Part 16: The Precious Hug

184 16 2
                                    

SI AUTHOR-NIM

Isang yakap na napakahigpit ang binigay ni Maymay kay Prince Edward. Sa sobrang tuwa ng dalawa ito agad ang nais nyang gawin nung nakita nya ang Prinsipe.

Yakap ito ng papasalamat dahil ginawa ng Prinsipe sa kanya, binigyan ng Prinsipe si Maymay ng pag asa sa buhay at ipagpatuloy ang pangarap nya

Kung iisipin nyong mababaw ito, pero para kay Maymay isa ito sa pangarap nya, ang magkaroon ng magandang bahay.

"Thank you Edward, hindi mo alam kung gano ako kasaya ngayon" habang nakayakap si Maymay sa Prinsipe, patuloy ang pagpatak ng luha nito dahil sa galak

Naramdaman naman ng Prinsipe ang pagiging emosyonal ng dalaga kaya sinimulan narin ng Prinsipeng yakapin ang dalaga

Sa yakap na binigay ng Prinsipe, nakaramdam si May ng bugso ng damdamin na ngayon nya lang naramdaman, hindi naman sa wala pa syang nayayakap na iba pero iba ang naibibigay na comfort ng yakap na iyon kay May, o sadyang emosyonal lang talaga sya

Bumitaw na sa pagkaakap si May at bumitaw narin ang Prinsipe.

"Thank you sa comfort ah, sobrang saya ko lang talaga kasi. Alam yung pangarap ko lang dati magkantong bahay tapos kasama ko yung pamilya ko si Lola, si Kuya, si Mama. Ito yung pangarap kong bahay simula nung bata pa ako kaya nung nakita ako hindi talaga ako makapaniwala na dito tayo titira - - - - "

Hindi na naiintindihan ng Prinsipe ang sinasabi ng dalaga, dahil nakatuon ang ang atensyon nya sa mukha nito.

Naiisip ng Prinsipe na sa simple bahay na 'to, wala itong binatbat sa palasyong tinitirhan nila sa Serine. Pero kay May, ibang ang saya nya nung nakita nya ang muntung bahay na ito hindi maiikumpara sa saya sa palasyo. Ito ang pinangarap nya tahanan para sa Pamilya nya kahit kaya nya pang mangarap ng mas malaki at mas garbo pa dito. Pero isa lang syang simple dalaga na may simpleng parangap

"Edward?" tanong ni May, napansin na kasi nang dalaga ang pagtitig ng binata sa kanya. Sinubukan nyang kumaway sa harap ng mukha ng binata pero nakatitig pa rin ito sa kanya kaya hinampas na lang ni May ang braso ni para bumalik na ito sa katinuan

"Aray!!.. Bakit mo ginawa yun?" inis na sabi ni Edward habang hinihimas ang brasong hinapas ni May

"Kanina ka patulala dyan eh. Nagdadrugs kaba? sabihin mo lang ipapatukhang na kita" sabi naman ni May

"Anong Drugs? hindi ko alam kung ano yun tapos pagbibintangan mo akong gumagamit nun? at tsaka anong nakakatitig? Hindi ah" pag dideny ni Edward

"Sus, 'wag ako. Sabihin mo lang kung type mo ko para hindi na tayo mapagod kakahanap sa Prinsesang sinasabi mo" pagbibiro ni May. Pero nagulat si May sa sunod na ginawa ni Edward

Unti unting lumalapit si Edward kay may hangang mapasandal na si May sa pader

"Eh pano kung sabihin kong type kita sasama kaba?" seryosong tanong ni Edward kay Maymay.

Kitang kita sa mapulang pisngi ni Maymay ang kaba nito, halos kumawala na ang puso nya sa dibdib nya sa sobra kaba dahil sa posisyon nila ngayon ni Edward

Nakasandal ang dalawa ni Edward sa magkabilang gilid ni Maymay, habang ilang metro lang ang pagitan ng kanilang mga mukha

"Ahh.. Dip-" lumayo si Edward at nag simulang tumawa ng malakas. Gulat ang tanging reaksyon ni Maymay, muntikan na syang sumakay sa birong iyon

"Asa ka naman, gusto ko maganda ang Prinsesang ihaharap ko sa mga magulang ko, at may laban sa una kong prinsesa" sabi ni Edward habang papalayo kay Maymay

Hindi maintindihan ni Maymay ang nararamdaman nya matapos ang pangyayari, hindi matapos ang malakas na kabog ng puso nya. Sa sobrang kabog ng dibdib nito, napaupo ito mula sa kinatatayuan nya  pagkaalis ni Edward.

"Maymay, ano bang yun? Feeling mo magkakagusto sya sayo? Hayyss!!" sabi nito sa sarili nya

Pero sa kabilang banda, pagkababa ni Edward sa pangalawang palapag at lumakad patungong kusina para kumuha ng maiinom

"Hmm, may balak syang sumama sakin? Tsk tsk tsk" munting ngiti ang lumabas sa labi ni Prinsipe matapos alalahanin ang pangyayari

Pero makalipas ang ilang minuto, bumaba na si Maymay mula sa taas, pero ang mapang asar na Edward ay inatake nanaman si Maymay.

"So, gusto mo palang ikaw nalang hindi mo sinasabi" pang aasar ni Edward kay Maymay

"Manahimik ka! hindi ka nakakatuwa" pagtataray naman ni Maymay habang papunta sa harap ng lababo at nakatalikod kay Edward

"Pwede naman kita i consider as my Princess if you want" sabi naman ni Edward, habang paharap kay Maymay at dahan dahan na lumalapit

"Thanks but no thanks, masaya na ako sa buhay ko" sabi naman ni Maymay

Subalit, pagharap nito bumunyag ang mukha ng Prinsipe na ilang metro lang ang layo nito sa kanyang mukha.

Sinubukan lumayo ni Maymay sa kanyang kinatatayuan pero isang madulas na bagay ang naapakan ni Maymay at ayun ang dahilan ng pagkadulas ng dalaga

Pero nahawakan ng binata ang bewang ng dalaga para mapigilan ang pagkadulas ng dalaga

"Sigurado kaba?" ang sabi ni ng Prinsipe

Nagkatitigan ang dalawa na parang may nakikita sa bawat isa, hindi matanggal ang tingin nila sa isa't isa na parang binabasa nila ang isip ng isa't isa

Palapit ng palapit ang mukha ng Prinsipe sa Dalaga at dahan dahang pumipikit ang kanilang mga mata na para bang sila'y magpapalitan ng halik

Pero, matauhan ang dalaga sa nangyayari at dali dalin nito itinulak ang Prinsipe palayo sa kanya, at bigla tayo naman nya

"Ahh.. B-babalik papala tayo sa bahay nila Kisses para kunin  ang mga gamit natin" sabi ni May habang palayo sa kinatatayuan ng Prinsipe

"Ah, Oo nga pala" at bumalik na rin sa katinuan ang Prinsipe

Napag isip isip nya, bakit nya hahalikan si Maymay?

Ano bang pumasok sa isip nya para gawin ang bagay na yun?

▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️

Short update👍❤️


My WATTPAD Prince..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon