Brianna
I hate him for the rest of my life!!
Lalo pa niya akong binigyan ng rason upang pahirapan siya sa pagiging fiancé niya sa akin. He just ruin the most important thing in my life!!
MY FAAAAAAAACE!!
"I'm so sorry ulit hija sa ginawa ng anak ko kanina." Sabi ni Tita Eunnice tsaka binigyan ako ng tuwalya at ng face cream. "Nakakahiya sa parents mo pag nalaman ito."
"Okay lang po Tita." Pero sa totoo lang hindi. Dahil hindi nila binigyan ng disciplinary action ang mokong na iyon at dahil jan, ako ang mag-bibigay sa kanya. Ibibigay ko kung ano ang deserving niyang parusa.
"Oo nga Tita, tsaka mabait naman si Brianna eh kaya maiintindihan niya iyon." Sabi ni Trixie pero alam ko na 'yong pagka-sabi niya na mabait daw ako kaya maiintindihan ko ang ginawa sa akin ni mokong, nako! Sobrang kabaliktaran.
"Ah basta! Hindi pa din tama ang ginawa ng pinsan mo sa fiancé niya." Napa-tayo si Tita Eunnice. "Hindi niya pwedeng gawin ito sa magiging asawa niya kaya wag kang mag-alala hija at kakausapin ko muli ang anak ko ng masinsinan, okay?" Tumango nalang ako sa sinabi niya.
"Sige po Tita kakausapin ko din si Jae mamaya." Sabi ni Trixie.
"Oh hala ako'y lalabas na mga hija, kayo na dito ha?" Paalam ni Tita Eunnice at lumabas na ng kwarto.
Pagkalabas naman ni Tita, umupo si Trixie sa tapat ko.
"So ano ng balak mo sa magaling kong pinsan?"
"Hindi ko pa talaga sure pero magiging matindi ito dahil sa ginawa niya sa mukha ko." Naka-kunot noo kong sabi habang nakatingin sa towel na hawak ko.
Hmm... ano kayang pwede kong gawin na parusa sa magaling nitong pinsan?
AHA!! Alam ko na!!
He should better get ready sa magandang parusa—este supresa na nag-hihintay para lang sa kanya.
---
Nandito kami ngayon sa school. Malamang may pasok na eh!
Dalawang araw na rin ang lumipas ng masira ang pagmumukha ko sa bahay ng magaling na pinsan ni Trixie.
Nandito ako sa may locker ko at dala ko na ang napaka-gandang supresa para sa kanya. Remember the first time na nag-kita kami? Mag-katabi lang ang locker namin at dahil do'n, napaka-swerte ko dahil ang kaibigan ko na matalino ay pinsan ng pag-bibgyan ko ng supresa.
At dahil matalino ang kaibigan ko, nalaman niya ang passcode ng pinsan niya at kaya ngayon ay ilalagay ko sa kanyang locker ang supresa ko para sa kanya na kapag binuksan niya ang kanyang locker ay makikita niya agad ito.
I'm so excited sa magiging reaksyon niya lalo na sa sasabihin niya sa akin pag nakita niya ako.
I can't wait!!!
---
"So ano payag ka na?" Makulit na tanong ni Trixie.
Kanina pa niya tinatanong kung gusto ko daw sumama sa kanya bukas sa Tagaytay kasi makikipag-blind date daw siya.
Uso pa ba 'yon?
"Hindi, tsaka ano naman ang gagawin ko do'n?" Ano ako third wheel? At tsaka pag-sumama ako do'n edi hindi na natuloy 'yong blind date niya.
"Wala." Sagot niya.
"Wala naman pala eh!!"
Makauwi na nga lang.
Kanina nga pala naka-salubong ko si mokong akala ko nga susugurin niya ako pero hindi. Ngumisi lang siya. Siguro hindi pa niya nakikita ang supresa ko para sa kanya kaya akala niya 'yong pag-ngisi niya ay ikaiinis ko. Well sorry nalang sa kanya kasi nasa akin pa din ang huling halakhak.
BINABASA MO ANG
Bitter Brianna
Teen FictionNang mahal ako ng tapat na tila isang angel kung ituring ng iba. Pero dahil sa ginawa mong gulo sa buhay ko, Lumabas ang natutulog na demonyo na tatabunan sa pagiging angel ko. Wala ng iba ang makakapag patulog sa nagising na demonyo dahil ito ay wa...