Part 4: Meet the FAIRYGOD MOTHER

643 42 2
                                    

Maymay

Pagkatapos ng araw na ito sa school ay umuwi na ako kasama si Kristine, Vivoree at Kisses. Naunang makauwi si Kristine dahil malapit lang ang bahay nila mula sa school at gayun din si Vivoree at kami naman ni Kisses ay magkalit ng bahay..

"Alam mo Ate May, tigil-tigilan mo na kaya ang pagbabasa ng WAttpad na yan, nagkakandalate ka na dahil dyan eh! " sabi ni Kisses

*Si Kisses nga pala ang pinaka close ko sa apat dahil yun nga magkalapit kami ng bahay at sya yung kaibigan na madali mo malapitan, hindi ko naman sinasabi na hndi madaling lapitan sina Kristine at Vivoree pero si Kisses talaga ang lagi kong nilalapitan ..

*Ate may ang tawag nya sa akin dahil mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya ..

"Ano kaba Kisses, hayaan mo na ako sa hobby ko, yun na nga lang nagpapakilig sa'kin eh pipigilan mo pa 'ko.." sagot ko

"Hindi naman sa pinipigilan kita, pero kaylangan bawas-bawasan mo na, ang lakas makaapekto nyan sa grades mo kung lagi kang late.." sabi nya

"Hmm.. palibhasa kasi lagi kang inspired, dahil dyan sa Italianong yun!!" pang-aasar ko sa kanya

"Atleast ako ginagawa ko syang inspiration hindi distraction" galit na sabi nya

"Hala! Galit ka na nya? Chill lang" sabi ko naman

Habang nag-uusap nang nag-uusap pa kami, hindi na namalayan ni Kisses na malapit na pala ang bahay nila nagpaalam na ito sa akin..

"Ate May, basta agahan mong pumasok bukas ah! kung hindi , hindi kita ipagsisave ng upuan!" banta nya

"Oh sige na po! Bye Kisses Love You! Mwuah!" Paalam ko

"Bye Ate May! Love You too bukas ah!" kumakaway habang naglalakad palayo..

Kaya ngayon ako nalang mag-isa, karaniwang 1:00 PM ang uwian namin kaya minsan nakakrating ako sa boarding house 2:15 na, kadadaldal namin..

Pero ngayon maaga nadismiss ang klase kaya 1:30 palang makakarating na ako sa bahay... Habang naglalakad ako, nakita ko ulit yung pulubi na nang hingi sa akin ng pagkain kaya nilapitan ko ito ... Nakatayo ito at nasa tapat ng boarding house namin..

"Ale! Ale!" Sigaw ko para tawagin yung pulubi

Lumingon nyung pulubi at tumakbo papunta sa akin..

"Tawag mo 'ko?" tnong ng pulubi

"Ah! Oo, tanong ko lang sana kung ikaw ba yung binigyan ko ng pagkain kanina?" tanong ko sa babae

"Oo!" sagot nya

"Ah! Sabi kasi nang guard hindi ka daw nya nakita kanina! at panong bigla kang nawala!" tanong ko..

"baka hindi ka maniwala sa sasabihin ko " nakangiting sabi nya

"Ha? Bakit hindi naman ako maniniwala?" tanong ko

"isa akong FAIRYGOD MOTHER" pabulong na sabi nya

Napatawa nalang ako ng malakas sa sinabi nya... pero ang ikinagulat ay yung binatukan ako dahil sa tinawan ko sya..

"Aray! Grabe bai! Bkit mo ginawa yun?" galit na tanong ko

"Akala ko ba maniniwala ka ? Tapos ngayon tatawa-tawa ka jan " sabi nya

"Pano ako maniniwala dun, FAIRYGOD MOTHER TOTOO BAYUN ?" sabi ko

"Ako totoo, at alam ko ngang mahilig ka magbasa ng Wattpad eh!!" Sabi ng pulubi

"Alam naman ata ng lahat yun!, atsaka kaylangan ko nang umalis, may gagawin pa 'ko" nagmamadaling sabi ..

Kaya nilayasan ko na ang pulubi habang kwento ng kwento.. Pero bila nalang itong nagbanta ng pasigaw..

"Tandaan mo kakailanganin mo rin ako!" pasigaw na sabi ng pulubi


A/N: Hi Guys! Thank You sa 30+ views Grabe Bai! Pero sana nagustuhan nyo po ang part na ito pero kay Maymay lang po itong part na'to..

Thank You Guy ! Love You all ♥

VOTE,COMMENT & SHARE

#MAYWARDisREAL




My WATTPAD Prince..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon