SUNDOT KALIMOT

10 1 0
                                    


Naalala mo pa ba?
Yung pagkain na gustong gusto natin noong tayo'y bata pa
Isang klaseng panghimagas na nagbibigay tamis sa panlasa
Pinaghalong arnibal at asukal

May kakaiba din itong pangalan
Na kapag sinabi mo marahil mandidiri ang karamihan
Ngunit paniguradong magtatawanan ang mga kabataan
Itago nalang natin ito sa tawag na "sundot kulangot"
Marahil ika'y napakunot at natawa
Ngunit para sa akin naghahatid ito ng masasayang ala-ala

Ngunit sa paglipas ng taon
Ay sabay ding lumilipas ang ating musmos na pagkatao
Mas lalong lumalakas ang ating kagustuhan tuklasin ang mundo
At gawin ang mga bagay na para sa atin ay bago

Hindi ka na bata
Hindi na ikaw si Junjun na nakikipaghabulan sa kalsada
At hindi ka na rin si Nena na buong maghapong naglalaro ng manika
Hindi na tayo mga supling na walang muwang sa ating ginagawa

Pero aking napapansin
Na masyado ng naglalakbay ang nga kabataan sa kanilang gawain
Parang mga baliw na siyentista na gumagawa ng eksperimento
Na walang pake sa kalalabasan ng kanilang mga plano

Imbes na pagbutihin ang pag-aaral
Mas pinipiling magliwaliw sa kural
Gagawa daw ng proyekto
Pero pasikretong biology ang konsepto
Group study daw sa kanyang mga kaibigan
Pero parang kakaiba yata ang pinag aaralan
Naging tema bigla ay kahalayaan
Hihingi pa ng baon, sa paaralan daw may proyekto
Pero gagamitin lang pang Sogo
Kunyareng papasok
Pero ang totoo iba na pala ang pinapasok
At wala pang proteksyong suot

Pero mali, di nila iniisip ang maaring mangyari
Hindi nila alam ang kanilang pinapasok, kasi para sa kanila pasok lang ng pasok
Tapos pag may nabuo
Hindi nila alam ang gagawin sa dulo
At ang dadahilan pa "nadala lang ako ng tukso"

Tapos sisihin ang kapareha
Ang totoo naman parehas silang may sala
Pinasok mo, ikaw naman nagpapasok
Mga mapupusok!
Tapos may eksena pa na ipapahulog ang bata
Dahil hindi daw handa
Maling mali na!

Bago mo kasi itutok
Siguraduhing handa ka sa magiging resulta
Bago mo iputok
Siguraduhing handa kang tawaging isang ama at ina

Nakakatawang isipin
Na nagsimula tayo sa sundot-kulangot
Ang nakakapagtaka lang paano tayo napunta sa henerasyong puro sundot kalimot

Mga Katha Ng Isang Desperadong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon