Hawakan mo sana ang kamay ko
Sabay nating puntahan ang ating paraiso
Kung saan may ikaw at akoNaalala mo pa ba?
Nung una tayong magkita
Yung mga panahon na nagtama ang ating mga mata
Parehas tayong mga turistaIkaw na galing sa timog
Ako na galing sa hilaga
Hindi ko inaasahang pagtatagpuin tayo sa gitnaBaguhan palang ako nun sa paglalakbay
Ngunit ikaw ang nagsilbing gabay
Ikaw ang nagsilbing tour guide sa destinasyon
Sabay nating pinuntahan ang mga magagandang lokasyonHindi alintana ang ulan
Ang importante sayo ay makarating sa pupuntahan
Ngunit ang sa akin makasama ka ay sapat naHabang kinukuhanan mo ang magagandang tanawin
Kasama mo ring nakuha ang aking damdamin
Hindi ko na nga pansin ang ating pangunahing pakay
Basta ang importante hawak ko ang iyong kamayKamay na hinatak mo
Kamay na pumukaw sa aking puso
Wala na akong pake sa ganda ng paligid
Dahil sa aking mga mata ikaw ang namumukud tanging tanawinUmaga hanggang gabi
Sabay nating pagsasaluhan ang bawat pangyayari
Habang ang mga paa natin naglalakbay
Ang himig ng puso ko rin naman ay sumasabayNgunit lahat ng destinasyon may hangganan
Lahat ng paglalakbay may katapusan
Ngunit lahat ng tanong ko naiwan ng walang kasagutan
Ang tanging dahilan mo lamang hindi mo pa tapos ang iyong paglalakbayKasama ng paglisan mo
Ay dala-dala mo rin yung pag asang magiging tayo
Nakakatawa, meron nga bang tayo?Ikaw ang siyang humawak dito sa mga kamay
Ngunit ikaw rin pala ang siyang unang bibitaw
Ikaw ang nagpakilala ng ganda ng paglalakbay
Ngunit ikaw rin pala ang unang hihiwalayNgunit salamat
Kundi dahil sayo hindi ko malalaman ang saya ng pagiging turista
Turista na ikaw ang kasama
Turista na hindi lang basta naglalakbay
Ngunit turistang pinagbubuklod ng magkahawak na kamayKamay na binubuo ng mga alaala
Ng mga saya
Ng mga luha
Ngunit kahit ganoon may init pa ring nadaramaKaya sa huli
Kahit sandali
Hawakan mo ulit sana ang kamay ko
Sabay nating balikan ulit ang paraiso
Paraiso na sana may ikaw at ako
Sana
Sana
Sana
MaulitKahit alam ko na ang lahat ng mga ito
Magugunita na lamang sa isang litrato
Litratong kinuhanan ng dalawang turistang naglalakbay ang mga puso
BINABASA MO ANG
Mga Katha Ng Isang Desperadong Papel
PoésieThis is are my collections of my poems of different genres. This poems bring out my pain, hope, regrets, anxiety, depression, and love through a sheet of "desperate paper."