Part 15: Home Sweet Home 2.0

165 14 2
                                    

Prince Edward

Pagkatapos namin kumain, ipinagpatuloy namin ang paghahanap sa tirirahan namin ni May.

a/n:, To inform you guys about sa pagkain, naubos po nila sa sobrang gutom narin nila..

Makalaipas ng ilang oras wala parin kaming nakikitang matitrahan, kasi akala ng iba wala kaming perang pambayad sa kanila.

Pero habang naglalakad laka kami sa isang subdivision, napansin ko ang mukhang ni May, mukhang pagod na pagod na sya sa paghahanap ng matitirahan namin.

"May? Anong oras na?" tanong ko sa kanya

"Ha? 4:36, bakit?" tanong sabang patuloy parin sa paglalakad

"Sa tingin ko bukas nalang natin ituloy 'tong paghahanap, mukhang pagod ka na." concern na sabi ko. Kasi kita naman sa mukha nya na pagod na sya

"Okey lang ako, kailangan na natin kasi makahanap ngayon kasi nakakahiya na kila Kisses, pinatuloy na tayo ng isang gabi, eh ni hindi ka nga nya kilala" sabi ni May

"Alam ko naman yun, pero kailangan parin naman natin bumalik sa bahay nila kasi kukunin natin yung mga gamit natin" sabi ko, alangan namna iwan namin yun

"Ayy... oo nga pala. Sorry, medyo nahihi- -" naputol ang sasabihin nya nang mawalan sya ng malay.

"May! Gumising ka may" patuloy ko syang tinatapik sa pisngi para gisingin pero mukha talagang hinimatay sya

Pero may biglang lumapit sa aming babae na mukhang pamilyar sa akin

Fairy Tony??

"Buhatin mo sya papunta doon sa bahay na yun.. Bilis!! " sabi nya, kaya binuhat ko agad sya na papunta sa bahay na tinuturo nya

Pagkarating namin sa tapat ng bahay na sinasabi ni Fairy Tony, huminto ako para buksan ang pinto, at laking gulat ko ng walang nakatira sa bahay na ito pero may roon na ito kumpletong gamit at meron pa itong pangalawang palapag pero inasikaso ko muna si May, kumuha ako ng maiinom sa refrigerator para ipainum  kay Maymay pagkagising nya..

"Buti sakto ang pagdating sa pagbagsak ni May" sabi ni Fairy Tony habang papalapit sa akin

"Salamat Fairy Tony, hindi ko alam ang gagawin kung hindi ka dumating. Pero kanino ba 'tong bahay na' to?" ang tanong ko sa kanya

Diba nakakapagtaka? Bakit nya ako pinapasok dito sa bahay na hindi naman namin kilala kung sino ang nakatira

"Let's just say na tinulungan ko na kayo makahanap ng bahay natutuluyan" at kumindat ito at naglaho na parang bula

"Edward" si May na mahina nito ng tawag sa akin, kaya napakaripas ako palapit sa kanya habang dahan dahan naman sya umuupo

Umupo ako sa kutson na kinahihigaan nya para icheck kung okey lang sya

"May, okey ka na ba? kumusta ka na? may masakit ba sayo? nahihilo ka pa ba? nagugut--" nilagay ni May ang hintuturo nya sa labi ko para pahintuin ako sa pagsasalita

"Okey na ako, 'wag ka nang mag alala para kang nanay ko eh" matamlay na sabi nito sa akin.

Nang tanggalin nya na ang daliri nya sa labi ko, nagsimula na ulit akong magsalita. Sya naman nagsimula na ilibut ang tingin sa bahay na tinululuyan namin

"Concern lang naman ako sayo, ikaw lang naman kasi kilala ko dito. Paano ka pagnawala ka? Sinong makakasama ko dito? Sinong tutulong sa akin para hanapin yung Prinsesa ko" huminto na ang tingin ni May sa akin at bigla ito ngumiti

"Ngayon ko lang na realise na nakakatulong pala ako sayo, kahit na hindi pa tayo nag sisimula sa paghahanap sa Prinsesa na sinasabi mo. Pero ang mapapromise ko sayo ay tutulungan kita na mahanap kung sino man sya" sabi ni May, may part sa akin na gustong tumalon sa tuwa pero hindi ko alam kung bakit?

