Brianna
On the way na kami papunta sa airport at kasama ko ngayon sina Bianca at Bryx. Sila kasi ang pinasama nina Mom at Dad imbis na sila. Psh. Ano pa ba naman ang aasahan ko sa kanila diba? Edi wala.
Pero kahit naman wala akong kasama, okay lang kasi matanda na naman ako para mag-karoon pa ng chaperon lagi pag aalis ako.
Nakatanaw ako ngayon sa may bintana para makita kung malapit na kami sa airport dahil mga Three-thirty kami umalis sa mansyon para hindi ako maiwan ng flight. Speaking of my flight, kada maaalala ko iyong flight ko papuntang Korea, lagi kong naaalala iyong sinabi sakin ni Trixie about kay mokong. Kung bakit pa kasi kelangan sabay pa iyong flight namin? Pwede naman magpa-late siya diba?
Aba! Siya mag-adjust noh!
Napansin ko na naka-pasok na pala kami sa gate ng airport. So this is it?
"Ate sure ka ba na aalis ka muna sa kalagitnaan ng pasok mo?" Napatingin ako kay Bryx na ngayon ay nakatingin din sakin.
"Oo naman, hindi ka pa ba nasanay na na-alis ako papuntang Korea kahit sa kalagitnaan ng pasukan ko?" Kasi 'yong una kong pag-alis sa kalagitnaan ng pasukan namin noong nalaman kong nangba-babae iyong ex ko na ngayon—si Matthew Javier.
"Dahil dati na-broken ka kaya ka pumunta ng Korea, eh ngayon ba broken ka? Hindi naman diba?" Napatingin ako ngayon kay Bianca na nasa kabilang bintana. Bali kasi pinag-gigitnaan namin si Bryx kaya nasa kabila siya.
Inirapan ko nalang ang sinabi niya.
Paano nga ba niya nalaman na kaya noong pumunta ako sa Korea na kung saan nando'n siya, one time nakita niya akong naiyak sa kwarto ko kasi hindi ako kumain ng breakfast at hindi pa din ako nag-lunch kaya ayun pinuntahan niya ako and there, she saw me crying at my bed kaya nalaman niyang na-broken ako.
Actually hindi ko naman talaga sinabi sa kanya na broken hearted ako that time, nagulat nga ako at sinabi niya na broken daw ako kaya naiyak ako. That was the first time na nagmala-Ate siya sakin at naramdaman ko ang pag-damay niya sa problema ko pero after that, back to normal na naman kami lalo na noong naka-balik na ako dito sa Pilipinas at na-walan ng communication with her.
"Ma'am nandito na po tayo." Sabi ng Driver namin. Sabay-sabay kaming bumaba sa kotse at pumunta malapit sa pinto ng airport.
"So eto na ulit Ate, paki-hi nalang ako kay Lola." Sabi ni Bryx. Tumango at ngumiti lang ako sa kanya.
"Ako din paki-hi nalang kay Lola at sabihin mo din na soon uuwi ako do'n para tulungan siya sa restaurant niya." Sabi din ni Bianca.
"Copy that all." Ngumiti ako sa kanila. "Sige papasok na ako. I'll back before you know it."
Niyakap ako ni Bryx at gano'n din ang ginawa ko. Si Bianca naman ay tinapik lang ang balikat ko. Kinuha ko ang maleta ko at pumasok na sa loob.
"Welcome to all passengers. We are calling all passengers of flight 2744 heading to South Korea to please come to door 15. Magandang umaga at mabuhay."
Pagka-sabi noon ay dumaretso na ako sa may door 15 at pumila pero bago pa ako makapila, may biglang naka-bunggo sakin kaya nauna siya sa pila.
Kumunot ang nook o. "Excuse me? Naka-bunggo ka oh? Are you not even saying sorry to me?" Lalo akong nainis sa kanya dahil hindi siya umimik manlang.
"Hey! Are you deaf?" Medyo napataas ang boses ko pero naging dahilan din naman iyon ng pag-lingon niya.
"I'm not a deaf and why would I do that? Diba dapat ikaw ang mag-sorry sa mga pinag-gagawa mo sakin?" Napa-atras ako ng mapa-lingon siya. Oh my oh my!! Nag-simula na ang kamalasan ko ngayong umaga. Tsk.
BINABASA MO ANG
Bitter Brianna
Teen FictionNang mahal ako ng tapat na tila isang angel kung ituring ng iba. Pero dahil sa ginawa mong gulo sa buhay ko, Lumabas ang natutulog na demonyo na tatabunan sa pagiging angel ko. Wala ng iba ang makakapag patulog sa nagising na demonyo dahil ito ay wa...