nalalanta ngunit kailanma'y hindi na mamumukadkad pa

Mga Katha Ng Isang Desperadong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon