Chapter 25

12 12 0
                                    

Brianna

Nandito ako ngayon sa mall kasama ang pinaka-bruhilda kong kaibigan, si Trixie. Kanina kasi ay tinawagan niya ako at gusto niya daw mamasyal-masyal sa mall at dahil bad trip din naman ako sa pamilya ko kanina, pumayag na ako.

Noong umalis ako sa bahay ay wala sina Mom at Dad dahil pumunta daw silang company, pati sina Bryx at Bianca ay wala din doon dahil may kani-kaniyang ginagawa ang mga iyon. At sa pagkaka-alam ko ay may pa-farewell party ang klase nina Bryx kaya umalis iyon.

"Uyy!! Tara dito sa Classic Botique! Mukhang magaganda iyong mga damit!" Hinila naman ako ni Trixie papunta doon sa botique na sinasabi niya. Mahilig siyang mag-shopping actually, kaya nga may walk-in closet siya kasi sandamakmak ang mga damit at heels niyan.

Nag-umpisa na siya mag-halungkat ng mga damit habang ako naman ay naka-upo lang sa isang tabi. Buti na nga lang at may upuan dito, tutal may mga heels din naman silang binebenta kaya meron. Pinag-mamasdan ko lang itong shop habang hinihintay si Trixie na matapos sa mga pag-susukat ng damit. Hindi ko alam kung bakit pa ako napa-tingin sa may labas dahil hindi ko na-gustuhan iyong nakita ko. Sa dinami-rami ng makikita ko, ay sila pa. It's been 2 years since the last time I saw them being together and now I will see them again?

Napatayo nalang ako at pinuntahan si Trixie na namimili pa din ng kanyang bibilhin. Hinila ko ito papunta sa isang gilid kung saan malabo kaming makita mula sa labas ng shop. Nag-pupumiglas pa siya sa akin pero hindi ko siya binitawan hanggang sa isang sulok.

"Bakit ka ba basta basta nang-hihila? Can't you see? Nag-hahanap pa ako eh! At tsaka doon iyong may mga magaganda! Wala dito oh eww." Inirapan ko muna siya bago mag-salita.

"Kaya kita hinila dito hindi dahil may mga magagandang dito kundi may nakita ako sa labas na mga hudas."

"Luh? At sinong mga hudas 'yon? Ay teka? Bagong tawag na ba 'yan sa pinsan ko? Ikaw ha! Paiba-iba ka jan ng tawag sa kanya. Nako nakaka--"

"Gaga ka, hindi! Mokong pa din iyang pinsan mo." Ang dami-dami kasing sinasabi ayaw muna ako patapusin mag-salita tss. "At ang mga hudas na sinasabi ko ay iyong ex ko at iyong third party sa amin." Napa-kunot ang noo ko sa pan-lalaki ng mga mata niya tsaka pasilip-silip sa may labas.

"Ayy bruha ka, bakit naman mapupunta iyon dito? Hindi ba last year sinabi sayo ng investogator mo na nasa Bagiuo lang sila lagi at hindi nalabas iyong girl? Pinag-takahan mo pa nga iyon kasi ka-buwanan niya na 'yon hanggang sa naisipan mong ipa-tigil na iyong pag-sunod sa kanila kasi kahit na anong gawin mo, wala pa din mag-babago sa inyo." Lintik na bruha 'to at pina-alala pa sa akin iyon. Para nga akong tanga kasi pinapa-sundan ko pa din siya noon at sa huli, ako din naman iyong nasasaktan sa bina-balita sa akin. Ang bobo talaga ng noon na ako 'no?

Muli siyang napa-silip at ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. May kinuha siyang mask at isang scarf tsaka iyon ibinigay sa akin. "Anong gagawin ko dito?" Nilagay niya na iyong mask sa mukha niya at sumilip muna bago ako sagutin.

"Isuot mo iyan para pag lumabas tayo ay 'di ka nila mapansin." Medyo napa-kunot ako ng noo do'n pero sinabi niya na pumasok na daw kasi iyong dalawang hudas sa loob ng shop kung nasaan kami kaya ayon, sinuot ko na ang scarf na ibinigay niya sa akin at tumingin muna sa salamin bago umalis sa pwesto namin. Nang masiguro na namin na hindi ako mapapansin ay agad kaming umalis ng shop ng hindi mala-awkward ang lakad namin. Pero bago pa man kami maka-alis ng tuluyan ay biglang nag-salita 'yong sales lady.

"Ma'am hindi niyo na po ba bibilhin itong mga pinahawak mo po sa akin?" Anak ng tinapa naman oh!

Ni-lingon siya ni Trixie pero hindi ko siya ginaya. Kinuha ko lang iyong phone ko at nag-kunwari na may ka-text. "I don't think I'm ready to buy that but next time if the stock is still here, I'll be sure to buy them all." Bago pa makapag-salitang muli iyong sales lady ay hinila na ako ni Trixie papa-layo doon sa shop hanggang maka-punta kami ng parking lot kung nasaan ang kotse niya. "I think we should go now. Hindi pa panahon para sayangin ang kyutiks ko sa pagmu-mukha ng mga hudas na iyon."

Bitter BriannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon