Sa mundong may dalawang tao
Yung nangangakong tutuparin sa dulo
At yung nangangako pero napapakoAlin ka ba sa dalawang iyon?
Siguro naman alam mo na yung sagot
Alam mo naman sa sarili mo yung mga ginawa mo
Ayy teka, mali yata ang aking isinalita
Wala ka nga palang ginawa
Magaling ka lang pala sa mga pambobokaNaaalala mo pa ba?
Yung mga sandaling tayo'y magkasama
Parang gusto ko na yata itong alisin sa memorya
Naiinis ako sayo
Pero mas naiinis ako sa sarili ko
Kasi nagpakatanga akoHindi ko talaga makakalimutan
Ang iyong mga tinuran
Na susungkitin mo ang buwan
Alam ko pawang hindi ito makatotohanan
Pero nagbigay ito ng kakaibang kasiyahanBakit ganoon mahal?
Sabi mo ako lang ang iyong buwan
Pero bakit naghanap ka pa ng ibang mga talaYung relasyong sabi mong tatagal ng walang hanggan
Bakit natapos lamang ng ilang buwan?
Yung sabi mong aabot ng ilang henerasyon
Bakit nawala lamang sa isang pagkakataon?Sinamahan mo akong bumuo ng mga plano
Pero ikaw din pala sisira nito
Sabay tayong nangarap
Ngunit para bang tila ito'y malaking pagpapanggapSaya-saya mo pa habang tayo'y nag-uusap
Buong maghapon hinahanda ang ating hinaharapIlan ang bilang ng mga supling?
Kahit ilan basta lumaki silang malusog sa ating piling
Saan mo gusto ikasal?
Kahit saan basta ang mahalaga puno tayo ng pagmamahal
Saan mo gusto tumira?
Kahit maliit basta lagi tayong magkasama
Anong gusto mong pangalan ng ating anak?
Gusto ko ang pangalan natin ipagbiyakIlan lang ito sa ating mga napagkasunduan
Nabubuo na ito sa aking isipan
Ang imahe nating dalawa
Masaya't magkasamaPero kung kailan naniwala na ako sa walang hanggan
Tsaka mo ako iwanan
Kung kailan nangangarap na ako
Tsaka mo ako gigisingin sa panloloko
Na ang pangako mong tayo
Ay bigla na lamang naglahoKaya mahal, tama na
Sawa na ako sa iyong pambobola
Mga pangako mong hanggang salita
Pagod na akong mangapa
Hanapin yung paghihirap mong ginawaKaya ako at mamamaalam
Ngunit hindi ako magpapasalamat
Wag ka kasing magbibitaw ng mga pangako
Kung alam mo sa sarili mo na ito ay mapapako
BINABASA MO ANG
Mga Katha Ng Isang Desperadong Papel
PoetryThis is are my collections of my poems of different genres. This poems bring out my pain, hope, regrets, anxiety, depression, and love through a sheet of "desperate paper."