Sa dalawang araw naming makakilala, masasabi na mabilis ang mga pangyayari. Lumitaw ako sa harap nya pero hindi ko alam kung paano, tapos pinalayas sya sa tinutuluyan nya dahil sa'kin at kumain kami ng pagkain na ngayon ko lang natikman nakituloy kami sa kaibigan nya na kamukha ng katulong namin sa palasyo

Pero bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya?

Parang malalapitan ko sya anytime na kailangan ko sya?

Yung parang maraming taon na kami nagsama kung magturingan kami sa isa't isa

"Edward okey kalang, kanina kapa nakatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha ko?" sabi ni may

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig kay May habang iniisip ko ang mga nangyari sa aminng dala

"No, I'm just--  Nevermind. Napansin mo ba kung nasaan tayo, ako lagi mong napapansin." sabi ko makalusot lang

"Wow ah, ako pa. Tsaka ikaw lang naman lagi ko mapapansin kasi tayo lang laging magkasama" sabi ni May sabay tayo at inikot ang ulit ang paningin sa bahay

"Oo nga, kanino ba 'tong bahay na to? Mamaya makasuhan tayo ng trespassing nito! Halikan na!" sabi nya habang hinahatak ang braso ko

"Walang makaksuhan at walang magsasampa ng kaso kasi sa atin na' tong bahay na 'to" sabi na may halong pagmamayabang

"Ows? Huwag mo nga akong pinagloloko? Pano ka makakahanap ng bahay eh halos makasama na tayo kanina pa bago pa ako mawalan ng malay" sabi ni May na nakataas ang isang kilay nito

"Let's just say na habang nakahiga ka dito, inalok na sa akin ito ng nakatira dahil sa awa sayo" sabi ko sabay kindat sa kanya

"Kung sino man sya, gusto ko syang pasalamatan. Kasi sa hirap maghanap ng bahay ngayon..... Teka, magkano mo nakuha 'tong bahay?" tanong nya. Miski ako nagduda sa dahilan ko

"Ah!"

"Ah?"

"Ahhh... Ilibot muna kita dito sa bahay, alam ko namang curious ka na sa itsura ng bahay natin" palusot ko sa kanya habang hinihila ko sya papuntang kusina.

Wala akong maisip na dahilan eh. Buti nalang talaga bukod sa gwapo na ako matalino pa, ang swerte talaga ng mapipili kong prinsesa

Nangmakarating kami sa kusina, napahinto si May dahil sa nakikita nya.

Simple pero maganda ang dating ng kusina, may Ref, may lutuan at marami pang iba, halos kupleto na sa gamit pang luto..

"Ano? Okey ba sayo?" tanong ko sa kanya, pero hindi nya ako sinagot ako sinagot at patuloy parin sya sa pagbukas ng mga cabinet at drawer.

"Grabe Bai! Sa'tin lahat 'to?!" manghang tanong nya habang nasa harap ng bukas ng Ref na punong puno ng pagkain

Napatango nalang ako at pinagmamasdan ang galak sa kanya mga galaw.

Pagkatapos nyang tignan ang Ref, tumakbo sa papuntang hagdan para umakyat sa pangalawang palapag at syempre sinundan ko sya kasi ngayon di lang ako makakaakyat doon.

Pagkaakyat ko, nasa loob na si May ng unang silid. Mayroong 2 walang puting pinto at sa malamang iyun ang magiging silid namin dalawa.

The Best ka talaga Fairy Tony👍

Pagkatapos tignan ni May ang dalawang silid, lumabas ito at napatingin sa akin. Diretso ang kanyang tingin na parang may nais syang sabihin.

Pero ang kinagulat ko ay...

Dahan dahan syang lumakad papunta sa aking direksyon, pabilis ng pabilis hanggang maging takbo na.

Nangpalapit na sya....

Bigla syang tumalon at....

yumakap sa akin.

a/n:

Love you alot❤️

My WATTPAD Prince..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon