Kung ako man ay muling mahulog sayo
Wag mo sana akong piliting isalo
Ayokong alagaan mo ako na labag sa iyong pusoKung ako man ay masaktan
Hayaan mo ako sa sulok na luhaan
Hayaan mo akong matuto sa aking mga kamalianKung ako man ay umiyak
Hayaan mo ang mga luhang ito na pumatak
Iwanan mo ako at ang puso kong biyakKung ako man ay madapa
Hayaan mo akong tumayo mag isa
Ako ang gagamot sa mga sugat kong nadaramaTama ka, hayaan mo lang ako
Hayaan mo lang akong matuto
Huwag mo akong sanayin sa presensya mo
Hayaan mo lang akong lumaban mag isa
At sana wag kang tumuligsa
Dahil darating ang araw, na sa muli kong pagtayo
Hindi ko na hahanapin ang tayo
Dahil alam kong kinaya ko
Na lumaban ako na alam kong wala ka sa tabi koKaya ang huli kong hiling, kung ako man ay muli kong hanapin ang iyong pagkalinga
Sana hayaan mo akong maglakbay mag isa
Dahil alam ko na kahit ilang beses kitang hanapin
Hindi ka na muling makikita ng paningin
Na sa ating istorya
Ako nalang ang nag iisang protagonistaKaya parang awa mo na hayaan mo ako
BINABASA MO ANG
Mga Katha Ng Isang Desperadong Papel
PoetryThis is are my collections of my poems of different genres. This poems bring out my pain, hope, regrets, anxiety, depression, and love through a sheet of "desperate paper."