May isang lalake ang nasa aking harapan
Lalakeng humulma at umukit sa aking katauhanKung tatanungin niyo ako kung gaano ko kamahal ang aking ama
Kulang ang isang tula
Para maibahagi sa inyo ang pagmamahal ko sa kanya
Hindi sapat ang anumang salita
Upang ang aking ituran ay sa inyo ay kumintal
Pero sige dahil nagtatanong kayo
Kailangan kong sumagotMasasabi kong simple lang ang aming buhay
Ngunit hindi mo mapapansin ang dumadalaw na lumbay
Sino nga ba ang may dahilan?
Kundi ang haligi ng aming tahananOo, minsan korni mga biro niyang binibitawan
Ngunit nagpapasalamat ako dahil ang lungkot ay napapalitan ng tawananNoong bata pa ako
Siya na ang aking superhero
Tagapagligtas sa lahat ng mga nanunuksoYung nakikita niyang pabagsak na ang aking luha
Nandyan siya para ito ay punasan
Sabay sabi ng "Anak, mahal kita"Hindi ko makakalimutan yung mga araw na ako ang iyong prinsesa
Sa binubuo mong kaharihan
Handa mong ialay kahit ang iyong buhay
Para ako maprotektahan
Handa mong lahat ay ibigay
Para ang aking pangangailangan ay matugunanIsang hinggi ko lang bibigay mo agad
Kahit nagagalit na si nanay
"Wag mong kunsintihin ang bata"
Sasagot ka naman
"Kahit ano ibibigay ko para sa aking prinsesa"Pero hindi ito nasusukat sa materyal na gusto
Kahit wala ang mga ito
Ramdam ko ang laman ng iyong puso
Puno ito ng pagmamahal para sa pamilyang itoPara sa akin ikaw ang tunay na lalakeng ihemplo
Ikaw yung amang tumayo sa aking modelo
Hindi kita ipagpapalit kahit kaninoSa isang panaginip ay nandoon ka
Nakangiti ka
Puno ng liwanag ang kapaligiran
Naguguluhan ako sa aking nakita
Lumapit ka at nagsalita"Anak, patawad
Kung marami pa akong mga bagay na hindi nagawad
Basta lagi mo lang tatandaan
Lagi ko kayong babantayan
Tsaka wag mong kakalimutan
Mahal na mahal kita aking munting prinsesa"Gusto pa sana kitang habulin
Ngunit bigla akong nagising
Ang panaginip ko ay hindi lang akala
Ginising ako ng katotohananAgad tumulo ang aking luha
Miss na miss na kita PapaAng iyong tawa
Yakap
Ngiti
Halik
Lalo na ang malalamig mong sambit
"Mahal ko kayo aking pamilya"
Ngunit ang masakit pinikit mo na ang iyong mata
BINABASA MO ANG
Mga Katha Ng Isang Desperadong Papel
PoetryThis is are my collections of my poems of different genres. This poems bring out my pain, hope, regrets, anxiety, depression, and love through a sheet of "desperate paper."