Prologue

75 43 24
                                    

Lahat tayo ay nag bibigay ng pag mamahal sa kapwa natin.

Pag mamahal sa ating Diyos.

Pag mamahal sa ating pamilya.

Pag mamahal sa ating kaibigan.

Pag mamahal sa mga taong ka-close natin.

At higit sa lahat ay sa ating makakasama hanggang sa pag tanda natin.

Pero meron din namang mga tao na ang hirap mahalin at hirap na mag mahal. Dahil ang katwiran no'ng iba ay baka masaktan lang daw sila katulad ng iba jan.

Hindi naman natin masasabi iyon eh. Kung masasaktan ba tayo o hindi. Pero lahat naman ng tao dumaraan jan hindi ba?

Naging kayo man o hindi. Basta mahal mo ang isang tao, masasaktan at masasaktan ka pa rin.

Paano naman kung isang anghel na babae—pero sa kaloob-looban ay may pagka-malditang taglay—ang nasaktan dahil niloko ito at ang matindi pa ay first love niya ito.

Ano kaya ang mang yayari sa isang anghel—na may tinatagong taglay—pagkatapos niyang masaktan ng lubusan?

Magiging sakim kaya siya sa pag-ibig at mananatiling ganito habang buhay?

O may makikilala siyang tao—na kapantay niya na isa ding sakim sa pag ibig na mag papabago ng takbo ng buhay niya?

BITTER BRIANNA
© Copy rights 2018

Bitter BriannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon