HINDI TAYO SILA, DAHIL MERON TAYONG ORIHINAL NA PELIKULA

10 1 0
                                    


Inaamin ko mahilig ako manood ng mga pelikula
Nasubaybayan ko na ang buhay ng iba't ibang karakter sa mga istorya
Pero kahit kailan hindi ko pinangarap maging isa sa kanila
O maging ako ang mga gumanap na artista

Pero ikaw parang may ibang hinahanap
Parang sa bawat ating pagkikita may nais kang masulyap
Yung tipong habang magkahawak tayong dalawa
Gusto mo may sumasabay na romantikong musika
Gusto mo habang papalapit tayo sa isa't isa nag iislow motion ang kapalagiran
Na sa bawat ating ginagawa ay nais mo may sikat na ginagayahan
Pero ano bang mali doon?
Anong mali sa paghingi mo ng perpektong relasyon?

Pero ayoko na!
Nakakasawa na!
Yung paghahanap mo sa akin sa bidang lalake na nakita mo sa isang pelikula
Yung sa bawat effort na ginagawa ko, lagi mo nalang kinukumpara sa isang eksena

Ayoko maging si Fidel at ikaw si Stella
Dahil hindi lang isandaang tula ang sayo'y igagawad
Ayokong maging ikaw si Lea at Tonyo
Dahil hindi lang tuwing tanghali kita ipagluluto
Na kahit mawala ang paningin mo
O kahit ika'y malumpo
Nandito parin ako para sayo
Ayokong maging si Ibarra at ikaw si Maria
Dahil tandaan mo, hindi kita lilisananin kahit magkaroon ng gyera
Gagawa at gagawa parin ako ng paraan para tayo ay magsama

Tandaan mo, ayokong bumase tayo sa isang palabas
Mas lalong ayokong gumaya sa ginagawa ng mga karakter sa mga libro na balang araw ay kukupas
Gagawa tayo ng sarili nating istorya
Gusto ko gagawa tayo ng ating obra
Kung saan tayo ang mga direktor at tauhan
Sabay natin itong guguhitan at kukulayan
Gamit ang ating pagmamahalan bilang lapis na pansulat
At mga ala-ala bilang isang krayola na siyang pangkulay

Sa mundo nating ito, hindi tayo mag aala isang piksyonal na tao
Ipapakita natin kung ano nga ba talaga tayo
At sa pamamagitan nito ang sarili nating pelikula ay tayong dalawa ang bubuo

Kaya tandaan mo,
Hindi tayo si Tonyo at Lea
O maski si Fidel at Stella
Dahil meron tayong sariling istorya

Mga Katha Ng Isang Desperadong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon