Chpater 27

5 1 1
                                    

Brianna

Ilang araw na ang naka-lipas ng maihatid ako ni mokong sa condo ko noong nag-bar kami ni Trixie at nagising nalang ako na nasa kwarto na ako. Naguguluhan pa ako noon pero naikwento sa akin ni Trixie na tinawagan siya nito upang malaman ang pass code at inihatid daw ako hanggang kwarto. Sumunod din daw siya para mabihisan ako dahil amoy na amoy daw sa katawan ko ang alak na nainom namin. Hindi naman daw ako iniwanan ng mag-isa ni mokong hanggang sa makarating siya. She also found it sweet dahil binabantayan ako ng pinsan niya at nag-luto pa daw ito ng maaari kong kainin pag-gising.

"Hoy! Hoy! Bakit ka na naman naka-ngiti niyan ha? Iniisip mo na naman ba iyong ginawa ni Jae? Nako bruha ka." Sinamaan ko lang siya ng tingin at tinoon muli ang atensyon sa kinakain ko ngayon.

Speaking of him, hindi ko pa siya nakikita o kaya ay nakaka-salubong dito sa school. Madalas nakikita ko lang ay iyong best friend niya na mag-isa lang lagi lalo na pag-uwian. Tinanong ko din si Trixie pero hindi niya din daw alam at hindi naman daw pa siya nakaka-punta sa bahay ng mga ito. Hindi sa nag-aalala pero ewan ko ba at hindi ako sanay na hindi ko manlang nakikita ang lalaki na 'yon.

Tungkol pala doon sa Engineer ni Mom, madalas siyang napunta dito para sunduin ako at mag-dinner pero kung iniisip niyo na nag-da-date kami, pwes hindi. Nabalitaan ko din na may girl friend na iyon at nasa Japan daw na kapit bahay ng pamilya ng half-sister niya at dahil doon ay nakilala niya ito. Kaya pagkatapos na pagkatapos daw ng project niya kay Mom ay lilipad na agad siya para mag propose dito. Iniimbita pa nga ako pero sabi ko ayaw ko dahil hindi ko trip um-attend sa mga ganyan. Mamaya ay 'no' ang sagot noon edi napa-hiya pa siya hindi ba? Tsaka bakit ba nila ako iniimbitahan sa mga ganyan eh alam naman nilang dakila akong bagot sa mga ganiyang events. Basta about sa mga love love 'yan, it's a no for me.

Sabay kaming bumalik ni Trixie sa may locker room para kumuha ng mga gagamitin namin para sa research namin mamaya at ng papaalis na kami ay parang may natanaw akong isang tao na gusto kong makita. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahabol kasi mukha naman siyang nagpapa-habol. Naka-full black attire ito at sa nakakainis na pang-yayari ay pumunta siya sa gym kung saan may mga naka-black na suot. Nagulat ako ng may kumapit sa balikat ko at pagka-tingin ko ay si Trixie ito. Siguro ay nagulat din siya sa biglang pag-takbo ko kaya sumunod din siya. "Bruha ka! Bakit ka ba tumakbo ha? Tsaka ano bang ginagawa natin dito ha? Bakit ka tumakbo dito?"

Hindi ko muna siya pinansin at hinanap sa crowd ang taong iyon pero matinik siya at hindi ko siya makita kaya naisipan ko ng mag-lakad ulit dahil medyo malayo na dito ang susunod na room namin. Sumunod naman sa akin si Trixie na hanggang ngayon ay nag-tataka pa din kung bakit ako nag-padpad doon. Bumuntong hininga muna ako bago ko siya kina-usap habang nakatoon pa din ang atensyon ko sa daanan namin. "May nakita lang ako na tao pero bigla siyang nawala eh. Pasensya na." Medyo malapit na kami sa room ng harangin niya ako sa daan.

"Teka? Sino naman iyong nakita mo? At ngayon ko lang nakitang medyo kalmado ka habang humihingi ng pasensya." Hindi ko siya muling pinansin tsaka pumasok na sa room at umupo sa bandang dulo at sa may bintana. Katabi ko pa din si Trixie kaya hindi niya ako tinantanan sa mga tanong niya at napa-tigil lang siya ng may nag-text sa kanya. Kita ko sa peripheral vision ko ang pag-laki ng mga mata niya sabay sulyap sa akin tsaka nag-type sa phone niya tapos biglang dumating ang prof namin at may sinabi na announcement na hindi ko naman naintindihan. Sobrang lutang ng utak ko ngayon kasi iniisip ko kung bakit ayaw niyang magpa-kita sa akin o 'di kaya ay naiwas ba siya? Para saan? Naalala ko na naman iyong narinig ko sa telepono ng kausap ko si Dad.

Habang nag-hihintay ako na matapos iyong pag-di-discuss ng research prof namin ay may binigay na papel sa akin si Trixie. Medyo kumunot ang noo ko sa binigay niyang iyon pero tinignan ko nalang para hindi kami mapansin ng prof pero mas lalong kumunot ang noo ko sa naka-sulat.

Sayang pero ayos lang, at least sasaya ka na. Sana lang talaga ay sumaya ka sa nang-yari.

Medyo creepy kasi parang may ginawa akong masama pero wala naman tsaka anong sasaya? Saan naman ako sasaya eh ngayon nga lutang ako kakaisip sa taong iyon na kung bakit ko nga naman siya iniisip? 'Di na nga nag-papakita kaya ayos lang iyon.

Hindi ko na muli siyang pinansin at nag-umpisa na lang akong mag-sulat para kopyahin ang sinusulat sa board ng professor namin. Gano'n din ang ginawa niya pero parang binagsakan pa siya ng langit at lupa sa mga nag-yayari. Siguro dahil iyon sa text na na-receive niya kung kanino man. Pero bakit ko pa ba kelangan isipin pa iyon? Fvck!

Maagang natapos ang mga klase namin kaya maaga din akong umuwi pero hindi sa condo ko kung hindi ay sa bahay namin mismo. Hindi ko alam pero hinihila ako ng kaluluwa ko sa bahay namin at laking gulat talaga ng pamilya ko ng nakita nila ako doon. Wala si Bianca dito ngayon at siguro ay nasa condo niya at doon pa din siya tumutira. Pagka-tapos kong maligo ng buong katawan ko ay kumatok si Nene at sinabing kakain na daw kami kaya bumaba na agad ako and as usual, tahimik lang sila doon kaya umupo nalang ako at hinintay ang pag-kain. Pero bago pa man kami makapag-umpisa sa pag-kain ay biglang nag-salita si Dad kaya natoon ang atensyon namin sa kanya.

"Himala at dito ka tumuloy Brianna." Hindi ako sumagot at tumango lang sa kanya kaya nag-patuloy siya sa pag-sasalita. "At dahil nandito ka na naman din lang, then I think it is time for you to know on an update about your engagement." Nan-laki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad at talagang nakuha niya ang atensyon ko doon kahit hindi ako naka-tingin sa kanya. Nakaramdam naman ako ng kaba at sobrang bilis ng pag-tibok ng puso ko na akala mo ay mga bala ang mga salitang sasabihin ni Dad.

"Mukhang hindi ka magsasalita, pwes I'll make it straight." Tumikhim muna siya bago ituloy ang sasabihin niya. "Noong tinawagan kita last week ay alam kong narinig mo na nag-punta doon si Jaexie. Pero hindi ko inaasahan ang pinunta niya doon. Pinag-isipan kong maigi ang mga sinabi niya and maybe this isn't a great idea for you to have a husband. As I was saying, he just withdraw his own engagement with you without saying any reason so it means that you are free to flirt anyone."

Eto na nga ang sinasabi sa akin ni Trixie noong nakaraang araw. Ramdam ko na naman noon pa pero sa ngayon ay hindi ko alam kung ano ang madarama ko. Magiging masaya ba ako kasi ito na ang pinaka-hinihintay ko sa kanya, ang pag-withdraw sa lintik na engagement namin pero ewan ko ba. Siguro ay nag-pro-process pa din sa utak ko ang sinabi ni Dad at kaya siguro hindi siya nagpapa-ramdam sa akin kasi wala na namang dahilan para pansinin niya ako. Ibig sabihin ay malaya na ako. Wala na akong fiance and I'm purely single!

"What?" Gulat na tanong ni Bryx. "Bakit ako hindi pwede? Lintik naman oh!"

"Speaking of you Bryx. Sa isang linggo na ang dating dito ng fiance mo pero huwag kang mag-alala kasi hindi siya dito titira. Meron silang binili na bahay at lupa sa kabilang street kaya doon siya maninirahan kasama ang Yaya niya na Pilipina." Nan-laki din ang mata ko dahil finally ay makikita na namin ang fiance niya. Tignan nga din natin kung talagang hindi maganda ang sinasabing fiance niya. I'm so excited for him at sana, siya na ang maging solusyon para sa pagiging masaya ng aming bunso,

Pero shit! I'm happy to be single again! I wanna cry right now, my gosh thank you so much Jaexie! I don't know what is your reason for this but I'm very thankful, very thankful.

Bitter BriannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon