Part 24: Revelation 1.0
Kristine
“Ang tagal naman nila Ate May?” sabi ni Kisses. Si Ate May ba talaga o si Edward?
“Baka kinakausap pa ni Ms. Marielle, huwag ka ngang ata” sagot ko naman. Minsan kasi nakakairita narin sya kahit na kaibigan ko sya, kanina nga lang kung makalingkis sya kay Edward kala mo isa sya sa mga ngayon lang nakakita ng lalaking gwapo
“Nandyan naman si Marco ah? Bakit si Edward pa hinahanap mo?” tanong naman ni Vivoree. Tama nga naman, may Marco kana, nageEdward ka pa..
“Tapos na kasi yung klase natin at wala parin sila, tsaka hindi naman si Edward ang hinahanap ko ah , Ate May nga yung sabi ko diba?” pagtataray nito
“Hindi ka naman ganyan dati ah? Pagwala nga si Ate May parang walang lang sayo pero nung nandyan na si Edward talo mo pa nanay nya eh …. Nanay kaba ?” pang-aasar ni Christian
“Hanapin na kaya natin sila? Mamaya may nangyari na dun?” sabi ni Kisses. OA nito.. Tsk!
“Ako na ang hahanap, dadaan di pala ako sa bilihan ng libro para sa Math” sabi ko
“Samahan na kita!” sabi ni Kisses. Daig pa ne’to GF ni Edward, hindi ba sya nakakahalata na naiirita na sa kanya yung tao
“Huwag na, ayoko ng maarte” sabi ko at umalis na para pumunta muna ng Registrar
Nang makarating ako sa registrar, nakita ko si Andrea na naglalakad na mapula ang mukha , parang takot na takot kaya nilapitan ko muna sya
“Andrea, okey ka lang?” tanong ko sa kanya
“Tanong mo dun sa kaibigan mong panget!” galit nitong sagot sa akin. Hindi ko namang sinasabing panget si Ate May, kasi si Ate May lang naman ang tinatawag nyang panget sa amin
“Si Ate May? Nakita mo ba sya?” tanong ko sa kanya
“Tignan mo dun, doon nya hinila yung pinsan nya” sabi nito at umalis
Kaya pagkaalis ni Andrea ay agad akong naglakad sa tinuro nyang pinuntahan daw ni Ate May at Edward at yun ay sa plaza. Naglalakad ako papuntang plaza nang matanaw ko sila na nag uusap sa ilalim ng punong lagi pinagtatambayan ni Ate May. Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila dahil malayo ang kinatatayuan ko mula sa puno. Pagkatapos magsalita ni Edward ay napatungo si Ate May at kinagulat ko nang isandal ni ate may ang noo nya sa dibdib ni Edward, habang si Edward naman hinahaplos ang likod nito habang hawak ang isang braso ni Ate May..
Alam kong magpinsan sila pero sa tuwing nakikita ko silang magkasama iba ang nakikita ko, hindi ko naman sinasabing hindi sila bagay na magpinsan, sadyang iba lang ang titigan nila sa isa’t isa kaya lagi ko silang tinutukso sa isa’t isa..
Nung unang beses kong nakita si Edward ay alam kong hindi sila makamag anak,pero nung sabihin ni Ate May na pinsan nya ito , may nagsasabi sakin na wag akong maniwala pero hindi ko alam kung bakit..
Kanina , hindi kami napansin ni Edward eh halos wala pang isang dipa ang layo namin kay Ate May, kay Ate May lang kasi nakatuon ang tingin nya at napapansin ko iba ang ngiti nya pag si Ate May ang nakikita nya.
Hindi ko sya lubos na kilala pero base sa mga galaw nilang dalawa, may hindi sila sinasabi samin about sa kanilang dalawa… I need to know that ..
Ilang Segundo ang tinagal ng posisyon nila nang biglang tumalon si Ate May para abutin ang batok ni Edward para sa tunay na yakap, gulat ang expression sa mukha ni Edward at ganun din ako. Kilala ko si Ate May, ayaw nyang niyayakap sya at hinahalikan pero sa nakikita ko ngayon nagustohan nya ang comport na binibigay ni Edward sa kanya, siguro sandyang ganun lang talaga sila kaclose sa isa’t sa . Nang mawala ang gulat sa mukhani Edward, gininapang nito ang kamay nya sa bewang ni Ate May at mas nilapit panito ang katawan ni Ate May sa kanya. Sobrang close naman nitong magpinsang ito….
Ilang Segundo lang ang nakalipas inilagay naman ulit ni Ate May ang noo nya sa dibdib ni Edward at tiningala si Edward. Kita ko sa mata ni Edward ang pagkamangha sa nakikita nya, hindi ko alam kung bakit pero hindi magpinsan ang nakikita ko sa kanila, hindi ako ganyan tignan ng pinsan kong lalaki at ang ganyang mga titig ay nakikita kong romance movie….
Are you lying to us Ate May? Who are you Edward? Anong relasyong dalawa?
Pagkabalik ko sa ulirat, nakitakong lumalapit ang mukha ni Edward sa mukha ni Ate May akmang hahalikan nya si Ate May, ay mali …….
HINAHALIKAN NA NI EDWARD SI ATE MAY….. HINAHALIKAN NYA NA SA SA LABI ANG PINSAN NYA…
WWWWWWWWWWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH
Ang maskinagulat ko pa…………………….
GINANTIHAN NI ATE MAY ANG HALIK NI EDWARD O.O
WWWWWWWWWWWWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH
Nagugulat ako sa nakikita ko, hindi ko alam kung alalis ba ako o patitgilin sila sa ginagawa nila, hinid ko alam, pero naisip kong dapat kong malaman kun anong meron sila… kailangan kong malaman
“Ate May? Edward?” sabi ko na tama lang para marinig nila at lumingon sila sa kinatatayuan ko
At kita ko sa mukha nila ang pagkagulat nang makita nila akong nakatayo sa kinatatayuan ko
“Kristine?” tawag ni Ate May, agad nitong tinignan si Edward at tumingin ulit sa akin, pagkabalik ng tingin sa akin tumakbo ito palapit sa akin at hinatak ako palapit sa kinatatayuan nila kanina
Gusto ko na silang tanungin ng tanungin pero walang lumalabas sa bibig ko dahil parin sa gulat ko kanina, hinid parin nagpafuntion ang utak ko sa nangyayari
Maymay
“Pinsan mo ba talaga sya Ate May?” tanong ni Kristine
Napatingin ako kay Edward dahil humihingi ako nang tulong sa kanya, dahil nahihirapan akong saguting ang tanong nya…
“Hindi kami magpinsan, we are not related neither” simpleng sagot ni Edward
“Eh mag ano kayo? Anong relasyon nyo?” tanong ni Kristine kay Edward
“We’re ….. Friends ….. I-I mean Best Friend” sagot nya naman
Hindi ako makapagsalita sa nangyayari, hindi ako makasagot sa mga tanong ni Kristine kaya hinayaan ko nalang si Edward na magexplain, hindi ko alam ang gagawin dahil sa ginawa namin ni Edward kanina hindi ko inaasahang gaganti ako sa halik nay un… Masyado kang MARUPOK MERIDEL T.T
“Best Friend na nagkikiss?” takang tanong ni Kristine
“Mahabang kwento Kristine, pero sasabihin ko sayo, bumalik muna tayo sa klase” ang dinahilan ko para matigil na ang pagtatanong ni Kristine sa amin kaya hinila ko na si Kristine palayo kay Edward
“Kristine, sabay na tayong umakyat sa klase natin, may sasabihin lang ako kay Edward” tumango naman si Kristine kaya lumapit na ako kay Edward na halata ang pagkalungkot
“Umuwi ka na muna, ako nang bahala sa mga gamit na kailangan mo” sabi ko
“Hihintayin na kita dit-“
“Edward, please …. Umuwi ka na muna magpahinga ka na, mamaya na lang tayo mag usap , ako nang bahala kay Kristine” sabi ko
“Sige, hintayin kita sa bahay” at umalis na si Edward, nang lingunin ko si Kristine ay halatang galit ito, ‘di ko alam kung bakit sya galit pero siguro dahil sa pagsisinungaling ko tungkol sa pagiging magpinsan kuno naming ni Edawrd, kaya hinayaan ko nalang sya
“Magpaliwanag ka nang maayos Ate May, kung ayaw mong sabiohin ko pa sa ibang kaibigan natin ang pag sisinungaling mo” at bigla itong umalis
❤️💕❤️💕❤️💕❤️💕❤️💕❤️💕❤️💕
A/N
Not edited....
Edward - 5'11"
Maymay - 5'7"
BINABASA MO ANG
My WATTPAD Prince..
FanfictionThe Story is all about a Prince from a Wattpad story named Edward,he wants a simple life and to love a simple girl . Dahil sa katayuan nya bilang Prince sya ay maikakasal sa babaeng di nya pa lubusang kilala... Kaya humingi sya ng tulong sa isang Fa...