Alam kong nagulat ka sa pamagat
Dahil Hindi mo pa nga ako ganoong kilala
Saglit nga lang nagtama ang ating mga mataKaya bakit hindi tayo magsimula
Kaya hayaan mo ako muna magsalita
Hayaan mo munang ang mga tenga ang gumanaHindi ako gwapo
Hindi ako yung nakakapukaw sa mata ng mga tao
Hindi rin naman ako mukhang Koreano
Kaya bakit ako ang dapat piliin mo?Hindi ako mayaman
Hindi ko kadalasan mabibigay ang iyong mga kagustuhan
Hindi kita matitira sa isang magarbong tirahan
Maski masakay sa magagarang sasakyan
Kaya bakit ako ang dapat gawin mong kasintahan?Hindi ako ganoong matalino
Kadalasan nga palpak pa ang aking mga plano
At minsan hindi alam kung ano nga ba ang aking gusto
Hindi rin ako makagawa ng kongkretong desisyon
Kaya bakit mo pa ako bibigyan ng pagkakataon?Ngunit ang hindi gwapo, mayaman, at matalinong tulad ko
Ay may maipapangako
Na kahit kailan di mapapakoNa gagawin kang prinsesa sa munti nating palasyo
At kahit kailan di kita ikukumpara kahit kanino
Dahil gusto kong maramdaman mong ikaw lang ang babae sa mundo koLagi kitang pupuntahan
Susunduin sa iyong paaralan
Kahit abutin ng kapaguran
Ang importante ikaw ay masamahanLagi akong makikinig sa mga kwento mo
Kahit minsan paulit-ulit at wirdo na ang mga ito
Lagi kitang gagawan ng mga tula
Kakantahan kahit sintunado ang mga notaHindi ako matatakot makipagkilala sa mga magulang mo
Handa akong magsibak ng kahoy o mag-igib sa balon
Mabigyan lamang nila ng pagkakataonAraw-araw ipapakita sayo kung gaano ka kahalaga
Hindi magsasawang sabihin sayo na mahal kita
Dahil para sa akin ikaw lang ang aking sintaNakahanda na ang mahabang mensahe sa gabi't umaga
Hindi magsasawang tanungin kung kumain ka na ba?
Kung ika'y nagugutom
Wag mag alala ikaw ay ipaglulutoHandang maging kengkoy para sayo
Kahit minsan korni na ang mga biro ko
Ang gusto ko lamang malapatan ng ngiti ang mga labi moMagsisilbi akong balikat sayo
Kung gusto mo munang mamahinga sa ingay ng mundo
Handa ako maging lahat para sayo
Dito mo makikita ang lalakeng marunong makuntentoLahat ng bagay na ito gagawin ko
Makamtan ko lang ang matamis mong oo
Hindi man ako perpektong nobyo
Pero ikaw lang ang nag iisa sa puso ko
Kaya sana ako si Fidel at ikaw si Stella
Ako si Ibarra at ikaw ang aking Maria ClaraMagtatanong ulit ako
Pwede bang ako nalang ang manliligaw mo?
BINABASA MO ANG
Mga Katha Ng Isang Desperadong Papel
PoetryThis is are my collections of my poems of different genres. This poems bring out my pain, hope, regrets, anxiety, depression, and love through a sheet of "desperate paper."