•Blood Seven•

139 4 0
                                    

*Sky POV*

Tulalado nanaman sya
Malalim ang iniisip
Hindi nya nga rin siguro alam na katabi nya lang ako

"Iniisip mo nanaman ba sya?" Medyo inis ang tono ng boses ko habang tinatanong iyon

Kahit trinaydor sya ng bestfriend nya eto parin sya nag aaksaya ng oras para lang isipin yung g@gong yon!

"Hindi" pagkakaila nito bago humiga sa hita ko at pinikit ang mata

"Nagsisinungaling ka" nakasimangot kong sabi narinig ko naman ang mahinhin nyang pagtawa

Kahit kailan hindi nabigo ang tawa nya na pangitiin ako

Para syang isang magandang musika para sa akin

"Ang kulit mo ayt!" Inabot nya ang buhok ka ang ginulo iyon

"Dapat lagi ka nalang nakatawa... kahapon parang papatayin mo na ko eh" sumimangot uli ako nung naalala yon

Biruin mo galit na galit sya sakin at halos patayin ako grrr

Tas tinawag nya pa kong Impyerno

-_______-

Nakita ko syang nakatitig sa mata ko kaya agad akong napaiwas ng tingin

Pakiramdam ko nagiinit ang mukha ko F|ck!

"Wag mo silang gambalain ky baka madamay pa sila" seryoso ito habang sinasabi iyon

Bakas sa mukha nya ngayon ang kalungkutan

Alam kong gusto nyang magkaroon ng kaibigan

Pero...

Alam kong natatakot syang magtiwala uli

"Hindi ko maipapangako pero susubukan ko prinsesa" natawa nalang ako nung naningkit yung mata nya

Ayaw na ayaw nya talagang tinatawag syang prinsesa ahahahaha pero wala kong magawa kundi tawagin syang ganon nakakatuwa kaya yung itsura nya

"Ulitin mo pang tawagin akong ganyan hindi kita papansinin makita mo!" Pagbabanta nito tyaka nakasimangot na tumagilid ng higa

Mas lalo lang akong napatawa sa pinapakita nya

She never failed to amuzed me

"Oo na oo na hindi na po, prinsesa" bigla ko namang tinagilid ang ulo ko ng maramdaman kong sasabunutan nya ko

"Hays!" Sigaw nito at ginulo ang buhok nya bago pabalang na umupo ng maayos sa tabi ko

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakasimangot nyang pinagmamasdan ang papalubog na araw

"Ky" mahinang tawag nito sakin na nakapagpataas ng dalawang kilay ko

Hindi ako sumagot at inantay ang sasabihin nya

Kitang kita ko kung pano sya magbuntong hininga bago nakangiting tumingin sakin

"Alagaan mo sila ah"

Alam kong hindi iyon ang gusto nyang sabihin pero nginitian ko nalang din sya at tumango

Naalala ko pa kung paano ko sya unang nakilala

Napakamiserable nya

Hindi alam kung saan dapat sya lulugar

Lagi syang umiiyak at napapaluhod nalang sa ibang mga tao para mag makaawa

She's asking for someone that can stay by her side

Ayon yung panahong pinagbintangan sya sa isang kasalanang hindi nya naman ginawa

At yung taong inaasahan nyang magtatanggol sa kanya ay ang tao ring sumira sa kanya

My fist turns to a ball at naguumpisa nanaman akong mainis pero naramdaman kong hinawakan nya ito kaya unti unti akong kumalma

"Ky" isang seryosong boses naman ngayon ang lumabas sa bibig nya kaya agad akong napalunok

Taena ka Eah (eya) alam mo bang yang boses na yan yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito sayo!

"W-what?" Ginawa ko ang lahat para mag mukhang kalmado pero napamura nalang ako sa isip ko dahil nauutal ako

"Ang gaspang ng kamay mo" naka ngusong sabi nito bago ako inabutan ng lotion

////>___</////

O_____O

?_____?

-_______-

"AZALEAHHHH!"

......
Lahat kami ay paikot na nakaupo habang pinagigitnaan kami ng isang may kalakihang round table

Napatingin nalang ako sa bakante nyang upuan at napailing

Kailan nga ba sya nagkaroon ng interes sa ganitong bagay

"Alam nyo naman siguro ang nalalapit na event ng school" panimula ko habang nakatingin parin sa bakanteng upuan na iyon

Tsk! Kahit kailan talaga pinapasakit mo ang ulo ko

"Yes boss at hindi din lingid sa kaalaman namin na maraming outsider ang pupunta hindi para sa event" halata sa boses ni Tiara na Secretary namin ang pagkabahala

"Balak nilang maghamon ng dwelo sa atin at sa Phoenix balita narin kasi sa underground na lumipat sila dito" Sabat naman ni Liam (sergeant of arms) na busy sa pagkalikot ng laptop nya

"Malaking gulo lalo pat may madadamay na mga inosente" napasandal nalang si Carl (treasurer) sa upuan nya

Asar akong napahilamos ng mukha ko dahil sa mga sinasabi nila sa akin

Mukhang magiging abala ako para sa mga nakakag@gong nalalapit na bisita ng school namin

Ipapamukha kong mali sila ng binangga.

the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon