Part 21: Back to School 1.0

161 13 4
                                    

Edward


8:34 AM

Nagising ako na nakahiga sa sofa namin sa sala, at hindi ko alam kung bakit? Pero isa lang alam ko, mat kausap kanina si Maymay na babae na parang si Fairy Tony. Bakit naman kakausapin ni Fairy Tony? Eh hindi nga yun kilala ni Maymay? Pero hindi ko nalang pinansin yun .

Ang aalalahanin ko nalang ngayon kung anong ginawa ko bakit ako nalipat ako dito sa baba. Nagsleep walk nanaman ba ako? Kung nagsleep walk ako, Patay tayo jan.

Dahil everytime na nagiisleep walk ako, may ginagawa ako di ko alam at hindi inaasahan, kagaya nung nasa palasyo pa ako

Flashback

Pagkagising ko sa nung umaga, nagising ako sa ibang kwarto at hindi ako pamilyar dito, pero ang kinagulat ko ay may babaeng nasa tabi ko at nakatitig sa akin na parang pinagnanasaan ako. Kaya napabalikwas ako ng upo at tinakpan ng kumot ang katawan ko.

“Anong ginagawa ko dito, tsaka sino ka?” tanong ko sa babaeng nakaupo sa harapan

Kaya yumuko ito para magbigay galang sa akin at sumagot

“Magandang Umaga po kamahalan. Ako nga pop ala si Kisses, ang bagong katulong dito sa kaharian nyo kamahalan”sagot ni habang nakayuko parin

“Bakit ako nandito? Saan ba’to?” pagtatakang tanong ko, mukha kasing madumi ang silid na ito para maging aking silid at silid sa palasyo .

“Silid po to ng mga katulong kamahalan” sagot nito

“Bakit ako nandito?” tanong ko ulit

“K-Kasi po ………” utal na sabi nito

“Kasi po Ano?” inis na tanong ko ulit.. Paulit ulit na !!

“P-Pinuntahan nyo po ako sa kusina a-at b-b-bigla nyo po a-a-akong ……. Inakap” sagot nito. Kita ko ang pula ng kanyang mukha, pero hindi ko alam kung nahihiya o kinikilig kasi nakangiti sya..

Kumaripas ako ng tayo sa harapan nya at yumuko para humingio ng dispensa

“Patawad kung nagawa ko yun, pero wag mo sanang bigyan ng kahulugan ng ginawa kong iyun, dahil yun ay sakit ko na.. patawad ulit” at lumabas na ako ng silid
Pero nakita ko ang pagkadismeya ng katulong na iyun, umaasa ba sya na magugustuhan ko sya?

End of flashback

“Kaya siguro namukaan ko si Kisses, sya pala yung katulong nay un”sabi ko sa sarili ko habang hawak ko ang buhok

“Sana nanaman hindi ko  ginawa yun kay Maymay, nakakahiya” sbi ko ulit sa sarili ko. Biglang sumulpot si Fairy Tony sa tabi ko na nakaupo rin

“Gusto mo sabihin ko yung ginawa mo?” tanong ni fairy tony

“Wag na, siguro naman alam ni Maymay na nagsleep walk ako kung ginawa ko man sa kanya yung ginagawa kay Kisses na katulong naming sa kaharian” sagot ko

“okey”ang tanging sagot nito
Pero bigla kong naalala  na nakita ko syang kausap si Maymay

“Tanong ko lang Fairy Tony? Nag uusap ba kayo ni Maymay?” tanong ko sa kanya. Pero kita ko sa mukha nya ang gulat sa tanong ko

“Ha? Pano naman kami mag uusap eh ikaw lang naman ang nakakakita sakin? Bakit mo  natanong?” balik na tanong ni Fairy Tony

“Parang ikaw kasi yung kausap nya kaninang umaga , kamukha mo” sabi ko habang tinignan ko sya sa mukha

“Baka nananaginip kalang kanina, kayong dalawa lang naman dito diba? Paanong may kausap si Maymay” sagot naman ni Fairy Tony

“Anyways, May kailangan ako Fairy Tony” pag iba ko ng usapan naming

“Ano naman yun?” tanong nya

“Kailangan ko ng mga papelas na kaylangan para makapasok sa school nila Maymay” diretsahang sagot ko

“Ha? Bakit mag aaral ka duon?” tanong nya ulit

“Oo, sabi kasi ni Maymay kailangan ko daw yun para hindi naman daw ako mag isa dito sa bahay at…”

“At?” sabi ni Fairy Tony

“Para lagi ko syang kasama”  

“Ayun ….. Guto mon a noh?” tanong ni Fairy Tony. At kinagulat ko naman yung tanong nay un

“Ha? … Anong tanong yun” sagot ko na may halong ngiti sa labi ko. Di ko alam kung bakit pero parang ang sarap pakinggan ng tanong na yun

“Ang simple ng tanong ko Edward, do you like her?” tanong ulit ni Fairy Tony

“I don’t know, but …. She make me happy every time I’m with her” sagot ko habang nakayuko..

Hindi ko pa alam sa ngayon dahil nagsisimula palang ang friendship namin but those days we spent with each other feel like we’ve been friends more than a year, like we’re sharing our back stories, talking about my heartbreaks and consoling me when I’m down.. at feeling ko kaylangan ko sya pero hindi ko alam kung sa paanong paraan at dahilan..

Kaya for now, ‘I don’t know’ pa ang sagot ko sa tanong nayan at ayokong masira ang friendship namin dahil sa feeling na nararamdaman ko ngayon, and kailangan pa naming hanapin ang prinsesang tutulong sa akin na masave ang kaharian naming…

Sana makita na kita bago mahuli pa ang lahat …  bago pa ako makagawa ng maling desisyon…

“ Sabi mo eh. Sige ibibigay ko na yung hinihingi mo” kaya pagkasabi ni Fairy tony, nagsimula na syang gumamit ng magic at lumitaw ang mga papel na kailangan ko sa pag aaral

“Salamat Fairy Tony” pasasalamat ko sa kanya at hawak ko na ang mga kailangan ko para makapasok sa school nila Maymay

“Pero Edward, bago ako umalis magiiwan lang ako ng paalala” sabi ni Fairy Tony

“Hindi lahat ng kailangan mo ay mahahanap mo sa malayo o kung saan saan pa, minsan nasa malapit lang sila hindi lang natin binibigyang pansin kasi iba ang tingin natin sa kanila. Wag lang mata ang panghanap mo sa magiging prinsesa mo, gamitin mo rin ang puso mo, kasi ang puso mo ang mag tuturo sa kung nasaan sya at kung sya na ba ang tamang tao na hinahanap mo” at biglang naglaho si Fairy Tony pagkatapos nyang sabihin ang paalalang yun..

Anong ibig sabihin nya dun? Medyo malabo ang paalala yung, pero medyo naintindihan ko.

Nasa malapit lang ang hinahanap ko? Si Maymay?

Imposible, dahil sya ang nataasang tumulong sa akin na maghanap ng prinsesa ko kaya imposible sya ang sinasabi ni Fairy Tony. At hindi mangyayari yun, base sa pagkakakilala ko kay Maymay hindi pa buo ang tiwala nya sa akin at imposibleng sumama sya sa akin dahil wala naman syang nararamdaman sa akin….


Kaya SOBRANG IMPOSIBLE…  

▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️

A/n:

Habang sinisipag pa akong gumagawa ng gumawa ng parts..

And Please tell me if masyadong mabilis ang takbo ng kwento or mabagal (pero alam ko mabagal ako mag update)

And guys guess what... almost 2 years na itong story na ito.. and hindi ko pa sya matapos tapos..

Ayoko na nang magpromise na palagi na akong mag aupdate but i will try my best na tapusin 'tong MWP..

Thank you for your support ❤️

My WATTPAD Prince..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon