SANA AKO

16 1 0
                                    


Sana ako si unan
Na niyayakap mo tuwing ika'y kinakain ng kalungkutan
Isang unan na dumadampi sa iyong malalamyos na balat at pinapawi ang iyong kapaguran
Na sinamahan ka sa pagpapalit ng kinabukasan

Sana ako si panyo
Na laging nandyan pag ang luha mo ay tumutulo
Na handang punasan ang mga pawis mong tanda ng pagkapagod mo sa pagtakbo
At takot ka pang mawala sa piling mo

Sana ako si musika
Na katuwang mo lagi kahit ano pa ang iyong nadarama
Gamit ang malalamyos na mga nota
Na sinasabayan ng mala-anghel mong boses sa pagkanta

Sana ako si kumot
Na handa kang balutin kapag hinaharas ka ng takot
At magsisilbing init sa lamig na bumabalot
At handang magtiis kahit ikaw pa sa pagtulog ay malikot

Sana ako si manika
Na kasama mo simula pagkabata
At naging saksi sa lahat ng mga malulungkot at masasayang eksena
Isang manika na sa lahat ng bagay ay lagi mong kasama

Pero ang pinakagusto kong maging ay...
Sana ako siya
Na mas pinili mong makasama sa iyong piling
Kahit alam mong naging ako ang lahat para ako ang iyong piliin
At kahit mas lalong alam ko na iba ang iyong mamahalin

Ganoon pala talaga, na kung sino pa ang nanatili sa iyong tabi
Ay masasawi sa bandang huli
Dahil sa dumating lang siya
At pinalasap sa iyo ang konting ligaya
Kahit alam mong ako ang unang naglapat ng ngiti
Sa mapupula mong labi
Ako ang unang gamot na naglunas
Sa puso mong nagkabutas

Pero sa huli,
Sana ako siya
At hindi mga bagay na panandalian mo lang ginagamit para ikaw ay sumaya
Dahil sa dulo ano ng silbi ni unan, panyo, musika, kumot, at manika
Kung nandyan siya para gampanan iyon lahat

Mga Katha Ng Isang Desperadong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon