Nagising ako sa aking kama
Naalimpungatan ang aking mapupusyaw na mga mata
Agad akong napatingin sa kalendaryo
Ngayon pala ang araw ng kamatayan ng aking lolo
Kaya dali-dali akong napatayo
Hinahanda ang aking sarili't puso
Puso na nanatili paring nangungulila sa kanyang pagyumaoBumaba ako sa hagdanan
Agad kong hinanap ang mga tao sa kabahayan
Nakita ko ang aking mga magulang
Kumakain sila sa hapag-kainanUmupo ako sa kanilang tabi
Ngunit wala akong narinig na pagbati
Tanging ingay lang ng kutsara't tinidor na nagbubungguan
Ang maririnig sa kapaligiran
Nakakasakal ang namumuong kalungkutan
Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin
Alam ko namang mahal na mahal nila ang aming amain
Nauna na lamang ako sa sasakyanNapansin ko na hindi rin ako nilapitan ng aming aso
Maski ba siya nalulungkot?
Siguro nga ganoon
Dahil si lolo na ang nag-alaga sa kanya simula noonPumasok na lamang ako sa kotse at umupo
Wala pang lumilipas na ilang mga minuto
Pumasok na ang aking mga magulang sa loob
Ngunit wala pa ring gustong magsalita
Tanging naririnig ko lang ang paghagulgol ng aking ina
Habang sinasabi ng aking ama na hindi niya kasalanan
Nagtaka ako sa aking narinig
Bakit ganoon ang kanyang tininig?Lumipas ang ilang yugto
Dumating na kami sa sementeryo
Kung saan nakalibing ang aking lolo
Habang naglalakad kami papunta sa aming sinadya
Nakarinig ako ng mga malalamyos na salita
Kasabay ng hangin na may kakaibang dala
Kakaibang lamig sa pakiramdam
Nagpanginig ito ng aking kalamlan
Sa paligid may kakaibang tinig
Agad kong inalam kung saan ito nanggagaling
Hanggang sa makarating ako kung ito'y nasaan
Hindi ko gusto ang aking pinagmamasdanIsang lalake na may kakaibang kaanyuan
Wala siyang mata
At puno ng dugo ang kanyang kasuotan
Naagnas na ang kanyang katawan
Kita mo na ang kanyang loob-looban
Agad itong gumapang sa aking direksyon sa kahindik-hindik na paraan
Gusto ko itong takasan
Ngunit hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan
Gusto kong sumigaw
Ngunit walang lumalabas na kahit anong alingawngawPalapit na siya
Tatlong metro
Dalawang pulgada
Isang centrimetroSobrang lapit ng kanyang mukha
Ramdam ko ang malamig niyang paghinga
"Iho, bakit ka pa nandito?"
Nagtaka ako sa kanyang isinalita
Dali-dali niya akong dinala sa magkatabing lapida
Nanlumo ako sa aking nakitaSa unang lapida - ang pangalan ng aking lolo
Sa pangalawaAy ang pangalan ko
Isa lang ang ibig sabihin nito
Matagal na akong dapat wala sa mundong ito
Kailangan ko na palang wag mabuhay sa ilusyon
Ilusyon na buhay pa ako
Kaya dali-dali akong tumayo
Hinahanda ang sarili't puso
Puso na kailan may hindi na titibokTeka, ang ulap ay unti-unti ng kumukulimlim
Dumating na ang aking takip silim
BINABASA MO ANG
Mga Katha Ng Isang Desperadong Papel
PoetryThis is are my collections of my poems of different genres. This poems bring out my pain, hope, regrets, anxiety, depression, and love through a sheet of "desperate paper."