Chapter 19 - Condolense

19 18 0
                                    

Brianna

Kanina pa natapos ang seremonya para kay Jaexon na kapatid at kakambal pala ni Jaexie, pero hanggang ngayon ay hindi parin siya lumilitaw. Kahit anino niya wala.

"Lola, mag-lilibot-libot lang po ako sa paligid." Pag-papaalam ko.

"Oh sige apo. Baka na din makita mo si Jae ha? Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita." Tumango lang ako at tsaka umalis na. Kausap niya kasi yung ibang maids para maayos iyong puntod bago kami umalis. Alam niya kasi na maaaring isang taon pa ang lilipas bago may muling bumisuta sa puntod ni Jaexon.

Kung bakit kasi wala 'yong mas importanteng mga tao sa buhay ni Jaexon? Bakit hinayaan lang nila na si Jaexie ang pumunta? Are they even called a family?

Noong nang-overnight ako sa bahay nila dahil kay Trixie, hindi ko nakita ang ganitong side nila. Napaka-bait nila at mukha namang masaya ang pamilya nila but then.... This is the truth behind their beautiful image as a family. Feeling ko tuloy ay kinamumuhiyaan ko na ang family nila. 'Yong tipong ayoko silang makita kasi parang masusuka ako kapag makikita ko palang ang kanilang mga anino. Except lang kay Jaexie.

Teka lang ha! Baka iniisip niyo na may good image na sakin si Jaexie at tanggap ko na siya bilang fiancé ko but no! Except lang sa kanya kasi siya ang mas na-apektuhan sa nangyari.

Speaking of him. Natanaw ko siya na naglalakad sa kabilang kanto at maya-maya ay nakitang kong pumasok sa isang garden. Aba? Iba din itong himlayan ng kapatid niya at meron pang garden?

Sinundan ko siya sa loob niyon dahil na din sa utos ni Lola na kapag nakita ko siya ay isama na pabalik. Napaka-ganda naman ng loob nito. Napaka-aliwalas ng paligid at mararamdaman mo na parang wala ka sa city. Sobrang daming mga iba't ibang halaman at makukulay na bulaklak dito at makikita mo na inaalagaan talagang mabuti ang mga ito.

Habang sinusundan ko si mokong ay napansin kong napaupo siya sa isang bench dito sa pinaka-gitna na siguro ng garden na ito. Naupo siya doon at napatingin saglit sa langit. Pinag-masdan ko lang muna siya kung ano man ang gagawin niya. Medyo malapit ang pwesto ko sa kanya pero hindi niya pa din ako napapansin.

Nakatingin pa din ako sa kanya hanggang ngayon habang siya naman ay nakapikit at naka tingala pa din sa langit. Grabe! Ilang minuto na akong naka-tunganga dito kakahintay kung ano ang susunod niyang gagawin. Eh kung bakit ko pa kasi siya hinihintay na may gawin eh? Nakakainip na!

Lumapit ako sa kanya para naman matapos na itong drama niya. Tatapikin ko na sana siya ng mapansin ko na nahikbi siya habang naka-pikit at naka-tingala sa langit. Kaya agad akong pumunta sa may harapan niya upang makita kung bakit siya humihikbi. At nakita ko ang mga luha na mabilis na tumutulo mula sa kanyang mata.

Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak ng ganyan. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkabagsak ng langit at lupa. Sobrang gulo na ng buhok niya at mas malala pa ito kesa kaninang umaga.

Tumabi ako sa kanya at huminga muna ng malalim at tumingin sa may langit.

"You shouldn't cry that much but instead be happy because he saved your life and knowing that we will end up dying." Napansin ko na bigla siyang napamulat sa sinabi ko. "I know that he's happy right now because your still alive and kicking so hard but I think he will be really happy if you will be happy even if he's now gone." Nakangiti kong sabi habang naka-tingin pa din sa langit. Napansin ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin ngayon at hinayaan ko lang iyon.

Lulunukin ko muna ang devil pride ko para makiramay sa kanya. Hindi ko man naranasan ang naranasan niya noon at hanggang ngayon pero isa lang ang alam ko. He needs a friend who he can be with especially in this kind of situations that he is deeply in sorrow.

Bitter BriannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon