Maymay
Hanggang ngwyon curious parin ako kay Edward, kahit na alam ko kung san sya nanggaling, pero bakit ako ? Bakit kailangan ako pa ang tumulong sa kanya ,masaya na ako sa buhay ko tapos bigla syang dadating
"Di ko alam"ang tanging na isagot nya sa akin
"Sigurado ka? Hindi mo alam?" Ipilit mo May ... May mapipiga ka dyan
"Basta ang alam ko, kailangan kong makahanap nang babaeng papakasalan ko at sasama sa akin pabalik ng kaharian" ayun may naisagot
"Pero bakit sa akin ka biglang kang lu- " pinutol ko ang pagtanong ko, hindi nya pala alam na isa lang syang character sa isang wattpad story "lu-- mitaw sa harap ko ?"
"Hindi ko talaga alam, pero ikaw ata ang tutulong sa kin para mahanap yung papakasalan ko" ang sagot nya
"Eh? Hindi mo pa nga ako tinatanong kung ayos lang ba sakin eh?" Pagmamataray ko with matching taas kilay
Unti unti syang lumapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong braso, nang makalapit na sya, nilapit naman nya ang mukha nya sa mukha ko .... At hindi ko kinakaya ang mga pangyayari, magkadikit na ang mga dulo ng aming mga ilong, pango pa naman kaya sobrang lapit na talaga ... Halos amoy ko na ang hininga nya na sobrang bango, amoy lavender, kumakain ata sya nun eh?
"Bakit makakatangi kaba " at bigla inalis ang mukha nya sa harap ng mukha ko, alam nyo yung feeling na nasa harap ka nang maganda tanawin na sobrang ganda, sa sobrang ganda ayaw mo nang umalis sa magkakatitig sa magandang tanawin ... Ganun!
Pero mataray tayo nung una, kailangan nating panindigan yun..
"... O-o-Oo" ganyan May, wag kang padala sa mabango nya bibig at mala Enrique Gil nyang look na pumapatay sa pagkababae mo
Napatingin sya sakin at naglakad ulit palapit sa akin pero pinigilan ko sa sya gamit ang kamay ko na nakahawak sa dibdib nya
"Ano nanamang gagawin mo ?"
"Wala kukuha nang tubig, bakit ka nakahawak sa dibdib ko?" Si Edward
"K-k-Kasi ako na kukuha nang tubig para sayo, umupo ka na dyan at baka mapagod kapa mahal na prinsipe" dahilan ko para lang makaiwas sa awkward na paghawak ko sa kanya ...
Kaya kumuha na ako ng isang basong tubig at inabot ko san kanya pero nung kukunin na nya ang tubig nahawakan nya ang kamay ko, at napatingin sya sakin at biglang tinignan nya ang kamay nya ... Ang weird nito?
"Naramdaman mo yun?" Si Edward na parang confuse
"Ang alin?" Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko pero wala naman "Wala naman bakit?"
"Parang may kuryenteng dumaloy nung nahawakan ko kamay mo"
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Edward
"Ang pogi nya ate May no! Kanino side sya sa mama mo o sa papa mo ?"
May narinig ako boses nang babae na malapit sa akin suguro ayun yung kamukha nung katulong namin sa kaharian, kaya umupo muna na ako habang nakapikit, dinilat ako ang mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni Maymay at yung babaeng kamukha ng katulong namin
"Good morning Edward" bati sakin ni ... Sino nga sya ulit
"Good morning" balik na bati ko
"Bumili na ako ng toothbrush natin, kaya magsipilyo kana, naghanda na si tita ng almusa " sabay bato sakin ng toothbrush .. Anong problema nito, hindi naman sya ganyan kagabi
"At Edward ito pala oh, lumang damit ni daddy hiramin mo muna ,ako kasi naiinitan sa suot mo" sabi naman ni Kisses, ngayon alam ko na pangalan mo
"Salamat" sagot ko
"Taga saan kaba? Cagayan ? Dun kasi dati nakatira si ate may dati" tanong ni Kisses, ang daldal naman nito hindi tuloy ako makakain
"Ahh Sa--" biglang tumakbo sakin si Maymay at tinakpan ang bigbig ko ang problema nito?
"Ahh Oo dun sya yung tatay nya yung tito" sagot ni Maymay sa tanong n8 Kisses, kayo napatango nalang ako habang hawak ang bibig ko, tinanggal naman agad pagka tango ko..
Nung patayo na ako para magtootbrush
"Eh bakit ganyan--" tinakpan naman ni maymay ang bibig ni Kisses .. hay salamat May"Kailangan na nyang kumain para makahanap na kami ng titirahan, kasi nakakahiya naman kina tito at tita, kaya hayaan magtootbrush at kumain para maka alis na kami ah .. okey lang" hayy .. salamat may !! Your my life saver
Kaya tumayo na ako at tumungo sa banyo para. Pagkatapos kong magsipilyo, pumunta na ako ng kusina para mag agahan dahil kagaya nga ng sinabi ni Maymay, kailangan naming maghanap ng matitirahan dahil nakakahiya naman kung makikitira kami dito sa bahay nila Kisses at feeling ko kasi naiilang ako kay Kisses na laging nakatingin sa akin hanggang ngayon nga na kumakain ako nakatitig parin sya na feeling ko matutunay ako anytime...
"May? san ka nakakuha ng pera para makakuha ng bahay na titirhan natin" tanong ko kay Maymay nasa likod ko kasi sya habang kumukuha ng tubig
"May ipon naman ako at minsan kasi nagpapadala ang nanay ko sakin, kaya 'wag ka nang mag alala.. Nakakahiya naman sayo.." sabi ni nya ay biglang taray.. maldita talaga to
Pagkatapos ko mag almusal, pumunta na ako sa CR para maligo, kumuha na ako ng tuwalya at tumungo na sa CR..
Pagkatapos kong maligo, nagpunas na ako pero may napansin akong kulang.. hindi ko nadala yung susuotin ko naalala ko naiwan ko yun sa sala nila Kisses kaya tumungo ako duon para kunin.. ng walang pang itaas
Masasabi kong maganda ang hubog ng aking katawan, hindi mataba at hindi mapayat, wala abs pero hindi rin malaki ang tiyan.. tama lang
Kaya naglakad ako patungo sa sala, pero ng papasok na ako nakasalubong ko si Maymay na hawak ang susuotin ko na parang gulat na gulat..
"May damit ko bayan ?" Tanong ko sa kanya
"Ahh - Eh - Ah o-Oo" at sabay abot nya sa akin ng damit ko na susuotin
"Salamat, nakalimutan ko kasi.." at nginitian ko nalang sya at tumungo ulit sa CR para magpalit..
Bakit ganun yung reaksyon nya? Parang gulat na gulat? Ngayon lang ba sya nakakita ng katawan ng lalaki?
AN:
Maraming Salamat Po..And SURPRISE 😍😘
BINABASA MO ANG
My WATTPAD Prince..
FanfictionThe Story is all about a Prince from a Wattpad story named Edward,he wants a simple life and to love a simple girl . Dahil sa katayuan nya bilang Prince sya ay maikakasal sa babaeng di nya pa lubusang kilala... Kaya humingi sya ng tulong sa isang Fa...