Magkatabi tayo sa isang kama
Isang pulgada na lamang ang pagitan nating dalawa
Ramdam ko ang lamyos ng iyong bawat paghinga
Nanunuot ang tingin mong nagbabaga
Ako'y nasasabik na sa mga susunod na mga eksenaNaging mapusok ang iyong mga kinikilos
Unti-unting gumagapang ang iyong mga yapos
Para bang ayoko na itong matapos
Ang mga bulong mong nagpapakilig sa katawan
Ang kaanyuan mong kay sarap pagmasdan
Ang mga halik mong sana'y walang hanggan
Sana ito'y wala na sanang katapusanAng kakaiba mong pinaparanas na sensasyon
Tila bagang isang hindi maiwasang temtasyon
Bawat ugoy kong para bang alonMalamig ang ating silid
Ngunit para bang may kakaibang init ang paligid
Sakto ang liwanag ng buwan
Sa karanasang ating pinagsasaluhanDumating na tayo sa huling sipi
Ang kwartong itong nagsilbing saksi
Ng isang kabanatang hindi kailanma'y mawawaglit
Kasabay ng malamig na gabi na unti-unting umiinitMata sa mata
Labi sa labi
Init sa ating pinagsaluhang gabi
BINABASA MO ANG
Mga Katha Ng Isang Desperadong Papel
PoetryThis is are my collections of my poems of different genres. This poems bring out my pain, hope, regrets, anxiety, depression, and love through a sheet of "desperate paper."